Chapter 41

1.7K 35 0
                                    

After 3 days ng pagkakampo sa bahay ng magulang niya, Kara finally decided to go back to Manila. Tinawagan na din niya si Gabriel na sabay sila mag lunch.

Nang makarating siya sa floor kung saan ang office ni Gabriel nakita niya si Mabelle, kasama si Cheena. Kara rolled his eyes, pinilit niya na umiwas pero mukhang nananadya ang mga ito.

"so what are you doing here?" tanong ni Mabelle

"why am I not allowed to go here? Dito nag tatrabaho ang fiancé ko"

"well wag ka pakakasiguro, malay mo hindi ka naman talaga niya mahal, he's marrying you dahil sa mga bata"

Tumaas ang kilay niya "so umaasa ka pa pala na kay Gabriel" I faked laugh "akala mo hindi ko alam kung paano ka humahabol sa kanya, well sorry but he told me everything"

"ahh talaga, sinabi din ba niya sayo na ang plano lang naman niya kaya siya bumalik is to get even with you, sa pang iiwan mo sa kanya" si Cheena ang nagsalita.

"and Kara tell me kung bakit nang tumawag ako eh iniwan kaniya agad at bumalik siya ng manila"

Natigilan siya pero hindi niya ipinakita ang inis "Mabelle, don't flatter your self, kaya siya bumalik dahil sa trabaho not because of you. Wag ka assumera"

"aba't"

Napigilan ni Kara ang pagsampal sana sa kanya ni Mabelle "you don't want to make a scene here, do you." Binitawan niya ang kamay ni Mabelle. "kung ako sayo hindi na ako aasa masasaktan ka lang" nag lakad na ako papalayo sa mga bruha.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago pumasok sa opisina ni Gabriel.

Naka order na si Gabriel ng food pag pasok ko. Naka ready na din ang table.

"Hey" lumapit siya at niyakap ako. "I missed you, sorry hindi na ako naka balik"

plano lang naman niya kaya siya bumalik is to get even with you parang nag eecho ang sinabi ni Cheena "bakit ka nga ba bumalik" Kara asked Gabriel

"huh, baby hindi na ako nakabalik dahil sa problema sa site" takang tanong ni Gabriel

Kara shook her head "sorry na lito lang ako" kahit pilit niyang I deny affected siya. Alam naman niya na mahal siya ni Gabriel pero hindi siya sure kung ganun talaga siya nito kamahal para mawala ang sakit na nagawa nang pag iwan niya dati.

Hindi na umalis ng opisina ni Gabriel si Kara pagkatapos ng lunch. Inaayos niya ang magiging guest list para sa kasal nila. Dahil kilala naman niya ang mga kamag anak ni Gabriel inilista na din niya ito.

"babe, I'm almost done with the list I finalize nalang natin kung may idadagdag ka pa" sabi ni kara habang inaabot ang papel kay Gabriel.

"baby, Cheena is going with Kuya" komento nito

Napagkasunduan nila na si Gia ang magiging partner ni Gio sa entourage kaya wala itong role sa kasal nila. "well I know she'll come kahit hindi ko siya imbitahan, masasayang lang ang invitation ko"

"baby naman, fiancé siya ni kuya at pupunta siya"

Hindi na umimik si Kara para wala nang gulo isinulat nalang niya ang pangalan ni Cheena sa mga iimbitahin. "okay sino pa, I already listed you college and High school friends na ka close mo"

"si Mabelle" sagot nito na sa monitor ng computer nakatingin

Ibinagsak niya ang kamay niya sa table, enough to caught Gabriel's attention "no! I'm not gonna invite that bitch" mataas na boses niyang sabi.

"baby she's not a bitch okay" kalmadong sabi ni Gabriel. "besides she's a friend. Nang si Martin inivite mo wala ka naman narinig sakin"

"he's also your friend! Beside importante saakin na nandun din sya. Let me remind you na nung mga panahon na nag bubuntis ako nandun din siya. Kaya nga nagkamabutihan sila ni Gelyn diba" pasigaw na niyang sabi.

"nandun din si Mabelle nang mga panahon na mag isa ako. Kaibigan ko siya di parehas lang yun" mataas na din ang boses ni Gabriel

"magkaiba yun dahil may gusto sayo ang babaeng yun"

"Ikaw ang papakasalan ko kaya wala naman rason na mag selos ka okay" biglang kumalma ang boses ni Gabriel. Tumayo ito at niyakap siya sa likod. "I love you"

Nawala naman agad ang inis ni Kara "I love you too, pero pag iisipan ko pa kung iimbitahan ko siya okay"

"okay, just please consider na she's a friend at gusto ko magkasundo din kayo. Mabait naman siya" still convincing her

"Mabait din ang tawag ng iba sa mga bubwit, pero nakaka peste sila. Sana lang wag mameste yang babaeng yan ipapatapon ko yan sa Timbuktu" she rolled her eyes. Hindi nga ata talaga niya kayang magalit kay Gabriel kahit pa ipinipilit nito na mabait ang babaeng yun.

Hindi naman niya ito masisisi dahil mabait naman talaga ito, pag kaharap si Gabriel pero pag sila na lang hindi lang sungay ang pinapakita nito pati na buntot at pangil nito. Wag lang talaga siya nitong kakantiin makaktikim siya kay Kara.


The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon