Chapter 1

49.7K 1K 15
                                    

Magtra-trabaho, maglalasing at gigisng sa isang hotel, iyan ang halos mag-dadalawang buwan nang gawain ni Candy sa araw-araw magmula nang mamatay ang dapat sana'y asawa na nya ngayon na si Angelo.

"Bakla, di ka ba nagtataka kung sino yung abnoy na nagtitiyagang magdala sayo sa hotel gabi-gabi?" turan ng pinsan/BFF nyang si Toyang.

"Malamang si Ermen-guard," sagot ni Candy na humihikab pa.

"Gaga. Guard ka dyan. As if naman mayaman yung guard dyan sa club na yan at makaka-afford ng ganun kamahal na hotel, noh."

Nilingon ni Candy ang pinanggalingan nila. Kunsabagay, sino nga kaya ang tangang mag-mamalasakit sa isang lasenggera? "Si Angelo..." sabi ng isang bahagi ng isip nya. "Sad to say, wala na sya."

Tilamsik ng laway ni Toyang ang nagbalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. "Beks, last na 'to ha. Di na kita susunduin sa susunod. Bukod sa madalas na ko ma-late sa work ko, sahid pa lagi ang gas ko!"

Nababagot na tingin ang ibinaling nya sa kaibigan. Umiiling na lamang nitong pinatakbo ang sasakyan.

<<<<<>>>>>

Sa kabilang banda...

Abot tanaw pa rin ni Trevor ang sasakyang kaaalis lang. Hindi sya makakali hangga't hindi nya nasisigurong safe at makakauwi nang maayos ang dalagang matagal na nyang pinag-kakaabalahang tulungan.

Simula nang makita nya ito na lasing na lasing, nakayuko at hilam ng luha ang mga mata at nagsasalita ng halos di nya maintindihan, hindi na nya maatim na basta na lamang iwan ang babaeng tila hinulog ng langit dahil sa mala-anghel nitong mukha.

Naging routine na nya ang pagkagaling sa trabaho ay didiretso na sa club. Hindi para uminom, kung hindi para bantayan ang babae laban sa mga mapagsamantala. Hindi naman ito sumasayaw kapag lasing na at hindi rin naman nagwawala. Sadyang kapag lango na ay iiyak lang nang walang humpay at kapag napagod ay makakatulog na. Itinanim nya na sa kanyang isipan na pro-protektahan ang dalaga magmula nang makita nya itong sinasamantala ng isang lalaking lango na rin sa alak. Pasimple nitong hinihimas ang hita at hinahalikan ang balikat ng dalaga habang nakasubsob sa mesa. Agad niyang nilapitan ang dalawa at di nag-alinlangan na undayan ng makabasag bungong suntok ang gagong lalaki na naging dahilan ng tuluyang pagtulog nito.

<<<<<>>>>>

Alas-sais na. Kahit anong pagpipigil ay natagpuan na lamang ni Candy ang sarili sa tapat ng club.

"Namimihasa, palibhasa'y may nag-aasikaso," saad ng bahagi ng utak nya. Umismid sya.

"Tse! Di ako magpapakalasing para may ulirat pa ko at makauwi mag-isa," pagkumbinsi nya sa sarili.

Papasok pa lamang sya sa club nang makita ang magkasintahang sweet na sweet habang pumapasok.

Muntikan na syang mapabulanghit ng iyak sa ala-alang bumaha sa kanyang isipan kasama si Angelo. Dire-diretso sya sa loob, sabay order ng matapang na alak. "Scotch on the rocks. Make it a double, please."

"Eto na naman po sya," sa isip-isp ni Trevor. Nauna syang dumating sa babae. Ang akala nya ay hihinto na ito sa ginagawa gabi-gabi. Isang bahagi ng isip nya ang medyo nalungkot sa kaalamang di nya na ito masisilayan. Ngunit mabuti na rin iyon dahil hindi naman pwedeng habambuhay ang ganoong setup nila. May kaunting kirot sa kanyang puso sa kaalamang di man lang sya pinagkaabalahang kilalanin ng babae upang pasalamatan. "Magpakilala ka na kasi. Ang tanda mo na torpe ka pa rin," anas nya sa sarili.

"Nandun na, eh. Konting kembot na lang Mrs. Angelo Reyes na dapat ako eh, sabay nang-iwan sa ere ang puta," sabay hagulgul. Yun ang naabutang mantra ni Trevor nang lapitan nya ang babae.

Lasing Na Pag-ibig (COMPLETE)Where stories live. Discover now