Chapter 12

443 11 0
                                    

Rain's POV

Lumipas ang isang linggo ay nakauwi na si Jacob, dahil nakakulong na ngayon si Miss Hannah ay napunta na lahat kay Jacob ang ari-arian ng mga King hindi narin Andrew ang pangalan niya dahil pinalitan na ito ng totoo niyang pangalan at apelyido, sa Mansyon narin sila nakatira ngayon kasama nina Aling Linda at Kuya Jake pinilit pa nga nila akong doon nadin tumira pero di ako pumayag dahil makakagulo lang ako sa kanila. Nitong mga nakaraang araw ay bigla bigla na lang nawawala si Jack diko alam kung saan siya nagpupunta. Kasalukuyan akong kumakain ng bumukas ang pinto excited na excited ako ngayon pero ang sumalubong sa akin ay Jack na malungkot at kagagaling lang sa pag iyak.

"Ah! Jack may problema ka ba?"

"Rain kasi..."

"Bakit ba? Anong problema?"

"Rain sorry!" Sabi niya habang umiiyak

"Bakit kaba nag sosorry?" Sabi ko na umiiyak narin

"Kasi di na ako magtatagal dito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil nalaman ko na lahat ng dapat kong malaman at nakuha ko narin ang hustisya sa pagkamatay ko ay ang kapalit noon ay maglalaho na ako."

"Maglalaho. Paanong? Eh patay kana"

"Diko rin alam Rain basta nitong mga nakaraan ay napapansin kong diko na nahahawakan ang mga bagay. Sorry Rain mukang di na ako magtatagal dito sa mundo niyo."

"Pero sabi mo di mo ko iiwan. Jack please wag ka namang umalis oh!"

"Gusto ko Rain, gusto koring wag mawala sa tabi mo pero di ko alam. Diko na talaga alam."

"Jack please! Alam kong ang weird nito pero sasabihin ko na mahal kita bago palang tayo nagkakilala alam kong patay ka na pero diko mapigilan tong nararamdaman ko. Kaya wag mo naman akong iwan oh! Mahal na mahal kita. Sige na oh!dito ka lang sa tabi ko."

"Sorry! Rain sana wag kang magalit sakin diko rin gustong mawala sa tabi mo. Pero ito na ang kapalaran ko. Sana maintindihan mo."

"Jack please! Parang awa mo na dito ka lang sa tabi ko alam mo namang ikaw nalang ang meron ako diba. Sige na Jack!"

"Sorry Rain. Hanggang dito nalang ako. Sana wag kang magalit sa akin ipagpatuloy mo parin ang buhay mo. Sana ay maging masaya ka kahit wala ako."

"Jack wag muna!"

"MAHAL NA MAHAL din kita Rain"

Pagkasabi niya non ay hinalikan niya ako at unti unti na siyang naglalaho.
Sana ay maging masaya ka Jack kung nasaan ka man ngayon pangako ipagpapatuloy ko ang buhay ko at palagi din akong magiging masaya tulad ng sabi mo MAHAL NA MAHAL din kita. Sana maaga ko siyang nakilala para kahit paano ay matagal kaming nagkasama pero masaya na din ako dahil kahit papaano ay naramdaman kong kahit patay na o multo ay may nararamdaman din sila. Heto na naman tuwing may nawawala na isa sa mga mahal ko ay bumubuhos ang malakas na ulan. Napangiti nalang ako kapag naaalala ko ang mga ala ala namin ni Jack pati narin ang mga magulang ko malakas parin ang buhos ng ulan kasabay noon ang mga luha ko napapikit nalang ako ng naramdaman kong niyakap niya ako. Salamt dahil nandito ka ngayon. Salamat!

Jack's POV

Nang natapos ang lahat ng nangyari ay may nararamdaman na akong kakaiba sa akin dahil doon ay minabuti ko nalang na umiwas muna kay Rain para di niya mahalata ang mga pagbabagong ito. Alam kong di na ako magtatagal sa mundong ito kaya pag uwi ko ay sasabihin ko na sa babaeng mahal ko ang tunay kong nararamdan alam kong huli na pero ang mahalaga ay masabi ko sa kanya ito . Pag pasok ko sa bahay ay tinanong niya na agad ako.

"Ah! Jack may problema ka ba?"

"Rain kasi..."

"Bakit ba? Anong problema?"

