Sticker Message

22 6 4
                                    

Lumipas ang mga araw.

Graduation na.

Lahat masaya na.

Tapos na ang paghihirap sa high school. College naman.

Nang matapos ang graduation, kaniya-kaniya ang yayaan nilang kumain.

Sabi ko kanila mama mauna na sila. Susunod nalang ako.

Hinahanap ko yung best friend ko, kaso hindi ko na mahagilap.

Wala pa kasi kaming picture.

Nagulat ako nang bigla kang lumapit.

Nagkatitigan na naman tayo.

Ito na naman eh. Maaalala ko na naman.

Iiyak na naman ako.

Bakit lumapit ka pa? Hindi mo ba alam na gusto na kitang kalimutan? Ang layo na nga natin sa isa't isa pero gusto ko pang lumayo. Ayokong nakikita ka. Ang hirap lumimot.

Buti nalang college na. Magkaiba tayo ng university.

Mabuti naman.

Para mas madali para sa 'kin.

Kaso bigla kang lumapit.

Napatigil ako sa paghinga.

Nakatingala ako sa 'yo.

Hindi pa rin nawawala yung titigan.

Hanggang sa may dinikit kang kung ano sa noo ko.

Napakunot tuloy ako.

Ano 'to?

Ngumiti ka.

At niyakap ako.

Hindi na talaga ako nakahinga.

Anong nangyayari?

Bakit ganito siya?

Anong trip niya?

Yung puso ko nahuhulog na.

Pakisalo naman please. Baka mawasak.

Ayoko kasing umasa.

Bago ko pa man makalimutan. Kinuha ko yung dinikit mo sa noo ko.

Isang sticker.

Naitulak ko siya ng mahina.

Nagtatakang nagtatanong ang mukha ko.

Natawa lang siya.

Napakamot siya sa ulo niya.

"Sorry ah? Katangahan ko umiral eh."

Nakatitig lang ako sa kaniya.

"Sobrang saya ko kasi nung dinikitan mo ako ng sticker. Tapos kinabahan ako bigla. Mali tuloy yung naibigay ko."

Kitang kita ang hiya sa mukha niya.

Wait, what?

Ano na yung pinagsasabi niya?

Hinawakan mo ang kamay ko at kinuha yung sticker. Pero hindi mo na binitawan.

Tinaas mo 'yong sticker.

"I'm sorry tuloy yung nabigay ko. Imbis na...

... I love you."

Napanganga lang ako.

-TAP-

A/N:

TAP means tapos. Hahaha pauso ako eh. Lols.

Sticker MessageWhere stories live. Discover now