Chapter 1

7.6K 143 6
                                    

PJ (Precious Jewel) Pov's

Tulad ng napagusapan namin ni Imie kahapon ay magkasabay kaming nakarating dito sa maynila. At ngayon nga ay papasok na ako sa school. Alas 10 pa naman ang unang klase ko kaya nakapagpahinga pa ako kanina pagkarating namin.

Papasok pa lamang ako ng gate ng makita ko na agad ang ilang mga grupo ng mga babae na naghihintay sa mga lalaking pumapasok. Well anu nga bang bago dito e sa halos mag aapat na taon ko dito ay ganito araw araw ang eksena. Ang yayaman at magaganda pero parang mga walang manners kung mga magsikilos.

Nang makarating ako sa classroom namin ay iilan pa lamang kaming nandito. Sabagay palagi namang pa last minute kung magsidatingan ang mga kaklse ko.

'Pj tawag sakin ni Racquel isa sa mga kaibigan ko sabay upo sa bakanteng upuan na katabi ko. Alam mo bang ikaw pa din ang top 1 ng klase masigla wika nito.

"Talaga? Masayang sagot ko. Paano mo naman nalaman eh wala pa namang inaanounce.

'Ano ka ba Pj hindi mo ba nakita yung nasa bulletin board kanina seryosong sabi nya.

"Ah andun na ba yun? Hindi ko pa kasi nabasa kanina alam mo na ang dami kasi laging mga matang nakatingin sakin sa twing darating ako feeling ko ba anytime may bigla na lamang hihila sakin at sasabunutan ako. Pabirong wika ko.

"Ikaw ba naman kasi ang maging Beauty and Brain Pj malamang kaiingitan ka. Alam mo naman na karamihan dito ay puro beauty lang pero mga walang brain natatawang wika nito. Sige maiwan na kita at babalik na ako sa upuan ko sabay na lamang tayo maglucnh mamaya at tumayo na sya.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga kaklse ko at ang grupo nina Samantha kasama ang 3 pang kampon nya. Feeling ata ng mga to sa party sila pupunta at hindi sa paaralan sa sobrang kakapal ng mga make up nila. Sabagay nasanay na din nga ako. Mayayaman sila eh so magagawa talaga nila ang lahat dahil sa pera.

Hoy babaeng probinsyana mataray na wika ni Samantha.

Oo ako ang tinutukoy nya. Ewan ko ba kung bakit ang init ng dugo nito sakin simula pa lang.

Bakit? Simpleng sagot ko sa kanya

Ano bang pinakain mo sa mga Prof natin at palagi na lamang ikaw ang nasa Top 1 hah? Ginagayuma mo ba sila? Mataray pang sabi nya

Alam mo Samantha kung gusto mong maging Top 1 magaral ka ng mabuti at hindi puro pagmamakeup ang inaatupag mo. Matapang na wika ko hindi naman kasi ako yung tioo ng tao na basta basta na lamang nagpapapi sa kanila at nagsitawanan ang mga kaklse ko.

Aba't ikaw na probinsyana ka tumatapang ka ha galit na wika nito at nakaakmang sasampalin ako ng biglang dumating ang Prof namin. Hindi pa ako tapos sayo pahabol pa nito bago tuluyang umupo sa upuan nila.

Natapos na ang klase namin kaya naman break time na. At patungo kami ngayon ni Racquel sa cafeteria.

Pj alam mo ba ang balita? Masayang wika ni Racquel sakin.

Hindi pa Rac wala kasi akong radyo sa bahay pabirong wika ko. Ano ba kasi yun?

Ikaw talaga Pj puro ka kalokohan. Alam mo bang yung anak ng may ari nitong school na si Harold Miguel Samonte ay nagtransfer na dito masayang wika nya.

Oh talaga? Simpleng sagot ko. Eh ano naman kung magtransfer sya dito e Daddy naman nya ang may ari ng paaralan na ito di ba?

