Fifty Five

3.8K 82 2
                                    

Ella

"Ate Ella, nasa'n po si Ate Jho?" Tanong ni Deanna. Halos mag i-isang oras na rin yung lumipas after umalis ni Jho. Ngayon lang nila napansin na umalis siya?

Napatingin silang lahat sa'kin. Hinihintay yung sagot ko.

Anong sasabihin ko? Nag walk out matapos makitang i-kiss sa cheeks ni Bea si Maddie? Bumuntong hininga ako. Bahala na nga.

"Pinakuha ko yung hoodie ko. Nilalamig na kasi ako." Sabi ko at umakto pang nilalamig. Which is partly true.

Nagkatinginan kami ni Bea. Nakakunot ang noo niya, pero agad din siyang ngumiti.

"Wow. Sumunod sa'yo?" Manghang tanong ni Mich.

Tinignan ko siya at ngumisi, "Wala naman siyang choice e."

I'm doing this for, Jho. Hindi lang para sa sarili ko. Pero parang ganun na rin. Lol. Totoo niyan, naaawa ako sa babaeng yun. Lalo na nung nakita ko yung pagtulo ng luha niya habang nakapikit at nakangiti. Gusto ko man matawa kasi lakas maka koreanovela pero hindi ko magawa.

Nung nagkatinginan kami at ngumiti siya (na halata namang pilit). Kitang kita yung sakit sa mata niya. Lalo tuloy akong naawa. Tinanguan niya ako. Napangiwi pa dahil nilagok niya yung beer niya. Ininom niya nang tuloy tuloy. Malala ang problema ng isang 'yun.

Hindi ko na siya pinigilan nung tumayo siya at nagsimulang mag lakad. She needs space. Kailangan niyang makapag isip-isip. Tinignan ko lang yung likod niyang unti unting nawawala sa paningin ko.

"Anong magic ang ginawa mo run at sumunod sa'yo?" Natatawang tanong ni Ly. Epekto ata ng wasak na puso 'yun.

Nginitian ko nalang siya at umiling iling. Nagtawanan sila. 

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Jho na hinahanap na siya ng team. Ilang minuto lang ang lumipas nang mag reply siya. Tinatanong kung sino'ng 'sila.' Ay nako! May particular na tao ata 'tong gustong mabasa. Nag type ako nang mabilis.

To: JHOsa
Hay nako Jho! If u want to know kung hinahanap ka ni Bea, sige, sasabihin kong oo. Kung diyan ka sasaya

Nagreply siya ulit. Nabwisit tuloy ako sa name niya rito sa phone ko na siya ang nagpalit! JHOsa amp. Nag reply na lang ako at hinayaan na yung name niya. Ang arte ng babaeng 'to.

Nung tinanong niya kung anong sasabihin niya kung bakit siya umalis, sinabi kong inutusan ko siyang kuhanin yung hoodie ko. Sabihan ba naman ako ng 'abusada'! Siya na nga 'tong tinutulungan.

At gaya nga nang sinabi ko kanina, no choice siya kundi sundin yung sinabi ko. Bigla ko tuloy naalala yung irita niyang mukha. Haha!

13 minutes passed simula nung huling text ko kay Jho pero hindi pa rin siya nabalik. Nasaan na ang babaeng yun?! Sa kama ko lang naman hinubad yung hoodie ko kaya impossibleng hindi niya makita agad. Baka umiyak na yung babaeng 'yun don at maisipang mag bigti.

Biglang tumayo si Bea, napatingin kami sa kanya. "Uy, Bei! Sa'n ka pupunta?" Tanong ni Ly.

"Sunduin ko lang po si Jho. Ang tagal niya po kasi." Sabi niya. Biglang nanlaki ang mata ko. Baka umiiyak nga si Jho sa room! Tapos makita siya ni Bea. It cannot happen!

Napatayo ako bigla, sa akin naman nabaling yung atensiyon nila. "Ay, hindi na Bea. Kami nalang ni Pong yung susundo kay Jho." Hinigit ko yung kamay ni Pong. Napatayo naman siya.

"Ako po?" Tanong niya nang may pagtataka sa mukha.

Tinanguan ko siya. Bago pa sila makapag salita hinila ko na si Pong at naglakad papunta ng room namin.

What if? (JhoBea FanFic) Where stories live. Discover now