Chapter 2

4.7K 94 0
                                    

"Ma, Dad, I'm moving to Kuya Ken's Condo na din pala" paalam niya sa mga magulang.

"Why is it about the issue pa din ba" tanong ng mommy niya.

"No, actually since 18 na ako balak ko sana mag part time para naman may experience ako. Kinausap ako nun event stylist and coordinator na nag ayos ng debut ko. They are very open naman na bigyan ako ng flexi sched kung kelan lang ako available, and since malapit yun condo ni kuya dun at saka sa school mag magiging conviniet for me." Paliwanag niya

"why do you have to work, we can provide naman for you, baka ma distract ka pa sa pag aaral mo" nag aalinlangan ang dad niya na payagan siya.

"I know, but I have to this for my fulfilment, iba pa din yun gagawin ko yun gusto ng puso ko dad, ma siga na payag na kayo"

Bumuntong hininga ang daddy niya. "hon, should we allow her"

Niyakap ni Kara ang braso ng mama niya at nag puppy eyes "sige lets have a deal, we'll allow you pero pag nahirapan ka o naapektohan ang school you'll quit okay"

"Yes" sunod sunod ang tango niya.

Tutol sana ang Kuya Kevin niya at Kuya Kiel dahil nag aalala sila na kung sino sino ang makilala ko at hindi rin ako sanay na malayo sa magulang pero wala din silang nagawa tanging "Kenneth ikaw ang bahala dyan pag may nangyari dyan ikaw ang mamagot" pag babanta pa ng dalawang nakatatandang kapatid.

Hinatid siya ng mga magulang at kapatid sa condo ni kuya Kenneth niya, mahigpit na kabilinbilinan ng mga ito na ingatan niya ang sarili at wag mapapabayaan ang pag aaral kahit pinayagan siya na mag part time.

Masayang masaya siya dahil pinayagan siya na mag trabaho. Kung tutuusin kaya naman talaga ng mga ito na ibigay ang pangangailangan niya at luho niya kahit di siya mag trabaho pero iba pa din ang self-fulfilment na maibibigay bukod sa financial na aspeto.

Gaya ng inaasahan niya magiging regular na bisita nila ang best friend ng kuya niya na si Gabriel at ang iba pa nitong barkada. Kakatapos lang niay iligpit ang mga gamit niya nang pag labas niya sa sala ay nag iinuman ang mga ito.

"Princess beer you want?" tanong ng kuya niya. Lingid sa kaalaman ng mga magulang niya at iba pang kuya tinuruan siya umunom ng kuya Kenneth niya para daw pag lumabas siya ay hindi siya madaling malasing ng kung sino.

Kumuha lang siya na dalawang in can na beer at dumirecho na sa kwarto na nilaan para sa kanya. Hindi na siya makikihalubilo sa mga lalaki sa labas dahil may papanuodin pa siya na cd na binili niya nun nakaraan.

Nakasalang na ang pang tatlo niyang palabas nang may kumatok sa pinto niya. Si Gabriel ang niluwa nito nang pinag buksan niya.

"Baby" malambing na sabi nito habang palapit sa kanya. Nakasayan na din niya na baby ang tawag nito sa kanya mula pa nun una silang nag kakilala nung nasa high school pa ang kuya niya. "uuwi na ako, nakaalis na yun iba" tatango lang sana siya nang mapansin na pasuray suray na ito.

Hindi na niya ito pinauwi at pinatulog na lang sa kwarto ng kuya niya. Lasing na ito at delikado na kung papauwiin pa niya. Inalalayan niya ito bitbit ang isang unan niya na ipapahiram dito. "bukas ka na umuwi pag nahimasmasan ka na" hindi naman din ito kumontra. 

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon