Chapter 8

432 9 0
                                    

Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang malaking bahay na tutunguhin ko naging maswerte ako dahil naiwang nakabukas ang gate ng bahay dahil doon pumasok na ako nagtataka man dahil marami ang mga lalaki sa bahay na ito ay nakinig nalang ako sa pinaguusapan nila.

"Mga tanga paanong nakatakas?"

"Pasensiya na Maam!"

"Lumayas kayo siguraduhin niyong di kayo nakilala ng babaeng yon! Mga bobo!"

Mabilis na umalis ang mga lalaki nagkataon lang kaya o baka naman si Rain talaga ang tinutukoy niya pumunta ang babae sa kwarto pati narin ang lalaki na bago niyang asawa sinundan ko sila hanggang sa loob at dinig na dinig ko ang mga paguusap nila.

"Pano yan anong gagawin natin paano kung may nalalaman na ang babaeng yon!"

"Sya sige wag kanang magalala ngayon din pagnahanap namin siya ay agad ko siyang papatayin"

"Kung ganoon umalis kana at siguraduhin mong magiging malinis ang trabaho mo"

Mabilis umalis ang lalaki at tinungo ng babae ang mga larawan nandito siya ngayon sa kwarto na dapat na papasukin ko noon yung kwartong madilim at mukang pinaglumaan na dahil sa tagal na hindi nagagamit binuksan niya ang ilaw at nagulat ako sa mga nakita ko puno ito ng mga larawan ko noong nabubuhay pa ako ibig sabihin ito ang kwarto ko noon lumapit siya sa isa sa mga larawan ko ibinato niya ito sa semento dahilan para mabasag ang mga salamin na nakalagay doon.

"Bakit ba? Ano pa bang kailangan mo? Patay kana bakit nanggugulo ka pa!"

Ano ba ang sinasabi niya hindi ko siya maintindihan pagkatapos ay mabilis siyang lumabas ng kwarto at padabog na sinarado yon naiwan lang akong magisa dito lumapit ako sa mga larawan at pinagmasdan ang mga litrato kasabay noon bumalik lahat ng ala ala ko noong nabubuhay pa ako.

Rain's POV

Pagdilat ng mga mata ko ay walang Jack akong nakita pero may dalawang matanda na nakaupo malapit sakin ng napansin nilang nagising ako ay dali dali silang lumapit sa kinaroroonan ko at nagtanong kung ok lang ako at tumango lang ako bilang pagsang ayon binigyan ako ng matandang babae ng lugaw at sinubuan niya ako diko namalayan na tumutulo na naman ang luha ko naalala ko na naman sina Mom at Dad ganito din sila noon kapag nagkakasakit ako.

"Oh! Hija bakit umiiyak ka?"

"Naaalala ko lang po ang mga magulang ko."

"Kung ok lang sayo maaari ba naming malaman kung nasaan sila?"

"Matagal na pong patay car accident"

"Naku! Hija pasensiya kana.!"

"Ok lang po. Nasaan po ako?"

" Naandito ka sa bahay namin nakita ka kasi namin ng asawa ko sa gubat at may malaking sugat kaya dinala ka namin dito para gamutin ka."

"Salamat po kung ganoon!"

Marami pa silang naitanong sa akin at binigay ko naman ang sagot sa tanong nila dahil kahit na ngayon lang kami nagkakilala ay pakiramdam ko ay magaan ang loob ko sa kanila. Nalaman ko din na ang pangalan ng babae ay Linda at ang lalaki naman ay Jake mabait silang mag asawa at tuwing nakikita ko sila ay naaalala ko ang mga magulang ko nabanggit din nila na meron silang anak na lalaki na nag ngangalang Andrew mabait talaga silang mag asawa sa katunayan nga ay sinabi nila kung wala na daw akong uuwian ay sa kanila nalang daw muna ako tumuloy pagkatapos ay pinahinga na nila ako gusto ko pa sanang makilala ang anak nila pero nasa bukid daw ito dahil nagtatrabaho. Nang nakaalis na sina ate Linda at kuya Jake ay naalala ko nanaman si Jack nasaan na kaya siya sana ay ok lang siya at maayos ang lagay niya. Sumapit ang gabi dahil mahaba haba ang naging tulog ko ay gabi na ako nagising tulog na lahat ng tao ganun din sina ate Linda at kuya Jake pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig kahit pipilay pilay ay kinaya ko dahil uhaw na uhaw na talaga ako ayoko naman na gisingin pa sila dahil alam kong mga pagod din sila dahil sa trabaho. Nang narating ko ang kusina kahit paika ika ay pinilit ko ang maglakad pero nawalan ako ng balanse pero nagulat ako sa taong sumalo mula sa likuran ko.

"Ah miss ok ka lang?"

"Ah oo salamat!"

Dahil nakatalikod ako sa kanya ay di ko naaninagan ang mukha niya inalalayan niya ako paupo sa upuan at laking gulat ang sumagi sa isip ko.

"Jack!!!!"

"Sinong Jack?"

"Ikaw?"

"Ako! Hindi Jack ang pangalan ko."

"Weh! Wag kang nagbibiro ng ganyan."

"Miss di ako nagbibiro ok! Ako si Andrew anak nina Jake at Linda."

"Eh bakit magkamukha kayo?"

"Miss pasensiya kana hindi ko alam ang sinasabi mo. Ibig sabihin ikaw ang nakita nina mama at papa sa gubat. Ok ka na ba?"

"Oo salamat!"

"Sige matutulog na ako may trabaho pa ako bukas"

Pagkatapos noon ay umalis na siya at nagtungo na ng kwarto niya samantalang ako ngayon ay nakanganga ngayon dito dahil sa pagtataka paanong nangyaring magkamukha sila? Sino kaba talaga Jack? Sa ngayon kailangan kong malaman ang pagkatao ng Andrew nayon.

When The Ghost Fall Inlove  (Completed)Where stories live. Discover now