"Rain sorry!" Sabi ko habang umiiyak

"Bakit kaba nag sosorry?" Sagot niya na umiiyak narin

"Kasi di na ako magtatagal dito."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil nalaman ko na lahat ng dapat kong malaman at nakuha ko narin ang hustisya sa pagkamatay ko ay ang kapalit noon ay maglalaho na ako."

"Maglalaho. Paanong? Eh patay kana"

"Diko rin alam Rain basta nitong mga nakaraan ay napapansin kong diko na nahahawakan ang mga bagay. Sorry Rain mukang di na ako magtatagal dito sa mundo niyo."

"Pero sabi mo di ko iiwan. Jack please wag kanamang umalis oh!"

"Gusto ko Rain, gusto koring wag mawala sa tabi mo pero di ko alam. Diko na talaga alam."

"Jack please! Alam kong ang weird nito pero sasabihin ko na mahal kita bago palang tayo nagkakilala alam kong patay ka na pero diko mapigilan tong nararamdaman ko. Kaya wag mo naman akong iwan oh! Mahal na mahal kita. Sige na oh!dito ka lang sa tabi ko."

"Sorry! Rain sana wag kang magalit sakin diko rin gustong mawala sa tabi mo. Pero ito na ang kapalaran ko. Sana maintindihan mo."

"Jack please! Parang awa mo na dito ka lang sa tabi ko alam mo namang ikaw nalang ang meron ako diba. Sige na Jack!"

"Sorry Rain. Hanggang dito nalang ako. Sana wag kang magalit sa akin ipagpatuloy mo parin ang buhay mo. Sana ay maging masaya ka kahit wala ako."

"Jack wag muna!"

"MAHAL NA MAHAL din kita Rain"

Pagkatapos kong sabihin ay hinalikan ko siya kelan ko lang nalaman na pwede ko palang mahawakan ang isang tao sa hindi inaasahang panahon yung tipong pag may emergency ay kaya ko silang hawakan pero pag ginusto ko ay hindi. Kaya pala yung nakita ko si Rain sa sementeryo ay nabuhat ko siya dahil isa yong emergency.

Masaya ako dahil kahit patay na ako ay nakakaramdam parin ako ng pagmamahal imposible man kung iisipin kahit ako ay di ko maipaliwanag, ang masasabi ko lang ay habang buhay ka pa gawin mo ang gusto mong gawin wag kang mag aalinlangan sa kung ano man ang kahihinatnan nito ang mahalaga ay wala kang pinagsisihan sa bandang dulo. Kaya kahit alam kong naging madali ang buhay ko ay kahit papaano ay nabuhay ako. At may nakilala akong babaeng na di ko akalain na mamahalin ako kahit alam niyang hindi kami hanggang dulo eh pinaramdam niya parin sakin ang mga diko naramdaman noong buhay pa ako.

Jacob's POV

Sa lahat ng nangyari ay nagpapasalamat ako kay Rain dahil kung hindi dahil sa kanya ay diko malalaman ang buo kong pagkatao at hanggang ngayon siguro ay malaya parin si Maam Hannah dahil sa kanya nagkaroon ng katarungan ang pagkamatay ni Dad pati narin ni Jack nalaman ko kasing pinalabas lang na aksidente ang naging pagkamatay ng kambal ko at kagagawan niya iyon. Nasa mental na ngayon si Maam Hannah simula kasi ng kinulong siya ay nawala siya sa kanyang katinuan. Akala ko noong una ay nasa pelikula ako dahil ang gulo ng buhay ko pero dahil kay Rain ay nalaman ko ang buong katotohanan.

Kaya nandito ako ngayon sa sasakyan at pupuntahan ko siya gusto kong magpasalamat sa lahat ng tulong niya para sa akin. Mabilis akong bumaba sa sasakyan ng makita ko siya sa labas ng bahay niya na nagpapaulan tumakbo ako sa kinaroroonan niya, ngimiti ito sa akin sabay sabing salamat at nawalan ng malay.

Binuhat ko siya pinasok sa loob ng bahay niya at pinunasan, nagluto rin ako ng lugaw para kainin niya. Nang napainom ko na siya ng gamot ay bumalik na ulit ito sa pagtulog doon ay malaya kong natitigan ang mukha niya. Maganda siya maamo ang mukha mputi din ito at aakalain mong bata dahil medyo mapula pula ang pisngi nito.

"Salamat sayo Rain. Salamat sa lahat ng tulong mo."

Yan nalang ang nasabi ko at pumunta na ng sala para doon matulog dito na muna ako magpapalipas ng gabi para may aalalay sa kanya.

When The Ghost Fall Inlove  (Completed)Where stories live. Discover now