CHAPTER 1 - THE AFTER EFFECT

12.7K 270 19
                                    


"Bakit ang tagal mo?" nakasimangot na salubong sa'kin ni Floyd, as usual hinintay na naman nya ako sa labas ng classroom para sabay daw kaming maglunch.

"Itanong mo dun sa Physics teacher namin.." sagot ko naman sabay irap.


Oo, kahit gangster siya hindi ako natatakot.

Sino ba siya para katakutan ko?


"Bakit hindi ikaw, ikaw ang nakaisip.. psh!" tugon naman nya at nagsimula ng maglakad.


Grrrr!!

Ano bang gulo 'tong pinasok ko?

Dahil lang sa love letter na 'yun, one week na akong pinaparusahan..


Ang hirap naman kasing ispelingin ng lalaking 'to..


"Oh? Ano pang tinatanga-tanga mo dyan, hurry up!" sigaw nito na tila bubuga na ng apoy.


Grabe..


-_____-


Obviously, hindi siya ang ideal boyfriend ko..


Kasi naman e..


Padabog na lang akong sumunod sa kanya.



"Order ka na.." utos nito sa'kin matapos maupo na tila hari sa RESERVED spot namin..


Oo, RESERVED..

Walang nangangahas umupo doon, dahil alam nilang doon nauupo ang lalaking ito..


Gangster nga di ba?


Kaya halos lahat takot sa kanya, ako lang ata ang HINDI..


Napasimangot na lang ako at marahas na inilapag ang mga gamit ko sa table at nagmartsa na para pumila.


Ganyan siya ka-GENTLEMAN, ako ang umo-order at nagbabayad ng pagkain namin, kaya siguro nawiwili siyang hintayin ako at sumabay sa'kin maglunch..


ang SAMA talaga!!


Hindi naman ako naghintay at pumila ng matagal, dahil nga alam nilang GIRLFRIEND ako ng GANGSTER, ayan at nagi-give way sila para mauna na ako..


"Eto na po mahal na hari.." sarcastic kong saad sa kanya at inilapag ang spaghetti nya...


Oo, lunch nya yan..

wala naman siyang ibang kinakain kundi 'yan..

parang bata lang..


"K" tugon naman nito at sinimulan ng kainin 'yung pagkain nya habang patuloy pa rin sa paglalaro ng PSP nya..

GANGSTER'S GIRLFRIEND?!Where stories live. Discover now