chapter 52

3K 17 0
                                    

“Sige maiwan ko muna kayo!”

“Per--” 

At umalis na ako at iniwan ko na yung dalawa. Ganyan ang ginagawa ko simula nung araw na yun. Yung araw na napagdesisyunan kong “kalimutan” na siya. At iyon na nga ang nag-iisang way para makalimutan siya. Ang umiwas at ilapit siya kay Kat.

Tumigil ako sa pagtakbo nung medyo nahingal na ako. Nakarating na pala ako sa tapat ng art room. Hay, magmula nung nagresume ang klase eh hindi na ako nakakapunta masyado dito. Hindi ko narin kasi makita yung point ng pagbisita ko eh. Feeling ko kasi, imbis na mawala ang pagod ko, baka masaktan lang ako. Malay mo, si Kat na naman yung nasa painting gaya ng sabi niya dati.

“bakit hindi ka pumasok? Wala naman kakain sayo diyan eh.”Napatingin ako sa likod ko. Si Omar lang pala.

“Nah, hindi na ako ganoon ka interested eh.”

At pagtapos nun eh naglakad na ako. Sumabay naman siya sa akin lumakad at nakipagkwentuhan na. ang kulit nga niya eh, patawa ng patawa. Pero nakatulong naman siya, kasi kahit papaano, nakalimutan ko na may problem pala ako.

“Kung ako sayo, lalaban ako.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Anong pinagsasabi mo diyan?”

“yung sa inyo ni Kit.” umiling lang naman ako nun pero siya eh inerapan ako.

“May pinili na siya. Si Kat yun. What’s the point?”

“Bakit, sinabi ba niya sa iyo na si Kat ang pinipili niya? May sinabi ba siya kahit kelan na si Kat ang mas gusto niya? Wala naman diba?”

“Obvious kaya!” nairita na ako. Ayoko kasi ng masyadong pinagpipilitan ang isang topic eh. Lalo na yung ayaw kong pag-usapan.

“Obvious? Andy, obvious ba kamo?! Eh ano namang alam mo sa mga obvious na bagaY! Yung best friend mo nga na OBVIOUS na may gusto sa iyo eh hindi mo man lang napansin! So you have no right to say na OBVIOU--- ”

*PAK!*

Nagulat siya sa ginawa ko pero mas lalo siyang nagulat dahil bigla nalang tumulo yung mga luha ko. “Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan dahil wala ka namang alam!!” 

Tumakbo na ako nun palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta gusto ko lang makaalis. Wala na akong pakiealam kung mamimiss ko yung ibang klase namin. Sports fest naman namin next week eh. 

Napatigil ako dahil sumakit yung tuhod ko. Kanina pa kasi ako nagtatatakbo. Napaupo ako dun sa ilalim ng puno. Grabe, ang init ah. Sumandal ako sa trunk ng puno tapos pumikit. 

Ano na kayang mangyayari ngayon? Makayanan ko kaya ito?

“Ate may nagpapabigay po” napatingin lang ako dun sa hawak ng bata at nanlaki yun mata ko. Blue Rose.

“Kanino galing ito? Pwede mo bang ituro sa akin?”

“Tara po ate, turo ko sayo” 

Sumama naman ako dun sa grade school na bata at dinala niya ako dun sa may entrance ng school namin. Hingal na hingal nga kami nun kasi ang bilis ng tinakbo namin.

“saan?”

“AY, nawala si kuya.” 

Napasimangot lang ako nun. Nagthank you lang ako dun sa bata tapos naglakad na pabalik ng fields. Ilang minutes nalang matatapos narin yung klase. 

Hay, bakit ba ayaw pa magpakilala ni mr. cuteboi? Bakit?

Tinignan ko ulit yung rose. May nakakabit pala na papel. Binuksan ko naman kaagad yun at binasa.

“Andy, malalaman mo rin kung sino ako soon. For now, heto lang ang pwede kong gawin.”

Sino ka ba kasi?

