Chapter 5: Announcement

2 0 0
                                    

    
  
----Amy Point of View----
 
   
    
  
9:45 A.M. English Class
  
   
   
   
1hour & 15mins, bago matapos ang klasse.
  
   
 
   
Hindi ako makapagconcentrate.
  
   
   
   
Wala akong ibang ginagawa kundi tingnan ang relo, at abangan na tumapat sa 11 ang maliit na kamay at sa 12 ang mahabang kamay ng aking relo.
   
   
    
  
Pwede din naman natin sabihin na inaantay kung matapos ang araw na ito, nagbabakasakali na baka bukas ay okay na ang lahat.
    
   
   
   
3 months na ang lumipas simula ng mag-aral ako dito sa school of sorcerers I mean sa White Leopard Academy.
  
   
  
Sa una, naguguluhan talaga ako pero ngayon medyo nasasanay na ako sa mga nangyayare. Kahit na may mga katanungan pa din ako sa isip ko na hangang ngayon hindi pa din nasasagot.
  
  
     
   
Ilang beses ko nang tinawagan si Uncle A.R. siguro sa 20 tawag ko dalawang beses lang siya sumagot. Sa unang pag-uusap namin kinamusta lang niya ako, tinanong kung kamusta ang first day ko at kung anong section ko at noong inopen ko na sa  kanya na nakapagpagaling ako ng rabbit kahit na alam niyang wala akong powers ang sagot lang niya sa akin ay,

"Magaling! pagbutihin mo yan, magaling!"
 
Tapos sabay sabi na mag-iingat ako palagi at wag makikipagbarkada sa mga students na hindi mapagkakatiwalaan, at biglang nagpaalam dahil may gagawin na siya.

Sinubukan ko siyang pigilan pero wala na dahil binaba na niya.
  
  
   
   
Sa pangalawang tawag, kinamusta niya ulit ako, pero bago pa ako magkwento sinabi ko na agad ang pakay ko sa kanya. Ang dahilan lang naman kung bakit ako tumawag sa  kanya ay gustong-gusto ko ng malinawan kung bakit may powers ako. Sa una ay napatahimik siya siguro iniisip niya kung paano niya maipapaliwanag ang mga nangyayari sa akin o baka hindi din siya makapaniwala na nangyari iyon.
Pero sa isang sandali ay sumagot siya.
 
"Hindi ko alam ang isasagot sayo iha,... dahil wala akong karapatang mag-explain kung ano man ang mga natutuklasan mo ngayon."
  
    
   
  
"Pero ikaw ang guardian ko, ikaw na ang nagpalaki sa akin simula ng mamatay si mama, kaya karapatan mong ipaliwanag sa akin ang lahat."
  
  
  
"Hindi iha, ang nakaraan mo ay madilim kung gusto mo ng liwanag ay kailangan mo itong alamin, ng sarili mo lang. Iyon lang ang maipapayo ko sayo, para rin ito sa iyong kaligtasan."
  
  
  
Pagkatapos noon lahat ng mga tanong sa isip ko ay. . . . . hindi pa din nasasagot at lalo pang lumala dahil matagal na palang alam pala ni Uncle A.R na may kapangyarihan ako.
 
  
   
   
Naguguluhan na ako lalo, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kapangyarihan ko. Hindi kaya ampon lang ako nila mama o baka maykapangyarihan si papa at sa kanya ko namana ito, pero paano ako makakasigurado kahit itsura o pangalan niya hindi ko alam.
   
   
  
  
"Hoy Amy tapos na ang klasse, break time na! Ang lalim na naman ng iniisip mo!"
  
   
    
    
"Ay, umalis na ba si Mrs. Fria?" sagot ko kila Luchi at Vina.
  
  
   
"Oo kakaalis lang, buti na lang hindi ka niya napansin na hindi ka nakikinig sa kanya."
Sabi ni Vina.
  
  
  
"Ano ba kasi yang iniisip mo? Tungkol na naman ba yan sa mga sinabi ng Tito mo sayo?" tanong ni Luchi.
 
  
  
Tumango ako, naikwento ko na kasi sa kanila na ngayon ko lang nalaman na may powers ako.
 
  
  

"Tara pumunta muna tayo sa canteen at doon natin yan pag-uusapan habang kumakain."
  
  
  

"Ayoko Vina, may mga mind reader doon."
   
   
  
  
  
"Ano naman?"
 
  
  
  
"Vina mababasa nila ang mga isip natin."
sagot ni Luchi.
 
  
  

"Ay Oo nga pala, sorry."
 
  
  
  
Lumabas na kami sa kwarto, napagkasunduan namin na kukuha lang kami ng pagkain sa canteen tapos doon kami kakain sa field ng school, unti lang kasi ang mga student na pumupunta doon at kung meyroon man, madalas mga Air sorcerer ang mga nandoon.
  
  
  
Habang nakapila kami sa counter ay hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng grupo ng mga lalake na parang mga water sorcerer.
 
  
  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DARK FATEWhere stories live. Discover now