goals // 5

29.9K 685 36
                                    

STATUS: STILL IN A RELATIONSHIP

WITH MR. POPULAR

//GOALS #5//


PUPUNGAS-pungas pa si Zoe na nakasandal sa elevator pababa ng dorm niya. Mukhang lahat naman ng estudyante ay napagod sa acquaintance party na naganap noong nakaraang gabi. Kaya nga hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang pumasok ngayong araw na 'to. Habang ang iba ay mahimbing pa ang tulog, bakit siya pinapatawag nang sobrang aga?

Paglabas niya ng elevator, nagulat pa siya na walang sumalubong sa kaniya. Maliwanag na sa labas at pumapasok na ang sinag ng araw sa mga salamin. Sumandal siya sa at nagpabilad sa araw ng kaunti para naman medyo mahimasmasan naman siya kahit papaano. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na din si Jet.

"Good morning," bati ni Zoe.

Tinanguan lamang siya ni Jet.

"You okay?"

Umiling ang isa at minasahe ang ulo. In-adjust nito ang suot na shades bago sumagot, "Hangover."

"Aish," pagtawa ni Zoe at napangisi. "Let's go?"

Hindi na ito sumagot sa kaniya at nagsimula na lang maglakad. Sumabay na lang siya sa paglalakad nito palabas ng glass doors. Para silang nasa ghost town dahil iilan lang ang mga estudyanteng nasa labas. Malinis sa campus nila. Para nga itong mga unibersidad sa London at U.S. na kumpleto sa loob.

"Where were you last night?" tanong niya dito.

"Where were you?" masungit na tugon sa kaniya ng kasama.

"I was just there last night."

Jet snorts and that makes her eyebrows knit together.

"What are you talking about?"

"You weren't there, Zoe," sagot nito at humikab. "I don't know where you went off with Francia."

"I was gone for just, like, two minutes!" paghagod niya sa buhok niya na natatawa. Wala naman kasi talaga silang pinuntahan ni Ross kagabi. Sobrang saglit niya lang nawala.

Umiling na lamang si Jet sa kaniya. He is not in the mood for arguing. Mabuti na lang talaga ay dumating na sila sa Main Building kung nasaan ang mga opisina. Hindi na sila nagsalita hanggang sa opisina ng presidente. Pinapasok na agad sila ng sekretarya nito at bumungad na sa kanilang ang isang lalaking nakaupo sa likod ng metal na lamesa nito.

"Good morning, sir...?" panimula ni Zoe.

"Sit down," utos nito sa kanilang dalawa. Nagkatinginan muna sila ni Jet bago pumunta sa kaniyang upuan sa harap ng president. Tiniklop na nito ang binabasang dyaryo at humarap sa kanila.

Di hamak na mas bata ito kay Panot pero halata namang pinapakulayan nito ang buhok upang matago ang mga puti. Nonetheless, Zoe is sure he is younger.

"Shades off," sabi nit okay Jet.

"Sorry, sir," mabilis na sabi ni Jet at hinubad ito.

"De Costa. You can call me Mr. De Costa."

"Yes, sir," sagot nilang dalawa.

Mga tatlong segundo silang nakipagtitigan dito at sa totoo lang ay para nang sasabog ang puso ni Zoe sa kaba. Hindi niya alam kung bakit, kung dati si Panot sinusungit-sungitan niya lang pero kasi iba 'yung ngayon. Puro anggulo ang mukha ng kanilang kaharap at kita sa medyo singkit na mga mata nito na may pagka-masungit naman talaga ito.

(STATUS #2) Status: Still In A Relationship With Mr. PopularTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon