SANA

29 0 0
                                    

Sana dumating yung araw na masambit ng iyong mga labi ang salitang "GUSTO DIN KITA", yung araw na mapapalitan ng ngiti ang nakasimangot kong labi, yung araw na walang luhang tumutulo sa mga mata ko, yung araw na masaya lang ako, masaya sa piling mo. Mangyayari nga ba yon? Sana nga. Sana maging tayo, sana sabay tayong tumanda ng magkasama at hayaan mong ako ang mag alaga sayo pag tayo ay matanda na, napapaisip na lang ako kung mangyayari ba yon. Yung maging tayo, yung tayong bilang isang pamilya, yung tayong sabay natin aabutin ang mga pangarap natin, yung tayong imposibleng mangyari. Masakit isipin pero handa akong magpakamanhid para lang satin, para sa tatahakin nating buhay na magkasama. Minsan sa tuwing tayo ay magkausap nagdadalawang isip ako na tanungin ka ng "minsan ba ay may naramdaman ka sakin", dalawa lang naman ang posibleng maging reaksyon ko pag natanong ko yun sayo e ayun ang saya at lungkot, saya kasi umamin ka na meron kahit konti at lungkot naman kasi wala. minsan nag aassume na lang ako na meron kang nararamdaman para sakin kaya labis akong nasasaktan, pero ayos lang, dun na lang ako nagiging masaya e sa paraang pag iisip ng mga bagay na positive sating dalawa, bakit ka ba kasi ganyan? Bakit ba kasi sobra akong na attract sayo? Bakit ba? Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ikaw pa? Siguro nga itinadhana tayo, itinadhana para paglarauan. Sa tuwing tinitignan ko ang mga larawan mo sa aking cellphone para akong nakatingin sa langit napaka ganda pero ang hirap mong abutin. Sana dumating na yung araw na inaantay ko, ayun yung araw na maging tayo.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Nov 08, 2016 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Para sa mga sawi, umaasa at nag tatanga tangahanOnde histórias criam vida. Descubra agora