Chapter 3

336 12 1
                                    

Jho's POV

After what happened nung umuwi kami ni Bea and Jia sa dorm parang wala lang. It's not that i was expecting something from her matapos niyang sabihin sakin yon. Pero siguro ganon lang talaga siya. Mabulaklak lang siguro talaga yung mga bibig niya.

Hindi na napagusapan yung nangyari nung araw na yon. Naging magkaibigan kami ni Bea nang dahil kay Jia. Friends pero hindi kami close. Minsan nagkakausap kami pero casual talking lang. Habang tumatagal parang mas lalo kong napapansin si Bea. Yung itsura niya. Yung ugali niya at yung pagkatao niya. Ewan ko ba. Crush ko siya aaminin ko pero crush lang yon. Nothing more and nothing less.

Nandito kami ngayon sa BEG. Katatapos lang ng training so kaniya kaniyang ligo na.

"Jho! Kanina pa kita hinahanap. Saang cubicle ka ba? Kanina pa ako nagsisisigaw ng pangalan mo dito walang sumasagot."

"Sorry Ate Ells, di ko ata narinig eh." sabay kamot sa batok.

"Yun nanaman ba iniisip mo? Alam mo sinabihan na kita. Wag mo ng isipin yon kasi di ka naman naiisip. Wala lang yon. Ano ka ba. Move on na besh" kilalang kilala talaga ko neto eh. Ang lakas pa ng boses baka may makarinig.

"Te Ells ano ba. Hinaan mo naman boses mo. Wala tayo sa dorm. Quiet ka lang. Saka anong move on ka diyan? Ikaw ata tong di naka move on diyan eh. Hindi ba owedeng hindi ko lang talaga narinig yung pagtawag mo?" sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Alam mo kahit anong deny mo. Halatang iniisp mo pa din. Ang assumera mo talaga. Girl gising sa katotohanan."

"Aray ha. Hindi ako assumera. Nahiwagaan lang ako. Gaga wag kang OA diyan."

"Oo na. If you say so. Oh sha aalis na ako. Gusto lang kita yayain mamayang gabi magdidinner lang. Wala kasing may gustong sumama sakin ee. Ok lang ba bebe Jho?" at nag puppy eyes pa si gaga hahaha ✌✌

"Ew Jorella sinasabi ko sayo itigil mo yan. Wag mo na uulitin yan kahit kanino ha. Nakakabahala eh. ." lumagapak naman ako sa katatawa. Umakto naman siyang hahampasin ako. "Hep! Subukan mo nang mawalan ka ng kasama mamaya."

"Peste ka Maraguinot. May araw ka din sakin. Pasalamat ka kailangan kita. Aalis na ko. Baka ma'late pa ko. Di ba may class ka din? Alam ko halos sabay lang tayo ah. Bye bebe Jho." biglang alis siya. Di man lang ako hinintay magsalita.

Tinignan ko naman ang relo ko. Sh** malelate na ako sa class ko. Gahd! Di man lang ako hinintay nung babaeng yon. Aaaah! Yung mga gamit ko. Ayos dito ayos don. Hala teka. Wala dito yung book ko. Shit naman. Naalala ko naiwan ko sa study table kagabi nung nagbabasa ako. Great Jho. Ang galing mo talaga. Pagkatapos ko ayusin mga gamit ko tinignan ko ang relo ko. 10:10 na. I still have 20 minutes para kuhanin yung book at makapasok sa room.

Agad agad akong tumakbo palabas ng gym. Kinukuha ko yung earphones ko sa bag habang palabas ng bigla akong mabangga ng isang tao. Nahulog yung ibang gamit sa bag ko.

"Ano ba yan!" sigaw ko. Nakakainis kahit naman di ako yung nakatingin sa dinadaanan ko dapat nakita din niyang naglalakad ako. Kinuha ko lahat ng gamit ko. Naalala ko wala mga pala akong oras para makipag argue. Kaya tumayo ako agad at naglakad.

"Ugh sorry. Jho?" pagkarinig ko nung boses agad akong napalingon.

"Bea?" wrong timing kung kailan nagmamadali ako.

"Sorry Bea ha. Pero kailangan ko ng umalis. Naiwan ko kasi yung book ko sa dorm." tinignan ko ang relo ko. Sh*t! "Meron na lang akong 15 minutes bago yung class ko. Sige alis na ako."

Paalis na ako ng bigla akong hatakin ni Bea.

"Ui Bea ano ba. Hindi diyan ang way pa'dorm. Ma'llate ako." tinignan ko ang paligid. Nasa may parking lot kami. Ng huminto siya sa harap ng isang kotse napa'face palm ako. Naalala ko may sasakyan nga pala to.

Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now