ASA

43 0 0
                                    

Sa bawat asa mo may kapalit na sakit, sakit na sana ay tuwa, tuwa sa puso't isip mo na ang labong ibigay ng tao inaasahan mo, sa bawat pagpindot mo ng iyong cellphone na sana ay may palit ng kanyang tugon, tugon na ang tagal mong inaantay, sana di na lang kita nakilala, sana sa iksi ng panahon iparamdam mo din sakin na mahal mo ko, ang sakit, ang sakit sakit na, sa bawat araw na lumipas napapaisip na lang ako kung minsan ba ay may naramdaman ka sakin, sa gabing madilim, madilim din ang aking mundo kapag di kita nakakausap, tinitiis ko ang tagal mong tugon, kasi umaasa pa din ako na isang araw ireply mo sakin na "GUSTO DIN KITA" pero kailan pa? Pag tapos na ang mundo? Minsan hindi napipigilan ng luha ko na tumulo hindi ko alam kung bakit siguro pagod na silang magtago sa aking dalawang mata na parang bang gusto sumigaw na ayoko na itigil na natin tong kabaliwan na to kasi ang sakit na ang sakit sakit na, ngunit ang aking puso't isipan hindi pa pagod, hindi pa pagod sa pagpintig ng iyong pangalan, pangalan mong katunong ng isang anghel sa kalangitan, kalingatang nagbigay sayo saakin ngunit hindi ka mapasakin, pinagtagpo tayo ngunit hindi tayo itinadhan, minsan nagagalit ako sa mapaglarong tadhana dahil tayo ang napili niyang paglaruan, Itinadhana ata ako para umasa sa pagdating ng panahon na mapasakin ka, asang walang katapusan, asang hanggang sa ikamatay ko na lang, minsan tinatanong ko na lang sa aking sarili "kailan ka kaya mapapasakin", nakakabaliw ang asa ng asa na walang pag asa 😞

Para sa mga sawi, umaasa at nag tatanga tangahanWhere stories live. Discover now