Kabanata 35

8.3K 93 0
                                    

This is a last chapter. Salamat sa sumuporta! ^_^

~

Nagising ako dahil sa buhos ng tubig sa muka ko, Halos hindi ako makagalaw at di ko madilat ang mata ko. Hilong hilo parin ako dahil sa lakas ng pukpok sa ulo ko. Pero nadilat ko parin ang mata ko. 

"Gising na ba yan!" Isang boses ng babae. 

Pinilit kong makita ang babae na yun. Silaw na silaw ako sa ilaw na nasa taas lang ng inuupan ko. Gusto ko man kusutin ang mata ko para makita ang babaeng ito. Pero di ko magawa. Bigla akong sinampal ng isang malakas.

"Sabi ko sayo diba! Hindi ko hahayaan na maging masaya kayo!!!" sigaw nya sa muka ko.

Kilala ko na to. Naaninag ko na ang muka ko at inikot ko ang mga mata ko. Isang madilim at tanging isang ilaw lang ang nag silbing ilaw dito. Nasa taas ang ilaw na to at nakita ko naman na madaming lalakeng armado. Di ko maiwasan kabahan. Kinakabahan ako sa maaring mang yare.

Hinawakan ng babaeng to ng mahigpit ang muka ko at hinarapn sa kanya.

"AKALA MO BA PAPAYAG AKO AH!"

Huminga ako ng malalim. Napasigaw ako dahil bigla nyang inalis ang tape sa bibig ko. Kinagat ko ang labi ko parang maibsan ang konting sakit. Tumawa pa sya ng malakas na para bang isang musika ang sigaw ko pag nasasaktan ako.

"Papakawalan kita. Pero ang gusto ko lumayo ka na!" sabay ngisi nya sakin.

"Ano ako baliw? Bakit ko iiwan ang pamilya ko" buong tapang kong sagot. 

"Aba! So wala kang pakielam sa anak mo?" 

"WAG MONG PAPAKIELAMANAN ANG MGA ANK KO! " sigaw ko sa kanya.

"Walang kang magagawa dear. Pag napatay kita? Susunod ko ang anak mo. Pag katapos? Pwede na kami ni Brylle mag sama." Napailing ako.

"Baliw ka na! Wag mong idamay ang anak ko!" gusto ko makawala dito at saktan sya hanggang mamatay sya pero di ko magawa sa takot.

Nakatali ako sa upuan, Yung mga paa ko naman ay nakatali sa mag kabilang silya. Asa harapan ko silang lahat. Walang pag sisisi ang mata ng babaeng asa harap ko. Ganun nya ba kamahal ang asawa ko kaya sya ganito? Kahit makapatay sya basta makuha nya lang si Brylle.

Biglang nag ring ang cellphone ko, Agad naman lumapit sakin yung babae at kinuha yun sa bulsa ko. 

"Asawa ko huh" panunuya nyang pag kakasabi. "Mag salita ka" madiin na sabi nya.

"Hello, Asan ka?" malambing na sabi ni Brylle. 

"Sabihin mo iiwan mo na sya" Hindi ako sumagot. Gusto ko maakalis dito. Gusto ko makasama ang anak ko. Gusto ko pa sila makasama. Gusto ko pa. 

"Brylle" 

"Ano nang yare? Bakit ganyan boses mo! Asan ka? Anong oras na. Bat wala ka pa?" Hindi ko maiwasan masaktan sa boses nya.

"BRYLLE, TULUNGAN MO KO- *PAK*"

"PUTA!" Pinatay nya ang cellphone ko at sinampal pa ko ulit. "WALANGYA!" Sigaw nya sabay sabunot sakin. 

"Diba mo sila makukuha sakin! Mag kamatayan man tayong baliw ka!" Laban ko.

"Aba! Wala kang magagawa! Nakikita mo naman istura mo!" Sagot nya sakin. "Bantayan nyong mabuti yan!May pasok pa ko mamaya"

Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sana puntahan ako ni Brylle dito. Sana iligtas ako ni Brylle dito.  Di ko maiwasan maiyak dahil dun. Ayoko pang mamatay. May anak ako at di ko sila iiwan. Lalaban ako basta makaligtas lang ako.

WIFE (KathNiel Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon