Una

7 1 0
                                    


End

Nakabubulabog at halos makabasag pinggan ang narinig ng lahat ng taong naroon dahil sa isang hagulgol ng babaeng nagsusumamo at walang tigil sa kakaiyak na ngayo'y nakalupasay sa medyo basa pang sahig sa labas ng isang room.

"Okay class dismissed" agaran naman ang pagtayo ko at dire-diretso ang lakad palabas.

"Sinasabi ko na nga ba at disperada rin ang babaeng yan. Kapal ng mukhang magsabi ng chismis na di naman totoo"

Napairap na lamang ako sa mga naririnig ko. Another stupid things happened, may umasa nanaman sa simpleng gestures lang. Assuming. Anyway, dahil nagugutom na ako ay pumunta na ako sa paboritong tambayan ko. Let me rephrase that, tambayan NAMIN.

"Babye dalagang maganda" nakangiti kahit wala ng ngipin na paalam ni Lolo Maximo saakin habang pinupunasan ng kanyang apo ang likod nito.

"Paalam Lolo Max." matamis na ngiti ang iginawad ko sa matanda. "Jen, pagpasensyahan mo muna itong ibibigay ko. Naiwan ko kasi sa kotse ang wallet ko."

"Naku Ate Fave hindi papo nauubos ang isang libong binigay nyo nung isang araw." Alanganin nyang tinignan ang limang daan sa kamay ko.

"Sige na. Pandagdag mo nang mabilihan mo si Lolo ng masarap na pagkain dyan" sabi ko

"Nakakahiya naman po, salamat talaga ate" tumango lang ako at nagpaalam ulit kay Lolo Max bago dumiretso sa parking ng campus.

Pinatunog ko na ang Jaguar na gamit ko at sumakay. Habang nagmamaneho naman ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.

"What now?" Iritado kong tanong.

"Relax little witch hahahaha" natatawang sabi ng nasa kabilang linya

"Stop it Nate akala mo ba hindi ko agad nalaman na wala na kayo ni Shaina Morales"

"Anong bago dun?" Pilyo ang boses nya at alam kong nasa isang bar nanaman sya dahil sa ingay ng tao. Napairap ako

"Dalian mo ng magbihis witch. Nag aantay na kami" hindi na ako sumagot at tinapos ko na ang tawag.

Dumiretso ako sa subdivision namin kung saan kami nakatira dito sa Manila.
Naabutan ko lang sa bahay ang mga katulong. Ano pa bang aasahan ko? Laging wala ang mga magulang namin dito.

Dahil halos ito na ang routine ko araw araw ay natapos agad ako ng mabilis. Pagkatapos ng klase ay lalakwatsa ako. Sa bar. O kaya makikipag laro ako.

"Oh Fave!" Kinawayan ako ni Tyler na may kandong na babae.

Lalapit na ako sakanila pero bago pa ako tuluyan makalapit ay may humila sa baywang ko.

"What the?!"inis na utas ko

"Fave honey.."naamoy ko ang pinaghalong alak at pabango sa hininga nya.

"Chul." Bahagya kong inilayo ang katawan ko sakanya. Pero lalo nya akong nilapit nagulat na lamang ako ng mabilis nya ang hinila sa walang masyadong tao sa bar.

"Ano ba? Nadito mga kaibigan ko" pero pinaulanan nya na ako ng halik sa leeg pataas sa mukha ko. Oh shit! Sabi na nga ba.

"Hmm..Fave I missed you so much" wala sa sariling sabi nya. Naglalakbay ang mga kamay nya sa bawat sulok ng katawan ko na parang uhaw na uhaw ito saakin.

"Chul.." Pigil ko sakanya at inalis ang kamay na nakahawak saakin. Tinignan nya naman ako ng nakakabitin at nakakalasing na tingin.

"We're over." Sabi ko at naglakad palayo.

BurnedWhere stories live. Discover now