Pangatlo

8 1 0
                                    

Past

"What are you doing here?" Inis na sabi ko pagkatapos kong hilain pabalik ang mga kamay ko mula sa lalaking ito. Napunta kami sa may parking ng bar na kahit medyo madilim ay alam kong medyo malayo na kami sa bar dahil malapit na kami sa kotse ko.

"Hindi ka parin pala nagbabago. You're still a trouble maker" may amusement sa kanyang boses habang hinarap ako

"Drop it Jax. Matagal na tayong tapos so what's with the scene huh? Stop acting like you care. You fvcking playboy!" Yes, he's my ex. Who turned me to be like this. My first ex I'm referring to.

2years ago....

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba titigil kakaiyak? Kung wala ka ng ibang sasabihing mapapakinabangan ko pwede ba umalis ka nalang" napakagat ako ng mariin sa aking pang ibabang labi para pigilan ang hikbi na gusto kumawala dulot ng pag iyak ko.

No. Hindi nya ako pwedeng iwan. He promised me. Kami hanggang huli. Magbabago na sya. I know he's a damn playboy but I know nagbabago na sya para saakin. Pero bakit ganito? Ilang buwan nanaman ang lumipas ay may nabalitaan nanaman ako at kitang kita ko pa sa mga mata ko na kalandian nya ang babae iyon. Galit ako, yes. But I cant afford to lose him. Martyr na kung martyr. Umaasa parin akong magbabago sya ng tuluyan at magiging masaya kami. I really love him. Sya nalang ang meron ako na hindi makukuha ng ate ko

"P-Please love.. Let's talk. Just explain to me please?" Damn it Natty. You stoop so low just to be with this guy.

"I already said it. Ayoko ng ulitin. Kung ayaw mo umalis ay ako na lang ang aalis" tumalikod na sya pero hinila ko ang kamay nya para pigilan sya.

That's it Natty. Wag ka magtira. Dignidad. Pride. Class. Ego. Wala na

"Jax.. P-Please? D-Don't do this to me. Akala ko okay tayo. S-Sabi mo hindi na m-mauulit diba? I'll promise i'll do anything just please Jax. Stay with me. Please? I-I can't live without you. You're my life. Y-You know that love please.." Ang sakit sakit. Mas lalo akong nahihirapan sa paghinga. Unti unti nawawalan ng hangin ang katawan ko.

No Natty! Konting tiis pa..

"Look.. Nathalie I don't know. Im sorry. Hindi ko narin alam sa sarili ko. Hindi ikaw ang problema okay? I know its been hard for you all these years. I-I just can't. I realize I just want to be alone now. I want to be happy. I want to do some things... fvck! I don't know. I don't want you to suffer more so let's end this." Wala man lang bahid ng awa ang makikita sa mata nya. Like he's not the Jax I know. My Jax.

Oh Natty! Stop being too dramatic please. But damn. I just cant help it. I cant understand. I don't want to understand his damn reasons! Bakit pa pakiramdam ko ginamit lang ako para sa sarili nyang satisfaction

Masaya naman kami diba? Bakit.. Hindi ba ako maganda? Marami naman akong manliligaw ah. Hindi ako sexy alam ko pero masyadong mababaw naman yon para sayangin nya yung isang taon namin. First kiss ko kaya sya!

Akala ko okay kami. Akala ko kaya nya talaga magbago. Shit. Nagpakababa na ako at lahat nawala parin sya saakin.

"Please J-Jax.. You know how much I-I love you r-right? Patatawarin kita j-just please don't leave.. D-Don't end t-thi" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nakahawak na ako sa dibdib ko habang sinasabi yon nang bigla nalang unti unti nagdilim paningin ko at huling pagsigaw nya sa pangalan ko ang narinig ko.

Not yet please! Damn it. I don't want him to leave

"I told you he's not good for Natty! Look at her. Mas lalong lumalala ang sakit nya! Mamamatay sya dahil sa lalaking iyon! He's causing too much stress to our daughter Franco! Find him and I'll slap that asshole! How dare he to hurt a princess of a le Valmore!" naririnig ko ang boses ng isang babaeng pamilyar saakin

"I know okay?! But she's happy with Jax! We can't ruin her happiness" sagot naman ng lalaki at naririnig ko ang iilan pang boses ng mga lalaking nagtatalo

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. White color of the ceiling is the first thing I can see. Again. I know nasa hospital nanaman ako.