*****

Ilang araw ko ring naging routine yung pag-iwas kay Kit. Tuwing umaga, late akong dadating sa school. Kung baga, mga 2-3 minutes nalang ang natitira bago magbell. Tuwing breaks naman namin eh sa CR lang ako ng girls o di naman kaya sa isang liblib na place sa school. Medyo naguiguilty nga ako kasi hindi ko na nakakasama yung friends ko eh. Buti nalang at naiintindihan nila ako at hindi siya nagagalit sa akin.

“Guys...”

“we know.”

Ngumiti ako sila at nagthank you tapos diretso na ako sa likod ng highschool building. Doon sa may damuhan. 

Doon ako kumakain ng lunch ko these past few days. Medyo nakakatakot nga eh kasi minsan may mga karpintero pang dumadaan at amoy alak yung iba. (yeah, tanghaling tanghali eh nag-iinuman sila.) pero nasanay narin ako kasi hindi naman na nila ako pinapansin eh. Parang invisible lang ako dun kaya wala na akong problema.

“Alam mo, if you’re running away, marami pang mas okay na place kesa dito.” napatingin ako dun sa nagsalita. Si Omar lang pala. Teka nga, bati na ba kami?

Hindi ko siya kinausap dahil sa nagawa niya dati. Lumapit siya sa akin tapos tumabi pero hindi ko parin siya kinikibo.

“About what happened nung isang araw. Sorry na dun okay? Bati na tayo please? ”

Akala niya ganoon lang kadali yun? Hindi no! 

“If you want, dalhin pa kita sa mas malayong lugar kung gusto mong takasan si Kit. ”

Napatingin naman ako sa kanya nun. “Baliw ka alam mo yun?”

“Oo, alam ko. Baliw nga ako.” tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Pinalo ko naman siya. Bwisit na yan, nawala tuloy yung pag-emote ko. Hmf. Bahala nga siya.

“Parating open yung offer ko, kung magbago man isip mo, lumapit ka lang sa akin.” tinignan ko lang siya. Seryoso ba siya?

Umiling lang ako nun tapos kumain na ulit. Sinamahan naman ako ni Omar hanggang sa pabalik ng classroom namin.

The next day, ganun ulit nangyari. Walang pagbabago maliban nalang sa pagsama sa akin ni Omar tuwing tumatakas ako mula sa kanila. Tuluy tuloy lang yun hanggang sa mag Friday. Akala ko nga walang bagong mangyayari eh, meron pala.

“nahihibang ka na talaga ano?!?”

“Ano ka ba Andy! Think of it this way, kung sa bahay ka lang, malamang pupuntahan ka nun.” tinignan ko lang siya na para bang nababaliw siya. No, hindi pala parang, NABABALIW na nga siya talaga for making that offer. 

“Oo nga pero..”

“Fine sige, hindi na kita pipilitin. Ikaw bahala.” at pagtapos nun eh hindi na siya ulit nangulit tungkol dun sa pag “run away” namin. 

Nung matapos yung araw eh nagpahuli na naman ako ng labas. Syempre, para sigurado. Dumaan muna ako ng locker kasi may kelangan akong iuwing gamit kasi marami rami rin yung assignment ko. 

“Sige, ayos lang sa akin.” 

Teka…Andito pa si Kit?! Wah! 

Nagmadali akong kumuha ng gamit ko and at the same time eh sobrang iningatan kong hindi makacreate ng ingay. Mahirap na diba.

Aalis na sana ako nun ng biglang may narinig ako na boses ng babae. Isang napakafamiliar na boses ng babae.

“Talaga Kit? Yey! Thanks talaga!” 

“Wala yun.” 

“Sabi ko na nga ba eh, lahat gagawin mo para sa akin…”naglakad na ako nun paalis dahil ayoko na marinig kung anu man yung sasabihin pa ni Kit. Ayokong masaktan ulit. Ayoko na.

Pagdating ko sa may entrance ng school namin eh nakita kong nakatayo dun si Omar. Hinintay pala niya ako.

“Yo Andy.” lumapit ako sa kanya tapos kinuha naman niya yung dala kong gamit. “Tara, hatid kita.”

Lalakad na sana siya paalis nun kaso hinila ko yung arm niya. Nagulat nga siya eh at napataas ang kilay sa akin. “Omar..”

“Let’s run away.”

100 DAYS?!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon