Chapter 29

3.3K 90 2
                                    

Starting all over again is not that bad. Because when you restart, you get another chance to make things right.
--Anonymous

Harold Pov's

  Tulad nga ng napagusapan namin ni Albert ay nandito na kami ngaun sa naturang bar. Nang dumating ako dito ay sya pa lamang  At tulad ng inaasahan ko ay may kasama na naman itong babae. Ano pa ba ang aasahan kay Albert eh halos linguhan ata kung magpalit ng babae. Sa aming mga magkakaibigan sya lang ang babaero. Si Junix ay nagpropose na din kay Sophie nung nakaraang taon. Si Sherwin naman ay wala akong nalaman na idinadate kahit kelan hindi ko nga alam kung bakit. Ang alam ko lamang dati ay binalak nitong ligawan ang bestfriend ni Jewel na si Imie pero hindi ko alam kung bakit hindi nya itinuloy. Si Fritz naman ang alam ko ay may idinadate ito pero hindi pa nya ipinakikilala sa amin saka na daw kapag sinagot na sya.

Nakaupo lamang ako ngayon habang si Albert naman ay nakikipaglandian sa kasama nitong babae. Hindi naman ako nagaksaya ng panahon na alamin pa ang pangalan mg babaeng ito at hindi din nman sya ipinakilala ng mokong na ito. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na din sina Junix kasama ang fiancee na si Sophie, Fritz at Sherwin.Nang makalapit ang mga ito sa amin ay agad naman nakipag high five ang mga ito.

"Dude bakit hindi mo sinama ang fiancee mo? Nakakalokong tanung nitong si Sherwin.

Binigyan ko lamang naman ito ng isang  bagot na tingin. Alam naman nila ang storya sa likod ng lahat ng yun nagtatanung pa. Kahit kailan talaga napakagaling nitong mang-asar.

Nagtawanan naman ang mga ito.

" Dude relax hindi ka na mabiro" wika pa nitong si Sherwin.Alam naman naming lahat na hanggang ngayon ay si... tumingin pa ito sa akin at hindi na naituloy ang sasabihin.

"Eh ikaw Fritz kamusta na ba yan nililigawan mo? Biglang tanung ni Albert. Bakit ba hindi mo pa ipakilala sa amin? Aba'y ilang buwan mo na din nililigawan hindi mo pa mapasagot. Baka naman kulang ka sa diskarte. O baka kulang ka na sa karisma tol. Tumatawang wika pa nito.

" Alam mo Tol kapag mahal mo talaga kaya mong maghintay kung kelan ka nila sasagutin sagot naman ni Fritz dito.Palibhasa ikaw puro katawan lang naman ang habol mo sa mga babae. Sabay lingon pa nito sa babaeng katabi nito na mukha namang walamg pakialam sa  pinaguusapan namin.

"Basta wala pa sa isip ko ang pagmamahal na yan. At lalo namang hindi ko inisio ang tunfkol sa pagaasawa.Ang sarap ng ganitong buhay. At kasalanan ko ba na maging gwapo ako. Pagmamayabang pa nito. At sila naman itong lumalapit sa akin. Masama ang tumatanggi sa grasya sabi nila at humagalpak pa ito ng tawa.

" Kahit kailan Albert puro kalibugan ang alam mo. Hindi mo pa lamang nahahanap ang katapat mo wika naman ni Junix.

At nagtawanan na lamang kami sa sinabi nyang iyon. Sana'y na naman sa amin si Sophie kaya walang problema sa mga salitang naririnig nya.

"Maiba tayo ng usapan. Alam nyo na ba yung gaganapin na Grand Alumni ng University? Tanong nitong si Sherwin.

" Ofcoarse. Sabay sabay na sagot nina Albert, Fritz,Sophie at Junix.

Katunayan nga nyan ay nagresponse na kami na pupunta at madami na din ang nasa list ng mga ngconfirm na dadalo. Wika naman ni Sophie.

"Eh ikaw ba Harold? Tipid na tanong sa akin ni Junix

" Hindi ako interesado. Kayo na lamang at saka hindi naman ako nakagraduate nung taon na yun. At isa pa kayo din lang naman ang makikita ko duon at sinabayan ko naman ng pagtawa.

"Dude nakagraduate ka man o hindi nung taon na yun hindi naman yun reason para hindi ka pumunta. Baka nakakalimutan mo na kayo ang nagmamayari ng University wika pa nitong si Junix.

Spending Time With You (COMPLETED)Where stories live. Discover now