Napatingin ako sa gilid kung saan nanggagaling ang mga narinig kong boses na nagtatalo kani-kanina lang and there. I saw my family. Ate Nathalia, Nate, Thadeus, Tyler and my parents. God, si Jax nanaman sisisihin nila.

'Well Natty, hindi nga ba sya?' a voice in my head said. Napailing ako. Ano bang nangyari? The last thing I remembered ay noong paalis na si Jax para iwan ako-- oh!

"Jax! Where is Jax?! Ate--" bigla akong napabangon at mas lalong sumakit ang dibdib ko.

"Nat calm down. Please? Tama na. Alam na ni Jax ang tungkol sa kondisyon mo. And he said na tapos na daw kayo. He's shocked nung nalaman nya. Yun lang. Nothing more. Umalis na sya. At hindi ka na nya kinamusta" sabi ni ate Natalia na nakapagpaiyak nanaman saakin.

Wala na bang tigil lahat ng sakit? Ayoko na.. Please.. I want to rest. Kami parin ni Jax.. Damn. Niloloko ko nanaman sarili ko. Niloloko na nga nya ako pati sarili ko pa hindi ko palalagpasin.

"Ilang araw akong walang malay?" tanong ko

"5 days.." may pait sa tinig na sabi ni Thadeus.

"He didn't come?" Umaasa parin na magbabago ang sagot nila sa tanong ko pero puro disappointment lang sa mata nila ang nakita ko at saka umiling.

"Darling, take a break okay? We will leave. Nakahanap na kami ng donor. So please darling fix yourself.. Isipin mo naman kaming pamilya mo. I-I don't want to lose you princess. Please! Im begging you" mas lalo akong naiyak dahil nanginginig ang boses ni Momma habang sinasabi iyon. She's crying!

Wala na talaga akong magandang naidulot kundi sakit sa pamilya ko.. Ang selfish ko.

"Nathalie please. He's not worth for your love. Bata pa kayo. We can't lose you because of that damn boy! You're too precious to shed your tears for him alright? We are here for you.. Magpapagaling ka" ate Natalia walked towards me and kissed my forehead.

Sumunod naman ang tatlo kong kuya na ngumiti saakin at mas uminit ang puso ko dahil narealize ko kung gaano sila kaalaga saakin at kung gaano ako kaimportante sakanila. Even ate Natalia kahit alam nyang may sama ako ng loob sakanya she still loves me.

Pumunta kami patungong america for my operation. Yes, may sakit ako sa puso. Bata palang ako. Hinahanda na ang katawan ko for this operation na palitan ang puso ko at gumaling na ako ng tuluyan.

One year din kami sa america para tuluyan akong makarecover bago kami bumalik sa Pilipinas. Pero nagpaiwan si Ate Natalia sa hindi ko malaman na dahilan. Well, nalaman ko lang ang totoong dahilan noong isang buwan na kami sa Pilipinas.

I'm so thankful for my brothers kahit gaanon sila. They really care for me at pati pag aaral nila at nakuha nilang hindi indahin kahit sa ibang bansa kami. Bumibisita sila saakin sa america for vacation and special ocassion. Well for a year lang naman but I still appreciated it.

Hindi narin ako ganon nagtatanim ng sama ng loob kila Momma dahil busy sa trabaho. I understand them.

-end of flashback-

2 years na wala akong narinig tungkol sa lalaking ito. At ngayon bigla nalang syang sa harapan ko at sasabihin pa na girlfriend ako? How dare him!

"Come on, Natty.. Still into me huh?" A playful smile crossed his lips

Agad na nag init ang ulo sa sinabi nya at tuluyan ko na siyang sinipa sa paa

"Ouch! What the hell Nathalie?!" agad na napaigtad sya sa sakit at hindi makapaniwalang tingin ang ipinukol nya sakin. Ang tulis kaya ng takong ko! Well, that's what you get fvcker

"Yan ba ang way mo ng pagpapasalamat sa pagliligtas ko sayo?" Confused na sabi nya at parang nasasaktan pa. Too gross for my eye sight

"I don't need you to act like a fvcking knight in shining armor Jaxon. You're not even close for being a knight dahil masyado kang gago!" I hissed bago ko sya tinalikuran at binuksa ang BMW ko para umalis.

Serves you right Jaxon Suarez

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BurnedWhere stories live. Discover now