Chapter 4: The Fire Sorcerer

8 0 0
                                    

KRIIIINNNG!!! KKRRIIIING!!! KKRIIIINNNG!!

6:30 AM

KRRRIIING!!! KRRINN...
pinatay niya ang alarm, at umikot sa higaan para matulog.

"Aaah.. maaga pa 8:00 pa pasok ko." bulong niya sa sarili.

TIKTOK.. TIKTOK.. TIKTOK..

7:30 AM

"SH*T!! Late na ko!"

Pagkakita sa orasan ng phone, ay agad na siyang tumayo para maligo. Pagkatapos ay nagmadaling na siyang magbihis dahil 7:40 na.

"KROO.. KROOO.." huni ng alaga niyang ibon na parang nagpapaalam sa kanya.

"Alis na ko Kokoro, sumunod ka na lang sa school kung gusto mo."

"Kroo.. krooo.." sabay pinagpag niya ang kanyang pakpak.


----Charlie point of view----

Late na naman ako, magagalit na naman si Mr. Galuyo sakin. Bakit kasi hindi ako bumangon sa unang alarm.
TSK!

"CHAR--LIIII!!"

Ha? Sino yun?

"Late ka na naman! Tara na! sabay kana sa akin."

Late na naman? Parang siya hindi late.

"Pero bago tayo pumunta ng school bumili muna tayo ng kape."

"KAPE? Late na nga tayo naisipan mo pang bumili ng kape?"
Haay, galing kasi sa mayamang pamilya si Harold nag-iisang lalakeng apo kaya paburito ng lolo.

"Oo pre, kesa naman late na nga ako makakatulog pa ko sa klasse, ang sama ko naman kapag ganun. Wag kang mag-alala bibilisan ko na lang. Trust me!"

TRUST ME? Kapag nagtiwala ako dito baka mapaaga pagkamatay ko.



---Fast Forward---


"WOOOOH!" sigaw niya habang tuwang-tuwang pipalipad ang sasakyan sa kalsada.
Satingin ng iba ay humaharurot lang kami sa kalsada. Pero ang totoo ay lumilipad kami, mga 5 inches lang naman ang inangat ng sasakyan mula sa lupa kaya hindi ito masyadong halata.

Madali lang iyong gawin para sa kagaya niyang air sorcerer, pero sa kagaya kung fire sorcerer, haay kung hindi ko lang siya kaibigan baka kanina pa lumiyab ang kotse niya.

"Dito na tayo! ooh! 8:10 pa lang my 5 minutes pang grace period tara na baka i-absent na tayo."

Gumagalaw ang lupa, nahihilo ako.. ahh!! dapat di na lang ako sumabay, Aaahss!

"Ooh, anong nangyare sayo Charls?"

"Wala naman nagpapangap lang akong laseng."

"Ha? bakit?"

"Alam mo bang sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi tayo nalate kahit nagkape kapa. Bilib na bilib ako sayo, ang galing mong magpalipad ng sasakyan, sana inihagis mo na lang ako papunta dito. Isang hagis na diretsyo mo lang sakin naandito na ko, kesa yung paliparin mo yung sasakyan mo, dinaig pa ang pinakamagandang roller coaster sa mundo."

"HAHAHAHA! Hindi ka pa ba nasanay, ilang beses na natin itong ginagawa."

"Tumabitabi ka nga muna, kung ayaw mong makakitang lumiyab yang sasakyan mo."

"HAHAHAHAHA! Gusto mo ihatid na kita sa room niyo. 1minute charls."

"NO THANKS!"

DARK FATEWhere stories live. Discover now