goals // 2

54.6K 897 125
                                    

                  

STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP

WITH MR. POPULAR

//GOALS #2//


PARANG ang bigat ng bola sa kamay ni Jet pero tinuloy niya pa din ang pag-dunk. Sumabit muna siya sa ring panandalian bago bumitaw.What the fuck is wrong with her?! Dahil kay Zoe nag-iinit na naman ang kaniyang ulo. Alam naman ni Jet na kinasusuklaman ni Zoe ang kung anong nangyayari sa kanila ngayon. Sino ba naman ang gustong magkaroon ng pekeng relasyon kung may gusto ka ng ibang tao? But what he doesn't expect is how cruel Zoe is to him.

Narinig niya ang pag-squeak ng rubber laban sa pintura ng court habang papalabas ang ilang player na galing ng locker rooms. Masyado siyang maaga para sa training para ipawis ang inis niya. Simula nang magkagulo sila ni Owy sa training noong nakaraang buwan, hindi pa din sila nagsasama sa iisang court tuwing practice. Ewan niya ba do'n kay Owy.

Pero si Zoe talaga eh. Hay nako, ba't ba mga ganito tao sa buhay ko?

"Okay ka lang?" nakangising tanong sa kaniya ni Xavier. May dala itong sariling bola at tinira muna sa ring bago siya linguning muli. "Balita ko balik na kayo ni Zoe ah?"

Napapikit na lang si Jet at napailing. Si Xavier nga pala ang kambal na nakakaalam ng sikreto tungkol sa pekeng relasyon nila ni Zoe noon.

Hindi nagtagal ay umakbay sa kaniya ang kakamabal ni Xavier na si Xander. "Bro, love is sweeter the second time around. Kahit hindi mo naman sinabi sa'min kung bakit kayo naghiwalay noon, I hope you guys work this time, alright?"

Naiinis niyang inalis ang pagkakaakbay ni Xander sa kaniya. Lalo lang umiinit ulo niya dito eh. Pumito ang coach nila at sinenyasan si Jet na lumapit. Ito ang coach noong nasa Pryston pa lang siya. Pero hanggang ngayon kasi hindi pa namimili ang Goldencrest kung sino ang magiging head coach ng basketball team. Hindi lang sa team captains ang problema kundi nasa coaches din.

"Magkakaroon na daw ng results by the end of the week," sabi ng coach niya sa kaniya. "Kung hindi man ako ang mapiling coach, no matter what happens, 'wag mong pababayaan ang teammates mo."

Tumango si Jet.

"You know how much they love to play basketball," parang tatay na sabi nito sa kaniya. Halos apat na taon na din niya itong kasama sa buhay niya kaya hindi na bago sa kaniya ang anak na pagtrato nito. "Kung hindi din ikaw ang mapiling captain sumurrender ka sa system nila. Hindi ka pwedeng umayaw dahil aalis din ang teammates mo. Naiintindihan mo ba ko?"

"Yes, coach," bulong niya. Gusto niya na lang murahin ang lahat nang nangyayari. Bakit ba kasi kailangang magsama ng Pryston at Westerhaven? Open naman ang Queenslane at Ostfort. Masama na ang loob ni Jet noon pa lang sa paglipat nila sa Goldencrest dahil halos nakalahati ang original team niya dahil ang mabubuong team dito kalahati ay manggagaling sa Westerhaven.

"Jet!"

And there she is. The girl whom Jet thought will be the silver lining in this mess. Si Zoe. She's standing right by one of the entrances, waving a small hand in his direction. He pulls a smile for her but it immediately collapses when someone calls for Zoe.

Si Owy.

Mabilis na nag-init ang dugo ni Jet at mas lalo nang maglakad si Zoe papunta sa direksyon ni Owy na manood ng training nila. Magkaibigan nga naman ang dalawa noon pa man pero bakit--aish! Sakto naman na pumito ang coach nila na naghuhudyat na simula na ng training game. Mabilis siyang pumasok sa court at sinundot paalis ang bola sa kamay ni Xander. Nag-dribble siya at inatake ang inside. Tumalon siya para sa isang lay-up at napangisi siya nang muling tumapak sa lupa ang kaniyang mga paa sa pag-swish ng net na nagkumpirma nang pumasok niyang tira.

(STATUS #2) Status: Still In A Relationship With Mr. PopularWhere stories live. Discover now