TAMA NGA BA?

28 0 0
                                    

Tama bang sumuko na lang ako sayo? Tama bang tumigil na lang ako sa kakaasang maging tayo? Tama nga ba? Paano kung isang araw dumating ang pinakahihintay ko na mahulog ka din sakin? Matutuwa ba ko kung alam ko na isang imahinasyon lang yon? Dapat ba kong magising sa katotohanan na malabong mangyari ang gusto ko? Minsan ginagawa ko ng gabi ang araw at araw naman ang gabi kasi umaasa ako na isang araw mapansin mo ko, mapansin mo ang puso ko kung pano tumibok pag nakakausap at nakikita kita. Minsan natutulog akong basa ang aking unan, hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang tumutulo ang mga luha ko siguro pagod na din sila, kasi ako pagod na, pagod na pagod na sa pag asang maging tayo, pero wala namang imposible kung patuloy pa din akong umasa sayo diba? May pag asa nga ba ko sayo? Minsan dinadaan ko na lang sa biro ang lahat, minsan wala lang pero sa loob loob ko may meaning yung mga sinasabi ko sayo. Minsan ba kinilig ka sa mga biro ko? Syempre alam ko na yung sagot, hindi kasi wala ka namang pakielam sakin diba? Minsan nagigising na lang akong may luha sa aking mga mata at pisngi, hindi ko alam, siguro may napaniginipan ako tungkol sayo, tungkol satin tapos bigla kong naalala wala nga palang tayo kaya bigla na lang kumawala ang mga luha ko, mga luhang pagod na pagod na sa pagbagsak mula sa mga mata ko. Mga matang mugtong mugto na dahil patuloy pa rin sa pagbagsak ng mga luha, luhang mula sa sakit ng nararamdaman ko mula sa pag asang maging tayo kahit na napaka imposible. Ngayon muli kong tatanungin ang aking sarili kung ihihinto ko ito o maghihintay ako ng araw na isambit mismo ng iyong bibig ang salitang "MAHAL DIN KITA", sana makayanan kong mag intay ng matagal kasi gustong gusto talaga kita. 😊😌

Para sa mga sawi, umaasa at nag tatanga tangahanWhere stories live. Discover now