Kabanata 29: Anak

8.2K 108 0
                                    

"Ang cute cute talaga nilaaaaaaaaaa" Nilagay ko ang meryenda nila sa gitna ang pinag masdan ko si Nina habang pinang gigilan ang anak ko. Hindi ko maiwasan mapangiti. I really missed her. Lalo syang gumanda. Pumayat sya ng konti pero ganun parin ang kulay nya. Naka light make up sya at lipgloss. Katabi nya si Fran habang nag lalaro. Si Fran naman ay nakatitig lang dito.

"Do you missed her so much ah?" Napatingin ako kay Enzo na naka hilig ang ulo sa balikat ko. 

"She's my bestfriend since gradeschool. Hindi naman to ang pinaka matagal namin di pag kikita" sagot ko. 

"Pag inaya ka nila umalis at bumalik na? Babalik ka ba?" napalingon ako sa tanong nya at biglang tumama ang ilong ko sa ilong nya.

"Ehem" Umiwas ako ng tingin at naramdaman ko ang pag iinit ng pisnge ko. Napatingin ako kay Brylle at di ko maiwasan maguilt.

"Enzo, May tumatawag" napatayo si Enzo dahil dun. Pumunta sa telepono at sinagot ko. Ako naman ay lumapit kay Nina para kunin ang anak ko. Hinalikan ko to lips at leeg. Hindi ko maiwasan panggilan ang anak ko.

"Hindi ako makapaniwala. Kambal? Kaya pala nung 1 months palang e. Parang ang lake na agad ng balakang mo" Napatingin ako kay Aila na katabi si Jake.

"Nagulat din ako,Saka nung nanganak ako kay Barylle asa trysikel ako. Saktong pag datng ko sa Lacson lumabas sya. Binuhat agad ako ng mga nurse na lalake at sinakay sa hospital bed. Habang tinatakbo namin yung emergency room umiire ako kay Alexandra" Kwento ko sa kanila.

"Omggg! Pero mukang ang kulit ni Alexandra oh"  

"Tapos si Barylle, Parang ang seryoso" Dugtong ko.

"Sino kasama mo nung nanganak ka?" tanong ni Fran.

"Si Tita. Tapos pag gising ko nandun na si Enzo sa tabi ko" Tuloy ko pa.

"Masakit ba manganak?" Tanong ni Aila.

"Oo naman. Pero pag nakita mo na yung anak mo? Mapapaluha ka nalang talaga. Kasi yung dinala mo ng nine months. Makikita, Mayayakap at mahahalikan mo na"

Hindi ko maiwasan maging emotional sa pag kwe kwento ko, Naalala ko nung nakita ko ang kambal ko, Hindi ko maiwasan mapangiti habang pinag mamasdan sila. Bawat galaw at iyak nila. Hagik at iba pa. Ngayon? 5 months na sila. Gumagapang at nasusubay bayan ko sila sa buong 5 months.

"Parang nakakatakot naman kasi manganak e" sabay nguso ni Nina.

"Nakakatakot, Yes. Hindi mawawala. Pero yung takot na yun? Mapapalitan ng sobrang saya" paliwanag ko.

"Soon" Napatingin ako kay Fran pero bigla naman sya siniko ni Nina at ngumiti samin na parang wala lang. "Sagutin mo na kasi ako" Inirapan lang to ni Nina.

"Kailangan ko ng umalis Alexis Justin." Napatingin ako kay Enzo na nasa tabi ko pala. Hinalikan ako nito sa noo at umalis na.

"Ingat ka. Dito ka ba kakain mamaya?" Tanong ko.

"Oo. Pag luluto mo ba ko?" Tumango ako at ngumiti.

Nang umalis na si Enzo ay nag simula ng umingay ang loob. Nag lalaro ang mga anak ko habang hawak hawak nila Fran. Hindi ko naman sila pinapansin dahil busy ako sa makikipag kwentuhan kay Nina at Aila.

"Kayo, Sino na boyfriend nyo?" i asked.

"Ahmmm.MU" sagot ni Nina sabay tingin kay Fran. "Hindi ko muna sya sasagutin pero sasagutin ko din sya soon. Pero gusto ko? Ayusin nya muna buhay nya" sabay ngiti nito.

"Ahmm. K-kami na ni Jake" napatingin ako kay Aila habang namumula ang muka. 

"Oh my ghad!" Di ko maiwasan mabigla. So Sa 1 year marami pala akong dapat malaman. Naging MU si Fran and Nina tapos si Jake at Aila? Oh my! Sayang wala ako dun para masaksihan ang lahat.

WIFE (KathNiel Romance)Where stories live. Discover now