Chapter 3: The Healer

6 0 0
                                    

  
  
----- Amy point of view -----
  
 

Haay, sa wakas nakauwi na din ako sa bahay.
 

 
Pagkapasok ko ng pinto ay agad na sumalubong si Spuff ang alaga kung aso sa pintuan at walang humpay na "Meeoow" naman si Flurry na nakaupo sa supa na ang  ibig sabihin ay, "Pakainin mo na ako Amy nagugutom na ko, kinain ni Spuff lahat ng pagkain ko."

 
 
Binuhat ko si Flurry at humiga ako sa supa. Nahiga naman si Spuff sa paanan ko.

 
  
Habang hinihimas ko ang balahibo ni Flurry ay bigla kung naalala lahat ng nangyari sa akin sa unang araw  ko sa White Leopard Academy.

 
  
Una, lahat ng nag-aaral doon ay my super powers.

 
  
Pangalawa, may nakilala akong wierd na guy.

 
    
Pangatlo, Color black ang lumabas sa bolang crystal ni Manong Herman.

  
   
At pang-apat, napagaling ko ang sugat ng rabbit kanina sa klasse namin.

  
  
Iniisip ko parin hangang ngayon, kung paano ko nagawa yun.
 
    
  
Unang try ko hindi ko sineryoso, basta ko lang tinapat yung kamay ko sa sugat ng rabbit kasi alam ko naman na hindi ko talaga siya mapapagaling kasi nga wala naman akong super powers.

  
   
Lahat ng classmate ko ay napagaling na nila ang mga pasyente nila, at ako na lang ang naiiwan.

  
    
Lumapit sa akin si Mrs. Perva ang Proffesor namin sa Healing 101, at sinabihan akong mag-concentrate daw ako ng mabuti.

  
  
Pero paano ko gagawin yun, kahit mag-concentrate ako wala namang talaga akong kapangyarihang magpagaling ng sugat.

  
   
Pero sinubukan ko ang sinabi ni Mrs. Perva, pinikit ko ang mga mata ko, at inisip ko na mapapagaling ko ang sugat ng rabbit.

  
   
Habang nakapikit ako ay nagsasalita naman siya sa likuran ko, sabi niya;
"Isipin mo na mapapagaling mo ang sugat niya at malaya na siyang makakatakbo ng sa gubat kasama ang iba pa niyang mga kaibigan."

  
   
Habang sinasabi niya iyon ay pilit ko namang iniisip na mapapagaling ko talaga ang sugat niya.

  
   
Maya-maya ay maybigla na lang tumalon sa harap ko.

   
  
Nagulat ako sa nakita ko.

 
   
Hangang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.

 
   
Napagaling ko ang sugat ng rabbit.

 
   
Kung may super powers nga talaga ako bakit ngayon ko lang ito nalaman.

 
    
Kailangan kung makausap si Uncle A.R. baka may alam siya tungkol dito.
  
   
  
Tumayo ako, at kinuha ko ang bag ko.
  
 

Alam ko siya lang ang makakasagot sa mga katanungan ko ngayon.
 
 
 
Siya na ang tumayong magulang ko simula ng mamatay ang mama ko, ang papa ay namatay na din pero hindi ko pa siya nakita kahit sa picture lang, nagagalit kasi si mama sa akin kapag nagtatanong ako tungkol kay papa.
 
  
  
"Riiinnngg!! riiiinnnng!!! rrriiiiinnng!!"
  
  
   
Nakatatlong tawag na ko pero hindi pa din siya sumasagot.
Ano kayang ginagawa niya ngayon?
Masyado na siyang naging busy simula ng pumunta siya ng probinsya.
Hindi ko alam kung okay pa ba siya dun.
Magtetext na lang ako sa  kanya.
 
 
 
Uncle, kamusta kana po. tumatawag ako sayo kanina pero hindi ka sumasagot may itatanong lang sana ako sayo. reply ka po agad kapag nabasa mo to or tawagan mo na lang po ako. ingat ka po dyan palagi.
  
  
  

Parang nagugutom na ko. Mag luluto muna ko ng ulam. hmmm? parang may tira pang shrimp kagabi, tama! yun na lang lulutuin ko. Buttered Shrimp my favorite!
  
  
  
  
 
  
----Narrator----
  
  
  
Habang nagluluto si Amy ng hapunan niya, ay may biglang dumapo na ibon sa binta niya.
 
 
 
Isang malaking owl na blue at green ang mata.
 
 
 
Tinitigan niya ng mabuti ang ibon, may halong takot at pagkamangha ang nararamdaman niya. Ngayon pa lang kasi siya nakakita ng owl na magkaiba ang kulay ng mata.
 
 
 
"KROOO.. KROO.. KROOO.." ang huni ng ibon.

 
 

Nilapitan ito ni Amy, at inabot ang kamay para mahawakan niya ang ibon. Nang malapit ng dumapo ang kamay niya sa mga balahibo nito ay agad naman siyang lumipad.
 
  
  
  
Lumapit si Spuff kay Amy, at tinahulan ang lumipad na ibon.
  
  
  
"Nakita mo yun Spuff? Ngayon lang ako nakakita ng owl na magkaiba ang kulay ng mga mata." Sabi ni Amy sa alaga niyang aso.
 
 
  
Lumipad papalayo ang ibon. Lumipad siya hindi dahil sa takot, lumipad siya dahil hinahanap na siya ng kanyang amo.
 
 
  
Dumaan sa bintana ang ibon para makapasok sa kwarto ng kanyang amo, dumapo siya sa isang kahoy na ginawa talaga para sa kanyang tungtungan.
 
  
  
Nakita niyang nagdradrawing na naman ang amo niya.
  
  
  
"Kokoro, saan kaba galing. Kanina pa kita hinahanap para kumain." Tumayo ang lalake para kunin ang bowl na may lamang pagkain at agad niya itong inabot sa ibon.
 
  
 
"KROOO.. KROOO.." ang pasasalamat na huni ni Kokoro.
 
 
 
Nagpatuloy sa pag guguhit ang lalake. Iniisip niyang mabuti ang itsura ng babae. Naalala lang niya ang black at gray na damit, ang long black hair nito pero hindi niya matandan ang mukha niya.
 
 
 
Lumakas ang ihip ng hangin, resulta ng paglamig sa kwarto ng lalake.
  
  
   
"Paparating na ang bagyo." wika ng lalake. Tumayo siya at sinarado ang bintana.
 
 
 
 
Charlie, Charlie ako ito, naalala mo ba ako.
 
  
 
Isang pamilyar na boses ang narinig niya galing sa kanyang likuran.
 
  
 
Tumalikod siya, sabik na makita ang nagsasalita, alam niyang siya na yung hinahanap niya.
 
 
 
Pero pagtalikod niya ay may malakas na kidlat na tumama sa dibdib niya.
 
 
 
Dinilat niya ang kanyang mga mata. Isang panaginip lang pala ang lahat. Bumangon siya sa pagkakahulog sa upuan.
  
  
"KROOOOO. KROOO.." huni ng ibon na nakatingin sa kanya.

  
  
"Panaginip lang pala yun Kokoro"
 
 
 
Pagtayo niya ay nakita niyang bukas ang bintana niya sa kwarto. Sinarado niya ito, at nakiramdam kung may tatawag sa kanya, pero nabigo siya.
 
 
 
Humiga siya sa higanan at pinikit ulit ang mata. Nagbabaka sakali na makita na niya ang kanyang mukha.
  
  
  

DARK FATEWhere stories live. Discover now