Alam ko yun Pj ang nakakabigla dito alam mo bang Management din pala ang coarse na tinetake nya. Sana lang sa section natin sya mapunta. Halos kinikilig na litanya nya.

Hay naku Rac bilisan mo na lamang ang paglalakad at ng makarating na tayo sa cafeteria at nagugutom na ako wika ko at sumunod naman sya.

Araw araw naman tayong kumakain dito di ba Rac tanung ko ng makarating kami sa cafeteria.

Oo simpleng sagot nya.

Eh bakit parang may kakaiba dito ngayon. Tingnan mo yung mga babae sa parteng yun halos mapunit na ang mga labi sa pagngiti at wari moy kinikilig pa saad ko. Sabay tingin kay Rac na tahimik lang sa tabi ko. At ng lingunin ko sya nakatingin din pala sya sa grupo ng mga lalaki na masayang nakaupo sa may bandang gitna.

Omg Pj kinikilig na wika nito. Si Harold yun di ba at yung mga kasama nya sila yung taga engineering department. Magkakaibigan sila grabe Pj ng gwapo pala talaga nya personal. Ilang babae kaya ang mapapaiyak nyan dito? Nakangiting wika nito.

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi nito dahil totoo naman talaga ang mga sinabi nito pinilo ko na lamang na wav na magkomento. Ano ka ba Rac kumain na lamang tayo at baka gutom lang yan at naghanap na kame ng bakanteng pwesto.

Habang kumakain kami lihim akong napatingin sa lugar kung nasaan ang gruoo nina Harold at shit mula sa kinauupuan ko kitang kita ko ang buong anggulo ng mukha nya. Ang mga asul nyang mata,mahabang pilik mata,makapal na kilay na bumagay naman sa kanya. Ang napakatangos nitong ilong at ang mapupula nyang mga labi. Walang duda madaming babae ang magkakandarapa sa kanha dito.

Hoooooy! Mahinang wika ni Rac.
Pj yung bibig mo pakitikom mo nga obvious na obvious ka jan e. Pamaya tumulo pa laway mo jan nakatawang wika nito.

Ano ba Rac hindi naman sila ang tinitingnan ko sabay kagat sa burger na binili ko.

Hahahaha deffensive lang? Wala naman akong ibang sinabi nakatawa pa ding wika nya.

Kumain na nga lang tayo at ng makabalik na tayo sa room sabi ko at sinunod naman nya.

Nakabalik na kami ni Rac dito sa room at ngayon nga ay nakaupo na kami habang hinihintay ang aming guro. At mula sa kataoat kong pwesto narinig ko ang grupo nina Samantha

'Girls alam nyo bang nagtranfer dito si Harold masayang wika ni Samatha sa mga kaibigan nito. At ang usap usapan pa dito sya sa building natin mapupunga dahil management din pala ang coarse nya pero hindi pa alam kung saang section sya pero sana girls dito sya satin mapunta kasi alam nyo naman na crush na crush ko sya nuon pa man.

Seriously? Si Samantha nasa list na agad ng mga babaeng may gusto kay Harold. Gwapo nga kasi eh.

Ilang sandali pa ay dumating na din ang Prof namin.

Isang araw na naman ang natapos. Uwian na din sa wakas. Agad kong kinuha ang celphone ko para itetxt si Imie.

To Sis Imie
Sis tapos na klase ko. Ikaw ba? --sent

Wala pang ilang minuto ay nagreply sya

From Sis Imie
Patapos na din sis pero hindi ako makakasabay sayo ngayon paguwe my tatapusin pa kasi kaming report ng mga kagroup ko. Kitakits na lang sa dorm. Ingat ka ☺

Agad akong nagreply sa kanya

To Sis Imie
Okay sis ingat ka din ☺

Rac tara na sabi ko at sabay  a kaming lumabas ng classroom.


PS: Si Pj yung nasa image sa taas :)

Spending Time With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now