goals // 3

45K 810 151
                                    

STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP 

WITH MR. POPULAR
//GOALS #3//


rebeldengunibersidad.anonymous.blogspot


Author: "White Horse"
Followers: 14.7k
Posts: 158


RE: THE KING OF KINGS AND THE QUEEN OF QUEENS


Like I said in my last post, Goldencrest is not so bad. Although I still wish I'm back in Westerhaven which has been my home for, like, what, forever? Anyway, it has been lively during the first week and each of us is looking forward towards the surprise acquaintance party on the weekend.

Nasa pugad na naman ako ng kadramahan.

Nagdilang-anghel yata ko bumalik na nga si Zoe Armamento sa presensiya naming mga Aristocrats. And she came back as the Queen of Queens.

Pero...

Ako lang ba nakakapansin o mukhang hindi talaga sila okay ni Jet ngayon?
Kung kailan naman sila nagkasama sa iisang lugar tsaka naman sila less PDA? Gano'n? Maghiwalay na lang kaya ulit sila ng school? HAHAHAHAHAHA. Biro lang.

Let's get down to business.

Alam ko namang wala dapat nakikialam sa relasyon nilang dalawa pero... kaya nga anonymous blogspot para makapag-voice out kaming mga pakialamera. Hehehe. Jk.

We are all aware of that rumor na nagkahiwalay nga ang star couple nang pumunta ng California si Zoe. Pero bakit sila na naman ngayon? Nako ha... hmmm... ayoko magsalita pero—well, maybe they just found their way back to each other, 'di ba?

I'll end this here, my queens and kings at naghahanda pa ko para sa acquaintance party. HAHA. I'll see you there.

Posted 2 hours ago.
4.5k Hearts. 1.2k Relays. 568 Comments.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

"ARE you done yet?" inip na tanong na ni Jet. Nasa loob kasi sila ng kotse at si Zoe ay busy pa sa paglalagay ng kung ano sa mga pilikmata nito. Kakatapos niya lang basahin ang post ni "White Horse" kay Zoe. Hindi lingid sa kaalaman nila kung gaano kalakas ang impluwensya ng anonymous blogger sa mga taga-sunod nito. Kaya kailangan nilang mag-ingat. "Tsk."

"Just hold on for a sec," sabi nito at tinakpan na ang bote ng kung ano bago isinilid ang manipis na bagay sa loob ng bag. Alam niyang matatapos na ito kaya lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ito ng pintuan. "Thanks."

Automatic naman itong kumulabit sa kaniya pero inilipat niya ang braso niya sa bewang nito kung sakali mang matapilok ito ay masasalo niya kaagad. Ang taas ba naman kasi ng takong ng sapatos na suot nito.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(STATUS #2) Status: Still In A Relationship With Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon