Chapter 3

626 14 0
                                    

Medyo matagal akong nanalagi sa lugar na iyon dahil hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Rain gusto ko siyang gisingin pero tumatagos lang ang kamay ko sa katawan niya kaya laking pagtataka ko kanina kung bakit ko siya nabuhat mabilis lumipas ang oras at ngayon ay gising na siya medyo nagulat pa siya nung una niya akong makita  pero nagpapasalamat siya dahil tinulungan ko siya kasabay noon ang pagngiti niya ito na siguro ang kauna-unahang nakita ko siyang ngumiti ng di papilit kaya masaya ako dahil doon. Nang makarating kami sa bahay ay agad siyang nagpalit at nagbihis pagkatapos ay umupo sa kanyang kutsyon.

"Rain ano nga pala ang ginagawa mo sa sementeryo?" Nag aalinlangang tanong ko

"Naalala ko kasi ngayon ang petsa ng pagkamatay ng mga magulang ko!"

"Kung maari pwede ko bang malaman ang nangyari sa kanila?"

Rain's POV

Sanay na akong mamuhay ng magisa dahil simula ng mamatay ang mga magulang ko ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa dahil wala na akong aasahan. Dahil wala na  akong kilala na natitira ko pang mga kamag anak. Simula ng aksidenteng iyon ay naging mabilis ang pagbabago ng takbo ng buhay ko nawalan narin ako ng pag asa pa na mabuhay, parang tumigil ang takbo ng ikot ng mundo pero pinipilit ko parin hanggang ngayon na maging ok kahit na alam ko naman na hindi ko na mababalik pa ang nakaraan kaya kahit alam kong mahirap ay pipilitin kong mag moveon sa nakaraan ko.

Flashback........

Masaya ako ngayon dahil ito ang araw na magbabakasyon kami ng pamilya ko napagpasyahan ni Dad na magbakasyon naman kami dahil masyado nadaw silang nagiging busy sa trabaho kaya ito ang paraan paradaw makabawi naman sila sakin. Naaalala ko noong pitong taong gulang palang ako  ng maganap ang trahedyang yon kasalukuyan nagda-drive non si Dad samantalang kami ni Mom ay masayang nagkukwentuhan ng biglang may lumikong sasakyan sa direksyon namin kasabay noon ang malakas na busina. Nanghihina na ako at nanlalabo narin ang paningin ko. Kahit nahihilo na ako ay pinilit kong lumingon sa direksyon nina Mom and Dad pero nanlumo ako sa nakita ko nakaipit ang kalahating katawan ni Dad sa nakayuping unahan ng sasakyan samantalang puno naman ng bubog ang mukha ni Mom at parehas silang naliligo sa kanilang dugo. Diko alam ang gagawin ko kaya kahit hirap na hirap ay tinanggal ko ang seatbelt at pumunta sa kinaroroonan nila ginising ko sila ng sabay kaso wala akong nakuhang sagot mula sa kanila kundi puro ungol at mabibigat na pagghinga nakarinig na din ako ng mga tao na nagbubulungan mula sa labas ng sasakyan di nagtagal may umalingawngaw na tunog kasabay noon nawalan na ako ng malay.

Nagising ako na nakahiga ngayon sa kama halos puro puti ang nakikita ko sa kapaligiran bumukas ang pinto at pumasok ang isang nakaputing babae may kung ano ang ginawa niya sa tubong nakatusok sa kamay ko pagkatapos ay tinanong ko siya. Nalaman kong magdadalawang linggo na pala akong walang malay at nalaman ko rin ang pinakamasakit na balita ang nalaman ko di na daw nakasurvibe ang mga magulang ko at yun ang dahilan ng kanilang pagkamatay hinintay nilang mag isang linggo kung may pupuntang kamag anak pero wala kaya napagpasyahan at dahil narin sa tulong ng taong nakabangga sa amin ay sinagot na niya ang pagpapalibing at pagpapagamot ko. Halos mawala ako sa sarili ko nung nalaman ko ang balitang yon dahil din don nawalan na ako ng pag asa pa na mabuhay ng nakarecover ako sa aksidente kinuha ako ng ampunan at doon na namalagi hanggang sa lumaki na ako kaya napagpasyahan ko ng umalis sa lugar na iyon at mamuhay ng mag isa.

End of Flashback.....

Alam kong nagtataka ka kung bakit kita nakikita dahil simula noong nakaligtas ako sa aksidente ay nakakakita na ako ng mga katulad mo dahil doon marami ang nagsasabi na nababaliw o ang weird ko pero diko nalang pinapansin ang mga sinasabi nila.

Alam ko kahit masakit ang mawalan ng magulang ay masaya parin ako dahil nakaligtas ako sa trahedya at binigyan pa ako ng pangalawa pang pagkakataon na mabuhay at dahil don nagpapasalamat ako sa panginoon. Alam ko din na may dahilan kung bakit nangyari yon.

Jack's POV

Habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon ay tumutulo ang mga luha niya nararamdan ko din na napakalungkot niya alam ko din na hanggang ngayon ay sariwa parin sa ala ala niya ang mga nangyari imbis na maawa ay bumilib ako sa kanya dahil nakayanan niya ang mga nangyari tama siya maswerte siya dahil binigyan pa siya ng pagkakataon na mabuhay na ipinagkait sakin. Ngayon ko lang din naunawaan na hindi rin pala madali ang mabuhay lalo na't nagiisa kana.

Patuloy parin siya sa pag iyak gusto ko siyang patahanin at yakapin pero alam ko na hindi ko iyon magagawa dahil para lang akong hangin para sa kanya. Dahil din sa pinagdaanan niya ay nakikita niya ako kaya nagpapasalamat talaga ako dahil dumating siya sa buhay ko dahil doon nagkaroon ako ng pag asa na malalaman ko na kung sino ako pero natatakot ako dahil baka once na malaman ko ang katotohanan ay mawala na ako sa tabi niya at magiging magisa na naman siya. Sa tuwing naiisip kong mangyayari yon ay parang ayoko ng alamin pa ang katotohanan kapalit non ay ang pagiging pananatili ko sa tabi niya. Ayoko talaga siyang iwan dahil pakiramdam ko ay may gusto na ako sa kanya pero imposible na mangyari yon dahil patay na ako samantalang siya ay buhay.

Di nagtagal ay kumalma na siya at lumabas ng bahay sinundan ko siya at nagtataka ako dahil nakatingala lang siya sa kalangitan at muli na namang bumuhos ang malakas na ulan. Pinipilit ko siyang papasukin sa loob pero ayaw niya mas lalo akong nagtaka kung bakit siya nakangite habang tinitingnan ang mga butil ng ulan na pumapatak.

"Alam mo ba kung bakit gustong gusto ko sa ulan?"

"Bakit?"

"Kasi tuwing umuulan naaalala ko ang mga magulang ko. Ayon kasi sa kwento nila noong pinanganak ako ay malakas ang buhos ng ulan dahil doon naging Rain ang pangalan ko. Yun din daw ang dahilan kung bakit masaya sila tuwing umuulan."

Kung ganoon yun pala ang dahilan halos lahat pala ng nangyayari sa paligid niya ay may ala ala ang mga magulang niya sa kanya na kahit papaano ay nakapag papagaan ng pakiramdam niya. Ano kaya kung naaalala ko rin ang mga nakaraan ko magiging masaya din kaya ako? Pero di ako nagmamadali dahil ang importante sakin ngayon ay ang taong nandito ngayon sa tabi ko at ang taong nagbigay sakin ng pag asa walang iba kundi si Rain.

When The Ghost Fall Inlove  (Completed)Where stories live. Discover now