CHAPTER THREE ..

6.4K 76 2
                                    

eto nanaman yung epal na si Ryu .


“ano? Gusto nyo bang mag mumog ng ngipen huh?” hamon ni Tricia.

Hindi na sumagot yung mga babae at, tumakbo na paalis ng bar .

“anong klaseng mga babae ba kayo?, ang lalakas niyo naman, ikaw Tricia, sinuntok mo pa ako” sermon ni Ryu habang pinapakita sa kanila yung pasa niya na nasuntok ni Tricia.

“paharang harang ka kasi samen, yan napala mo.” Sagot naman ni Tricia habang nakataas ang paa sa table.

“kung hindi ka lang sana umawat hindi ka mag kakapasa” dagdag ni Blaire.

“tsaka, umiinit palang yung laban namen , nung dumating ka”

“wah!! Grabe talaga kayo , sige maiwan ko na kayo diyan.” Sabi ni Ryu.

Hindi pa nakakalayo si Ryu nung tinawag siya ni Tricia.

“hoy!! San ka pupunta?”

“uuwi na po ako”

“huh, ganyan kaba mag alaga ng girlfriend mo?”

 nagulat si Ryu sa sinabi ni Tricia, “huh? Girlfriend?”

“oo, diba? Yug nangyari kanina? , kung ayaw mo edi tatawagan ko na lang yung ex mo at sabihin na hindi talaga tayo mag boyfriend, at para habul habulin ka niya ulit.”

“aish, sige na, ano ba gusto mo ?” napipilitang tanong ni Ryu.

“iinom pa kame nila Blaire, gusto ko pag nalasing na kame, ikaw ang maghatid sa bahay namen”

“ano?! Siryoso kaba?, gagawi mo akong alalay dahil lang sa lasing kayo?”

“ayaw mo?, sige” kinuha niya yung cellphone niya at tinignan si Ryu.

“oo na sige na , payag na ako sa gusto mong mangyari”

“ok , waiter , isang case pa dito ” sigaw ni Yuri.

Ryu’s pov

Hay , ano nanaman ba tong pinasok ko?, na trap pa ako dito sa BAD SISTERS na toh, tsk, parang mga hindi babae kung makipag suntukan , at mag inuman . halos 2 hours akong nakatanga dito sa kanila at pinapanood silang nag iinom. Hmmm , buti naman at tapos na sila , at nagsawa narin sa awa ng diyos. Si Blaire lasing na lasing , si Yuri din , eto namang si Tricia , parang hindi tinablan ng alak, naka upo lang at mukhang malalim ang iniisip.

“ ihatid na natin sila” sabi ni Tricia.

THE CAMPUS GANGSTERSWhere stories live. Discover now