Fifty Four

3.2K 75 4
                                    

A/N

Warning: SPG

Kung hindi niyo kayang basahin, go to the next chap. 😉😏

~~

Jho

Badtrip yun si Ate Ella! Ako pa nautusan kunin yung jacket niya. Lakas kasi mang blackmail e. Ginamit pa yung nangyari kanina. Bwisit siya!

Naglakad na ako papunta ng room namin. Ininsert ko yung keycard at agad naman 'tong bumukas. Pumasok na ako at sinimulan ng hanapin yung jacket ni Ate Ells.

Ang kalat naman ng gamit nito ni Ate Ella! Parang hindi babae e. Hanap pa rin ako nang hanap, then naramdaman kong may pumasok sa loob.

Tinignan ko kung sino. Si Ponggay pala, basang basa siya. Tumutulo tulo pa yung tubig mula sa buhok at katawan niya.

"Huy, Pong! Anyare sa'yo? Ba't basang basa ka diyan?"

Tinignan niya lang ako at umupo sa may kama nila. At dahil basa siya, nabasa rin yung duvet nila. Ang creepy naman nun. Hindi ko na siya pinansin at hinanap nalang ulit yung jacket ni Ate Ells.

Sumilip ako sa ilalim ng kama dahil baka nahulog pala.

"AY PAKSHET!" Napa-urong ako sa pagkabigla. Napaupo pa ako. Pagka silip ko kasi, may paang nakatayo then may tumutulo tulong tubig pa. Tinignan ko kung sino. Si Pong lang pala!

"Siraulo ka Ponggay! Aatakihin ako sa puso nang dahil sa'yo e." Sabi ko. Tinignan niya lang ako. Nasa may ilalim nga ng kama yung hoodie ni Ate Ella.

Hindi pa rin naimik si Pong. Naglakad lang siya at pumasok ng banyo. Ang weird ng mga kinikilos niya.

Kinuha ko na yung hoodie ni Ate Ells at tumayo. Before lumabas nag paalam pa ako kay Pong na mauuna na. Nung hindi siya sumagot ay lumabas na ako. Ang weird niya ngayon. Promise!

Habang nag lalakad pabalik sa beach at kung nasa'n sila, naka-salubong ko si Ate Ella with Ponggay! What the hell?! Tuyong tuyo siya. At kung ano yung suot niya nung nasa room kami kanina, ayun pa rin yung suot niya ngayon!

"Ponggay! Ang bilis mo naman maglakad? Saka bakit ang bilis matuyo ng damit mo?" Ngagtataka kong tanong.

Pong gave me weirded look, "Pinagsasabi mo diyan, 'Te Jho?"

"E di ba basang basa ka kanina? Nasa cr ka pa nga bago ako umalis sa room e."

"Hoy, Jhoana! Anong drama mo? E hindi naman 'to nag basa si Pong. Saka hindi naman siya umalis. Susunduin ka nga sana namin dahil baka nagmukmok ka na rito." Paliwanag ni Ate Ella. Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Kung hindi nag basa ni Pong, at hindi siya umalis...

"EDI SINO YUNG NASA ROOM KANINA?!" Pasigaw na sabi ko.

Kumunot ang noo ni Ate Ella. "Ano ba, Jho! Mag hunos dili ka nga. Ano bang sinasabi mo diyan?"

Kinalma ko yung sarili ko. "Kasi gan'to yun... di ba pumunta ako ng room natin para kunin yung hoodie mo?" Ate Ella nodded. "E natagalan ako sa paghanap gawa nang hindi ko makita! Ang gulo na gamit mo, bes."

Kumunot yung noo niya, "Pa'nong hindi mo makikita e nasa may kama ko lang yun iniwan?"

"Wala siya sa kama! Sa may ilalim ko siya ng higaan nakita."

"Weird. E sa kama ko yung nilagay pag kahubad ko."

Kinikilabutan na talaga ako sa nangyayari. "So yun na nga. Biglang may pumasok sa room. Nung tinignan ko si Pong, basang basa siya."

What if? (JhoBea FanFic) Where stories live. Discover now