Chapter 15

3.4K 93 2
                                    

 
  I like not only to be loved. But also to be told I am loved.
---  Gorge Eliot

Harold Pov's
 
Pagkatapos namin ni Jewel kumain ng lunch ay agad na din kaming bumalik sa eskwelahan. Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi nya. Inalis ang scholarship nya ng walang dahilan. Isa lang ang naiisip kong gumawa nun walang iba kundi si Dad. Sinisimulan na nya ang plano nya.

Kaninang umaga pagdating ko sa room namin nagulat aq na wala pa si Jewel sa loob. Sinabi nya na pupunta kasi sya ng library para magsauli ng libro. Ngunit dumating na ang una naming guro hindi pa din agad sya bumabalik. Sinubukan ko syang tawagn pero di sya sumasagot kahit magreply sa mga text ko wala din. Sobra akong nagalala kasi akala ko kung anu ang nangyari sa kanya. Nagulat na lamang ako ng bigla syang dumating habang nasa kalagitnaan na ng klase. Papasok pa lamang sya alam ko ng may nangyaring hindi maganda. Dahil yung hitsura nya malayong malayo sa Jewel na nakakasama ko araw araw. Walang ngiti sa kanyang mga labi. At walang kislap ang kanyang mga mata.

  Pag kaupong pagkaupo nya tinanung ko agad sya kung saan sya nanggaling pero di nya naman sinabi. Kaya napagpasyahan ko na wag na lamang sya kulitin dahil alam ko na wala sya sa mood. Kaya naisio ko na sa labas kami kumain para makausap sya. At pagkatapos nga ng paguusap namin na yun ah lalo akong nagalit kay Dad. Bakit kailangan nyang gawin ito? Bakit pati pag aaral ni Jewel dinadamay nya. Hindi ba nya alam na dito magsisimula na katuparan sa mga pangarap nya. Kailangang makausap ko sya mamaya pag uwe ko. Kahit malakas ang kutob ko na sya ang may kagagawan nito kailangan k pa rin na masigurado ito.

Pag dating namin sa classroom ay may ilang minuto pa naman bago magsimula ang klase. Nagpaalam ako sandali kay Jewel at sinabi ko na may bibilhin lang ako sa canteen kahit ang totoo nyan ay hindi ako sa canteen pupunta kundi sa office. Kailangan kong makausap si Mr. Gonzales. Kailangang marinig ko mula sa bibig nya na si Daddy ang may gawa nito.

Nakarating din agad ako sa office. Agad akong kumatok at hindi ko na hinintay na may sumagot at tuluyan na akong pumasok sa loob. Naabutan ko pa si Mr. Gonzales na may kausap sa telepono at agad din namang tinapos yun ng makita nya ako.

"Good day Mr. Samonte anong maipaglilingkod ko sayo? Wika nito at mababakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil ito ang unang pagkakataon na pumunta ako dito.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Mr. Gonzales panimula ko. At nakatingin lang sya sakin habang nakikinig. Sinong nagutos sayo para alisin ang scholarship ni Precious Jewel Benitez? Madiing tanung ko.

Hindi agad sya nakapagsalita ng marinig ang katanungan ko. Bigla na lamang sya nagiwas ng tinigin sa akin at waring hindi mapakali. At dahil sa kinilos nya ay nakaramdam ako ng galit at agad kong sinipa ang isa sa mga upuan duon na napabalikwas naman sa kanya.

" Si Mr. Samonte po. Yung daddy nyo. Mahinang wika nito na animo'y natatakot sa akin.

" Ano pa ang pinagutos nya sayo hah? Sabihin mo sa akin LAHAT ? Mariing wika ko.

" Sinabi nya na alisin si Ms. Benitez sa isa mga scholar dito sa paaralan at iniutos din nya na alisin ito sa Dean's List. At wag ibibigay ang pag ka Cum Laude dito sa araw ng pagtatapos. Salaysay nya at may halong takot sa boses nya. Sumusunod lamang po kami sa pinaguutos sa amin dagdag pa nito.

"Naiintindihan ko Mr. Gonzales. Yun lang ang sinabi ko at lumabas na ako ng silid.

Habang pabalik na ako sa aming classroom iniiisip ko kung bakit ba kailangan umabot dito? Bakit kailangan na ako ang magiging dahilan ng hindi pagtatagumpay ni Jewel. Ayoko na dahil sakin ay malalagay sa alanganin ang mga pangarap nya. Fvck! Mahinang mura ko sa sarili ko.

Nang makarating ako sa classroom naabutan ko si Jewel na nakaupo at may kung anung sinusulat sa papel.

" Oh anjan ka na pala. Ano bang binili mo? Wika nito

" Bibili sana ako nga Lays Chips kaso wala sila nung flavor na gusto ko kaya hindi na ako bumili. Pagdadahilan ko. At mukha naman syang naniwala sa sinabi ko at hindi na muli ngtanung pa.

Normal lang ang naging pakikitungo ko sa kanya hanggang sa matapos na ang buong klase namin ng araw na iyon. Hinatid ko sya sa dorm at napagpasyahan ko na din na umuwi dahil kailangan ko pa kausapin si Dad.

