Sticker Message

23 4 1
                                    

Lumabas nalang ako.

Wala naman akong pagbibigyan ng sticker na 'to eh.

Ididikit ko nalang sa pader.

Kaso paglabas ko nakasalubong kita.

Napamura ako sa itsura mo.

Ang gwapo mo kasi.

Nagkatitigan tayo. Wala ni isang kumukurap.

Kaso umiwas ka agad.

Lalagpasan mo na sana ako kaso hinawakan ko ang braso mo.

Idinikit ko yung sticker.

Alam kong nakakahiya. Pero ayoko nang kimkimin.

Alam kong ang panget tignan. Pero wala namang masama kung maglalagay ako eh.

Hindi lang naman ako ang isang naglagay.

Nakita kong ang dami ring I love you sticker na nakalagay sa 'yo.

Umiwas na ako ng tingin at akmang papasok na sa sana kaso

hinawakan mo yung kamay ko.

Ang init ng kamay mo.

Ang lamig ng kamay ko. Pinagpapawisan pa nga.

Tapos may inipit ka sa kamay ko.

Pag alis mo tinignan ko agad.

Isang sticker.

I'm sorry

Bakit I'm sorry?

Dahil ba hindi mo kayang suklian ng I love you?

Ah okay gets. Gets ko. Ang saya.

Tumakbo na ako palabas.

Uuwi nalang ako.

Iiyak magdamag.

Pero gusto ko lang malaman mo na

pinapatawad na kita sa I'm sorry mo.

Alam ko naman eh. Alam ko naman.

Ako lang 'tong umaasa.

Sticker MessageWhere stories live. Discover now