Kabanata 32

8.4K 104 1
                                    

"GoodMorning" bati ko kay Eryl na kagigising lang. "Maligo ka na jan. Nanjan ang iba kong gamit. " dugtong ko pa at lumabas na ko ng kwarto.

Pumunta ako sa baba at nandun ang anak ko sa lapag at gumagapang. Mabilis ko naman sila hinalikan sa lips. Si Tita naman ay nakaupo lang sa sofa at mukang hiyang hiya. Lumapit din ako dito at hinalikan sa pisnge. Ganun din ginawa ko kay Enzo.

"Asan akin?" Napatingin ako kay mama na naka Apron. Mabilis kotong hinalikan sa pisnge at niyakap. "Hulaan mo ano niluto ko?"  

"Di ka naman marunong mag luto ma e, Tapos huhulaan ko?" natawa naman sya dahil dun. "Si Tita mama, Ang galing mag luto. Saka favorite ko ang Sinigang na baboy nya"

"Really. Favorite ko din yun" sagot ni mama.

"Lahat naman ma favorite mo pag sinabi kong favorite ko" ginulo nya ang buhok ko. 

"Tara na sa kusina, Kumain na tayo ng agahan" aya ni mama.

"Hintayin ko si Eryl." sagot ko.

Pumunta muna ako sa labas ng bahay at dumiretso sa garden. Hinakawan ko ang labi ko at di ko makalimutan ang halik ni Brylle sa labi ko. Bakit nararamdaman ko yung nraramdaman ko dati. Parang mas lumala pa to. 

Gaano ko ba sya kamahal para hindi makalimutan ang halik nya. Gusto ko man bumalik pero baka may girlfriend sya. Hindi ko po nakikilala GF nya. Kaya nga ako umalis para makalaya sya. Wala sya sakin binabanggit na kung sino Girlfriend nya? Kahit sila nina walang binabanggit sakin.

Pero baka nga wala syang girlfriend? Kaya wala syang nababanggit. Meron man o wala dapat pala di ko pinag iisip yung mga ganung bagay. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob. 

Hindi ko maiwasan mamiss ang bahay namin, Dito ako lumaki, Nag kaisip, natutong lumakad. Saksi din ang bahay nato sa pag aasaran namin ni kuya, sa pag aaway sa gaguhan at iba pa. Kaya kahit san ka mapunta, Hindi mo maiiwasan mamiss ang bahay na kinalikihan mo.

Nakita ko naman na pababa na si Eryl at asa likod naman si kuya na nakangisi pero ang muka ni Eryl ay parang inis na inis. Teka?

"Asan si Brylle?" tanong ko.

"Nandito ako sa likod mo" nagulat ako dahil dun. "Tsk. Kanina pa kita tinatawag pero ang lalim ng iniisip mo" sabay ngiti nya.

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa pisnge. Umirap lang ako at nag lakad na kami papuntang kusina. Umupo ako sa tabi ni tita at nag simula na kumain. Ganun din ang ginawa nila. 

Nang natapos na kami sa pag kain ay nag paalam na sila tita na kinalungkot ko. Niyakap ang hinalikan nya ko. Hindi ko maiwasan maiyak kasi matagal bago ko ulit sya makita. Hindi ako makangiti habang nag papaalam sila. Si Enzo naman ay ayaw akong bitawan. Kaya naman ng inaya sya ay dapat mag papaiwan nalang sya pero naisip nya na mag isa lang si tita sa bahay at ang trabaho nya.

Pumasok kami nila Eryl sa loob. Tinignan ko ng masama si kuya. "Bakit di ka pumasok sa work mo?" taas na kilay kong tanong. 

"Alam kong namiss mo ko Alexis Justin. Pwedeng umamin" bigla pa itong kumindat sakin. 

"Jusme. Gumagawa ka pa ng dahilan pwede naman sabihin na. Gusto ko makasama si Eryl e" umiwas sya ng tingin sakin.

"Ikaw naman Brylle bat di ka pa umuwi?" kumunot ang noo nya.

"Bakit ako uuwi? Nandito ka ng mga anak ko?" sabay irap nya na kinagulat ko.

"Pwede naman kasi umuwi at bumalik nalang e. Dami nyong mga dahilan, Baka may mga date kayo. Okay lang samin ni Eryl" sabay buhat ko sa anak ko na walang kumukuha sa tiles. "Tapos yung anak ko hinahayaan nyo sa tiles" umirap ako sa kanila. 

WIFE (KathNiel Romance)Where stories live. Discover now