Ng makarating ako sa bahay wala pa si daddy dahil medyo maaga pa. Kaya ibinilin ko sa katulong namin na ipaalam agad sa akin kapag dumating na sya. Agad akong tumuloy sa aking kwarto. Agad akong nagpalit ng aking damit at umupo sa aking sofa at kinuha ang aking laptop. Napagpasyahan kong magbukas ng aking FB account. Halos ilang lingo na din akong hindi nakakapagopen dahil hindi naman ako masydong mahilig mag Fb. Nakita ko agad sa newsfeed ko na nagpalit pala si Jewel ng profile pic nya. At kaming dalawa yun. Ung unang picture nung monthsary namin. Agad ko iyong pinusuan. Kitang kita sa mga mata nya kung gaanu sya kasaya. Maya maya lang ay may biglang nagchat. Si Jewel online din pala sya.

' sa wakas naman nakuha mo din pong ilike ang dp ko at pinusuan mo pa talaga hehe 😍😂

Agad naman akong nagreply
' sorry naman Mahal ngayon lang kasi ako nakapagopen. -- sent

Tumagal din ng ilang minuto ang paguusap namin thru chat ng magpaalam sya na maglologout na dahil magluluto pa daw sya ng dinner nila ni Imie. Iniisip ko tuloy kung paanu sya magluto. Kung gaanu kaya kasarap ang mga luto nya. Napangiti na lamang ako sa aking iniisip. Mahal ko talaga sya. Walang duda.

Magaalas otso na ng kumatok ang katulong namin at ipaalam na dumating na si daddy. Agad ko namang napagpasyahan na lumabas ng aking silid. Agad akong nagtungo sa library dahil alam ko naman na dun agad pumupunta si Daddy pagkauwi nito. At hindi nga ako nagkamali naabutan ko syang nakaupo at naninigarilyo. Agad naman syang napatingin sa akin at binigyan ako ng isang nakakainis na ngiti. Alam nya marahil ang sadya ko sa mga oras na ito.

"Oh hijo may kailangan ka ba? Nakangising wika nito. Maupo ka dagdag pa nito.

Pero nanatili akong nakatayo at diretsong nakatingin sa mga mata nya.

" Siguro naman alam mo na ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon DADDY. Binigyang diin ko talaga sa kanya ang salitang daddy para naman malinawanagan sya na anak nya ako. Anak nya na pinagkakaitan ng kaligayahan.

" Bakit hijo nagbago na ba ang desisyon mo? Hihiwalayan mo na ba ang babaeng yon? Tanung nito.

" Bakit kailangang gawin mo sa kanya yun? Bakit kailangan mo pang makialam? Hindi mo ba nakikitang masaya ako dad. Masaya ako sa kanya dahil mahal ko sya. At mahal nya ako. Galit na wika ko.

" Kung yun lang ang magiging paraan ko para hiwalayan mo sya hindi ako magdadalawang isip na gawin ang lahat para lang iwan mo ang babaeng iyon. Kahit pa gawin kong miserable ang buhay nya hanggang sa mapagtanto nya na ikaw ang dahilan ng lahat ng magiging paghihirap nya. Tulad ng sinabi ko iwan mo ang babaeng yun at matutupad nya ang pangarap nya. Pero kung magpupumilit ka pa din sa gusto mo walang kahahangtungan ang mga pangarap nya. Alam mong marami akong koneksyon kaya walang kahirap hirap sakin gawin ang mga gusto ko. Kahit pa ang ipabagsak ang maliit na negosyo nila. Bibigyan pa kita ng panahon paraagdesisyon hijo. Sana lang ay malinaw sayo ang mga sinabi ko. Wika nito.

"You're so cruel. Pagalit na wika ko at mabilis na lumabas ng silid na iyon.

Mabigat kong ibinagsak ang katawan ko sa aking kama ng makarating ako sa kwarto ko. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas at narinig ko ang katulong na tinawag ako para magdinner. Pero wala akong ganang kumain lalo na at sa mesang yun ay kaharap ko ang taong dahilan ng galit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kilala ko si Dad hindi sya titigil hangga't hindi nya nagagawa ang gusto nya. At ayoko na si Jewel ang magdudusa sa mga gagawin nya. Mahal na mahal ko sya at ayaw ko na nakikita syang nahihirap o nasasaktan. At isa pa hindi ko sya kayang hiwalayan. Pero paano ko gagawin yun kung ang magiging kapalit naman ng kagustuhan kong pananatili sa relasyon na meron kami ngayon ay ang paghihirap nya. Ayoko na ako ang maging dahilan kung bakit hindi nya maaabot ang mga pangarap nya at ayoko na may ibang taong madadamay pa dahil dito. Dahil kapag nangyari yun hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko. Paano ko ito sisimulan kung ngayon pa lang ay ako na mismo ang nahihirapan?

----
Happy Happy Birthday sa aking gwapong anak 😘😍 11.17.16

--- ApoLicious

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon