Chapter 45

1.7K 30 0
                                    

Gabby can you help me, I'm sick wala akong food. I haven't eaten since yesterday, wala din akong gamot

Gabriel received text from Mabelle. Hindi naman siya busy dahil all set na ang mga preps 3 months before the wedding mas final details nalang.

Napaisip si Gabriel kung pupunta ba siya, ayaw niya na mag talo sila ni Kara at ang pagpunta kay Mabelle ay alam niyang pag seselosan nito.

Nakokonsesnsya naman siya na hindi niya madalahan ng pagkain ang dalaga. Alam niya na wala itong kaibigan, tanging siya lang at si Cheena ang kaibigan nito at wala naman sa maynila si Cheena.

He grabbed his wallet and keys "bahala na"

Nakaupo si Kara sa may sala habang naka tututok sa laptop.

"baby, lalabas lang ako saglit" paalam niya sa dalaga.

Nakakunot naman ang noo nito "saan, sabi ko kanina hindi ka aalis. May dinner tayo sa labas with mommy diba" tukoy nito ang biological mother nito na umuwi mula ibang bansa.

"oo nga, saglit lang ako promise babalik din ako agad"

"okay, just be back before 6 okay para sabay na tao pupunta sa restaurant"

Hindi na sumagot si Gabriel, hinalikan lang niya sa pisnngi si Kara.

Dahil may sariling susi hindi na nag doorbell si Gabriel, nag text naman siiya kanina kay Mabelle na mag dadala siya ng pagkain at gamot.

Umakyat iya sa kwarto at doon nakita na ballot na ballot si Mabelle ng kumot. Hinawakan niya ang leeg nito, hindi naman masyado mainit. Inisip niya na baka kakainiom lang ng gamot kaya mababa ang lagnat.

"hey gising na, may dala akong food at gamot" sabi niya habang nilalabas ang pagkainmula sa paperbag.

Inalalayan niya si Mabelle tumayo, sinubuan na din niya para makainom agad ito ng gamot.

"salamat"sabi ni Mabelle

"ahhh aals na din ako kasi—"

"can you please stay, natatakot ko mag isa dahil may sakit ako" nag mamakaawang boses ni Mabelle

"kasi may dinner kami nila—"

Muling nagsalita si Mabelle "si Kara nanaman, I know kaibigan mo lang naman ako. Kung may ibang aalaly sakin habang may sakit ako hindi naman kita tatawagan" nag tatampong tinig nito. "hindi naman ako naging madamot sa time ko noong kailangan mo—" yumuko ito "sige umalis ka na hayaan mon a lang ako kaya ko na may gamot naman, safe naman yan kahit walang laman ang tiyan diba"

"Mabelle, I'm sorry, hindi kasi alam ni Kara na dito ako pupunta. Madami naman ang food kasya to hanggang—"

"just leave"

Walang magawa si Gabriel, ayaw niya na magalit si Kara pag nalaman nito na si Mabelle ang pinuntahan niya. Gusto man niyang samahan si Mabelle gaya ng pag sama nito nun panahon na siya naman ang nangaiangan pero kailangan din siya ni Kara.

Nasa huling bitang na ng hagdan si Gabriel nang makarinig siya ng kalabog. Agad siyang tumakbo papunta sa kwarto ni Mabelle, nakita niya ito na nakahiga sa sahig.

Napatingin naman si Mabelle sa kanya "ano pang ginagawa mo dito, leave. Hayaan mo na ako" umiiyak nitong sabi

Hindi naman nag salita si Gabriel inalalayan niya ito pabalik sa kama. "sleep, mamaya na ako aalis pag naka tulog ka na"

"can you get us water or juice please" yun lang ang sabi ni Mabelle.

Agad naman bumaba si Gabriel sa kusina para kumuha ng maiinom. Dalawang juice in can na ang kinuha nito para makainom din siya habang inaantay na makatulog si Mabelle.

Nang makaayat binuksan niya ang dalawang juice at inabot kay Mabelle ang isa. Nakaupo siya sa silya sa tabi ng kamahabang nakikipag kwentuhan kay Mabelle. May dalawang oras na din ang pakikipag kwentuhan nito, alasinko na ng gabi.

"mabelle, I have to go na kasi may dinner pa ako na pupuntahan" paalam niya sa kaibigan.

"can you please refil the pitcher para hindi na ako bababa" pakiusap nito sa kanya

"okay" agad naman niyang kinuha ang pitsel at bumaba para magsalin ng tubig dito.

Inilapag niya ang pitsel sa table sa tabi ng kama nito.

"ubusin mo na muna ang juice mo saying naman" sabi ni Mabelle bago nito ininom ang natitira ding juice nito.

Nang maubos na ang juice ay tumayo na siya at nag paalam.

Hindi pa siya nakakalabas ng main door ay nakaramdam na siya ng hilo kaya naman nag pasyahan ni Gabriel na naupo muna sa couch. Isinandal niya ang ulo hanggan unti unti nang nakatulog.

�8�4��

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon