CHAPTER 2 - PARTNER?!

8.7K 223 10
                                    



Kinabukasan, paglabas ko ng bahay, akala ko may sasalubong na naman sa'kin na..


lalaking nakarubber shoes..

nakapolo na hindi nakabutones, pero sa halip na plain white shirt ang nasa loob, colored shirt..

magulo ang buhok at may piercings..

lalaking maangas na nakasandal sa sasakyan nya habang naglalaro ng PSP..


pero WALA..


mukhang hindi ako susunduin ng gangster na 'yun..


Mula kasi nung pumayag siyang maging boyfriend ko sinusundo na nya ako at hinahatid sa classroom..

pero hindi kami sabay umuuwi..


Dumarating na lang ako sa bahay na wala na 'yung sasakyan nya na hindi naman namin ginagamit pagpasok, dahil sayang daw ang gasolina nya..

napakuripot talaga..


=____=


Naglakad na lang akong mag-isa, hindi naman gaanong kalayuan 'yung bahay namin sa school..

10 minutes walk lang at andon ka na..


Anong kayang nangyari sa gangster na 'yun at hindi ako sinundo?


Hala, bakit ba ako nag-aabalang isipin ang lalaking 'yun..



"Beh, morning.. " bati ni Abby pagpasok ko ng classroom..

"Morning din beh .."

"Bakit wala si boyfie, hindi kayo sabay?" she asked.

"Hindi nya ako sinundo.."

"LQ?"

"LQ ka jan beh!!"

"So bakit?"

"Hindi ko alam.."

"Baka nibreak ka na?!"

"Ha?! Ewan. bahala siya.." sagot ko at nagbuklat na lang ng notes.

"Ahm bakit nga kaya?" rinig nyang turan ni Abby.


Hindi na lang siya nagsalita, hindi rin naman nya alam ang sagot.

Wala din siyang number nito kaya hindi nya 'to mate-text.. saka, bakit ko naman siya itetext di ba?


ay sige Krisha.. makipagtalo ka sa sarili mo..


Lunch na pero wala ring gangster na sumundo sa'kin sa classroom..

bakante din ang table na lagi naming kinakainan..


hindi kami dun naupo..


"Beh? Baka naman absent.." turan ni Abby, siya ang kasabay kong kumain ngayon.

GANGSTER'S GIRLFRIEND?!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang