chapter 63

2.9K 19 0
                                    

“Anong ginagawa mo rito?”

Napapikit tuloy ako nun kasi natatakot ako sa magiging hitsura ng tatay niya. Baka mamaya galit na galit pala.

“Huy, ano bang kalokohan yan?”

Napadilat naman ako nun. Si Omar! Yumakap ako sa kanya ng mahigpit tapos napausog pa yata siya.

Pagkahiwalay namin eh saka ko lang napansin yung bago niyang pasa sa mukha.

“Gawa ba niya yan?”

Tumango lang siya nun tapos naglakad na kami palabas.“Anong ginagawa mo rito? Bakit ka pumunta?”

“eh diba sabi mo may sasabihin kang importante?”

Kumunot yung noo niya nun, para bang nakalimutan pa na sinabi niya yun sa akin. “SA Friday ko nalang sasabihin. Dali, umalis ka na. baka mahuli ka pa rito.”

Tumango lang ako tpaos nagbabaye na sa kanya. Paglabas na paglabas  ko ng gate eh saka lang ako nakahinga ng malalim. Grabe, nakakatakot talaga yung dad niya, and to think na hindi ko pa siya namemeet personally.

*****

Ilang araw rin siguro akong wala sa sarili. Madalas, palipad lipad ang isip. Nasanay narin naman sa akin yung mga tao, parang mas normal pa nga raw yung ganitong Andy kesa sa dati. Yun kasi ang madalas na nilang nakikita eh.

“Ngayon na papasok ulit si Omar diba?”

Tumango lang ako at ngumiti. Syempre, masaya ako para sa kanya dahil tapos na parusa niya. Sobrang nagulat talaga ako nun na kahit pagpunta ng school eh pinagbawalan siya. Grabe no?

Puro AVR lang kami nitong umaga. Saya nga eh, parati sa aircon at imax, minus the popcorn nga lang. pagdating ng lunch eh ako na yata yung pinakaunang lumabas ng room and this time, nasa labas rin si Omar.

“Huuuuy…kamusta?”

“Eto, ayos na. Sa wakas.” natawa lang kami nun tapos hinintay na namin yung barkada ko. Nung nakumpleto na kami eh pumunta na kaagad kami s amay cafeteria. Gutom na kasi eh.

Dahil hindi normal na araw ito eh dun kami long table umupo. (long table as in pinagdugtong na 2 short). Nakipagtarayan pa nga si Cheeky para lang makuha yung table na iyon eh. tawa nga kami ng tawa eh, akala namin mananapal pa siya, buti nalang hindi.

Bumili naman kami kaagad ng food namin nun tapos balik sa table. Kuwentuhan lang naman saka kulitan yung trip namin. Isang beses nga eh, kasi sadyang mga pilyong tao kami, eh namamato kami ng mga styro sa kabilang table. Wala naman nagalit, hindi naman kasi napupunta sa may pagkain nila eh.

“Alis lang ako saglit, babalik rin ako.” ano na naman kayang gimik nito? Hindi pa nga pala niya nasasabi sa akin yung gusto niyang sabihin! Ay naku, ano naman kaya yun?

“Andy, pansin ko lang. ikaw ba eh may gusto diyan kay Omar?”

Nanlaki naman yung mata ko dun. Ako?! Magkakagusto kay Omar?! Hindi no! “Nah, friend material yang si Omar.”

“Oh? Tingin kasi namin may special sa inyo eh.”

“Weh..wala kaya.” totoo naman eh. best friend lang tingin ko dun sa lalaking yun. Saka diba, alangan naman iwan ko pa siya ngayon na medyo magulo yung sitwasyon niya sa tatay niya. Ang sama ko namang kaibigan kapag ganoon.

“Wala lang. naisip lang kasi namin na ayos lang naman si Omar eh. Saka, kung siya yung way na pagmomove on mo, eh di okay narin yun para sa amin.” move on? Sa totoo lang? hindi ko pa naisip yang bagay na iyan. Feeling ko kasi…hindi ko parin kaya eh. 

Ngumiti lang ako sa kanila. Alam ko namang concern lang ulit yang mga yan. Naiintindihan ko naman sila kasi kung kay Marla at Cheska rin ito mangyari eh ganoon rin naman ang iisipin at gagawin ko.

Medyo nagtaka naman kami kasi bakit parang ang tagal yata ni Omar. Ano ba ginawa nun? “Ang tagal naman nun..”

“Baka naman nagnumber 2.”

“Hay naku Stephen, kung magnunumber 2 yun eh di malamang nanghingi siya ng tissue. Asus,”

Tumawa lang si Stephen kasi alam naman niyang pahiya siya. Hay itong dalawang to talaga oh. 

”Ate may nagpapabigay po”

Napatingin naman ako sa bata tapos nagulat nang may hawak siyang blue rose. Napatayo ako bigla tapos lumapit.

“Kanino galing yan?” sabi ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

May lumapit uling bata sa akin, this time babae naman. Ganun din ang ginagawa niya at kapag tatanungin ko kung sino sila eh ngingiti lang rin sila sa akin.

”Ate, sabi po ni Kuya eh umakyat ka daw po sa may rooftop, dun mo po siya makikita.”

Agad naman akong nagpasama kina Vince at nagtatakbo kami papuntang rooftop. At habang tumatakbo eh ang daming tanong na pumasok sa isip ko.

Makikilala ko na ba talaga siya? Paano kung kakilala ko lang pala siya? Paano kung he’s not what I expect him to be? 

Pero teka nga, ano bang ineexpect mong maging siya?

Tinuloy ko nalang yung pagtakbo. Sobrang tagal nga eh kasi ilang floor ba naman ang inakyat namin para lang makarating dun sa rooftop.

“Andy, dahan dahan lang.”

Hindi ako nakinig. In fact, mas binilisan ko pa ang takbo ko.

“huy Andy..”

Konti nalang…

“Huy, baka naman mapilay ka niyan!”

Ilang steps nalang…

“Andy!”

At ayun! Nakarating din kami. Dahan dahan pa akong naglakad nun kasi napagod ako. Inikot ko naman yung buong rooftop at nakita sa may dulo na may lalaking nakatayo at nakatalikod sa amin. Pagharap niya eh nanlaki lang yung mata ko at napanganga.

“Hello Sassygirl Andy.”

100 DAYS?!?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin