Pangalawa

6 1 0
                                    



He's not

Hindi na nagtagal ang tatlong lalaki sa loob ng mini bar namin pagkalabas ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at nagbihis dahil pinatawag na kami sa baba.

"Nathalie, my baby!" dinig ko na agad ang isang malambing na boses pababa ng hagdan.

"Momma." ngisi ko at inabot sya ng yakap.

With her pitch elegant dress, high heels, and purse. She looks glamorous. Tinernuhan pa ng kanyang mala nyebeng kutis at kasing itim ng uling ang kanyang buhok. Sumisigaw na dapat syang tingalain at igalang. I wished I could be this gorgeous when I reach her age.

"I miss you dear. Halika na. Your brothers and father are waiting in dining area"

Tama nga sya. Nasalubong ko agad ng tingin ang aking amain kasama ang tatlo. Nag-uusap at tumatawa.

"She's here" masayang pahayag ni Momma.

Umiwas ako ng tingin habang lumalapit patungo sa upuan ng aking ama. Humalik ako sa pisngi nya at agad na umalis para umupo sa bakanteng upuan. Pinagpapagitnaan ako ni Tyler at Nate.

Si Thadeus naman ay katapat ko. Katapat ni Tyler si Momma, nasa gilid ko naman si Nate. Nasa sentro naman ang matandang lalaki.

"Let's eat then" anunsyo nya sa mababang boses.

Kukunin ko na sana ang lalagyan ng kanin kaso di ko masyado maabot. Malapit ito kay Thadeus. Agad nyang kinuha iyon at nilagyan ako sa plato. Matalim ang ginawad kong tingin sakanya ng mapansing maraming nilagay. This bastard!

"Enough!" tinabig ko ang kamay nya

"Onti pa princess. Nangangayayat ka na nga." Tumindig ang balahibo ko sa tinuran nya. Kaya ayokong nandito sila momma eh. Papansin sya. Mabait pag nakaharap sila pero pag wala na back to normal. May pa princess pang nalalaman. Kaasar.

"Hayaan mo na kuya nagpapasexy kasi yan sa crush nya." gatong ng walang hiya na si Nate.

Nag-angat naman ng tingin si momma habang napatingin din samin si poppa.

"Lorenzo?" Tanong ni momma at pilyang ngumiti saakin. Here we go again. Ugh! Fuck you Nathan Florante.

"Momma don't believe him." Sabi ko.

"Hanggang ngayon parin crush nya." sabi naman ni Tyler.

Sige, ipagpatuloy. Pagtulungan nyo ako ah.

"Bakit dear? Hanggang ngayon parin ba hindi ka pa nya nililigawan? That young man. Siguro'y natotorpe parin." she chuckled. Like a teenager.

"He has a girlfriend Mom." umirap ako at hindi ko pinalampas sa pag-irap na iyon yung tatlo.

"Besides, that was very long ago. 12? 11? I can't remember. And it's just a crush."

Tumawa naman sya at parang hindi naniniwala. Bahagyang umiling. "Malay mo gusto ka nya pala noon kaso nahiya lang. Di mo alam."

Tapos ko ng kainin ang main dish namin at gusto ko ng magdessert dahil naagaw ang paningin ko ng isang malaking black forest cake sa gitna. It's my favorite. Tumayo ako at naghiwa ng malaki tapos ilagay sa pinggan.

"Grabe dessert agad?!" parang naiingit na sabi ni Nate dahil sya hindi pa ubos ang kinakain.

Pinagtaasan ko lang sya ng kilay at sumubo na ng malaking hiwa. Sinunod ko ang cherry nito. Nasa gitna ako ng pag iimagine sa sarap ng cake ng bigla syang nagsalita.

"Just bring here the boy Natty. Before he ask you for courting. Kailangan pa naming kilatisin iyon, right boys?" Kumindat pa ito at tinignan yung tatlo.

BurnedWhere stories live. Discover now