CHAPTER 3 - THE REVENGE OF THE FAN GIRLS!!

7.3K 212 13
                                    


Tatlong araw nang hindi nagpapakita ang gangster na si Floyd..


Sana nga hindi na siya magparamdam..


ihh kasi naman, dahil nga wala si gangster, si Arvic mylabs ang nakakasabay kong pumasok..


Lagi kasing saktong papasok na ako ng gate, saka naman din siya bababa mula sa kotse ng dad nya..

Idinadaan kasi siya ng dad nya sa school bago ito tumuloy sa trabaho nito..

Kaya ayon, sabay na kaming naglalakad papuntang classroom..


"Goodmorning!" nakangiting bati nya..


Goodmorning pa lang nya..

parang..

Iloveyou na..


Tapos, alam mo 'yung feeling na binabagalan ko talaga ang lakad para mas matagal ko siyang makausap at makasama..

Grabe, umaga pa lang, buo na ang araw ko..


"Bakit hindi ko nakikita si Floyd? Break na ba kayo?" tanong nya habang naglalakad kami..


O______o


Hala? Bakit kailangang isingit ang lalaking 'yun sa moment na 'to..


"H-hindi ko rin alam.."


Nilingon nya naman ako ng nakakunot ang noo..


Bakit ang pogeee pa rin?


"Boyfriend mo, hindi mo alam?" natatawa nyang saad.

"Ganun talaga e hehe.." tugon ko naman.

"Ano bang nagustuhan mo sa kanya?" he asked.

"Ha?!" gulat na gulat na wika ko..


Bakit nya pa kailangang itanong 'yun?

Hindi ba nya nahahalatang siya ang gusto ko?


"Di ba ikaw 'yung nagconfess sa kanya? Nandon ako nung binigyan mo siya ng love letter.."

"Ah-eh.. oo nga pala.."


Sa'yo ko nga dapat ibibigay 'yun, kaya lang epal 'yang sintas ng sapatos mo kaya 'yan..


I just sighed.


"Napansin ko lang parang hindi kayo magboyfriend.. hindi kasi kayo sweet, tapos para pa kayong aso at pusa kung magbangayan.." komento nya.

"Paano mo naman nasabi? Tinitingnan mo kami?" napatakip naman ako sa bibig ko after kong sabihin 'yun.


Masyado atang assuming 'yung tanong ko!

Bakit kasi ayaw paawat nitong bibig ko?

Baka isipin nito masyado akong feeling..

GANGSTER'S GIRLFRIEND?!Where stories live. Discover now