chapter 21

3.3K 29 1
                                    

*THUMP!*

Hay, ang sakit na talaga ng pwet ko grabe. Pag-uwi ko eh uupo talaga ako sa ice! Bumukas yung ilaw tapos napatingin ako sa paligid ko at napanganga. 

“Hello children. Welcome to my chocolate factory!”

Si Willy Wonka?! Oh My gosh! Grabe. Teka…parang namumukaan ko yata siya ah.

“Marvin?!” Oo tama! Siya yung Marvin mula dun sa Class 5. Kabatch ko tong lokong to!

“What are you saying dear child? My name is Willy Wonka and this is my chocolate factory!”

Tumigin naman ako sa paligid. Whoa…ang daming chocolates. Ngayon masasabi ko talagang malaki ang nagastos nila para sa pag gawa nito. Astig nila, idol!

“Whatever. Ang galing niyo ah! Paano niyo nagawang gawing ganito yung Gym. Teka, nasa gym pa tayo? Right?”

Tinawanan naman niya ako nun tapos naglakad paalis. May kasama pa kaming iba na naka-costume para dun sa ibang characters. Andoon nga rin yung babaeng nagbububble gum eh. Galing. Siguro mga 1st year o 2nd year to based on their height. Oh well…

Nakinig naman ako dun sa explanation ni Mr. “Willy Wonka” tapos nagmove kami sa isa pang part. May parang waterfalls nga doon eh. Grabe, now how did that get inside the gym?!

“I’m Late! Super late!”Tumingin ako sa likot namin at tama nga ako ng hula. Si Miss Rabbit!

“Miss Rabbit Wait!” umalis ako sa group namin. Narinig ko pa nga si Marvin na sumigaw eh pero hindi ko pinansin. Sinundan ko si Miss Rabbit tapos pumasok na naman siya sa isang door dun at pagpasok ko eh madilim na naman.

May biglang tumunog na music na parang pang mga nagbebenta ng ice cream. Almost katunog siya nung sa Magnolia pero iba. Ang cute nga eh. Ilang sandali lang rin eh bumukas na ulit yung ilaw tapos parang nasa isang tea party ako at yung host eh---teka, kilala ko yan ah!

“Cheeky?! CheskA?!?”

Nanlaki yung mata ko kasi parehas silang nakapambabaeng costume. Hindi mo malaman kung sino yung si Cheeky o si Cheska. Grabe, astig rin ng costume nila. May isa sa kanila na naka dress na blue tapos blue rin na wig tapos yung isa naman eh pink. Wow, talaga.

“Cheeky? Cheska? What is she talking about dear sisteR?” sabi nung isa na nakablue na may babaeng boses. Definitely Cheska.

“I don’t know my dear sister.” sabi naman nung isa na kaboses ni Cheeky. Definitely Cheeky. Tumingin naman silang dalawa sa akin tapos nagtabi. “I’m sorry Miss. But our names are not Cheeky and Cheska.” 

Natawa naman ako dun tapos nakiride nalang rin sa kanila. Hey, this is their maze so wala akong ibang magagawa kung di sumunod. “What are your names then?”

Lumapit silang sabay sa akin tapos, “We’re Lulu and Lala . The Amazing Twins!” Lulu and Lala? Diba dapat Tweedledee at Tweedledum? Ah heck, Hindi naman na yata ito Alice in Wonderland eh! More of a story in WONDERLAND. 

“We have a game for you miss!” 

“What is it?” ngumiti sila sa akin at sabay ulit na nagsalita.

“Guess who’s Lulu and who’s Lala!” 

Whoa, ang hirap naman nito! Sino ba sa kanila si Lulu in the first place?! Ano ba yan. “Paano ko naman malalaman eh hindi ko nga kilala kung kanino kina Cheska si Lulu or si Lala?” sabi ko sa sarili ko pero mukhang narinig nila kaya tumawa sila.

“Okay then Miss. Guess who we are then, based on who’s Cheska and who’s Cheeky!” 

Napasmile naman ako nun tapos tumingin sa kanila. This will be easy. “Yung nakablue si Cheska and yung nakapink si Cheeky.” sabi ko tapos may smug look pa ako sa mukha ko. Ha! Ang galing ko talaga. 

100 DAYS?!?Where stories live. Discover now