Chapter 3

12.9K 495 31
                                    

"Paalam mga Masters, sana hindi niyo ko makalimutan." Yumuko ako sa kanilang lahat bilang paalam.

"Paalam Rain mag-ingat ka doon huh?" Ngumiti ako at tumango. Wala na yatang natirang luha ang mga mata ko. Naubos na lahat kagabi, kitang-kita ang kalungkutan sa mga mukha nila. Aalis na ‘yung batang pinalaki nila.

Isa-isa nila akong niyakap nang mahigpit bago ako nagsimulang humakbang para sumakay na sa bangkang maghahatid sa 'kin sa bayan.

Hindi na sumama si Master sa mga naghatid sakin. Ayaw niya raw kasing makitang aalis na ako dito sa isla. Baliw din talaga ang matandang 'yun. Siya nga itong nagdisisyon nito.

"Tara na po Ma'am para hindi kayo malate," tumango ako kay manong at saka nilingon ulit ang kabuoan ng Green island sa huling pagkakataon. Hindi ako makapaniwalang aalis na talaga ako dito, ang lugar kung saan ako lumaki at nagkaisip.

"Sige manong, alis na tayo." Sasakay pa lang ako nang makarinig ako nang malakas na sigawan.

"Lady Master!" Napangiti ako pagkakita sa mga trainees ko at kay Greiy ang nag-iisang naging bestfriend ko dito sa isla. Agad nila akong sinalubong nang mahigpit na yakap.

"Ang daya mo Lady Master! Aalis ka na pala!"

"Huwag ka na pong umalis!"

"Malulungkot kami!" Ngumiti ako at tumingin kay Greiy. Nakamasid lang naman siya sa amin. As usual, parang robot na naman.

"Hindi pwede eh, kailangang-kailangan talagang umalis ni Lady Master. Huwag na kayong umiyak babalik din naman ako rito. Kaya dapat magsanay kayo nang mabuti, para pagbalik ko may gold belt na kayo." Nakangiting bilin ko sa kanila at ginulo ang mga buhok. Mahigpit ang yakap nila sakin.

"Opo! Pagbubutihin namin sa training para malalakas na kami pagbalik mo."

"Ganyan nga! Promise?"

"Promise!" Ngumiti ako sa kanila at isa-isa silang niyakap. Saka ako lumapit kay Greiy.

"Ano magpapaalam ka rin sa akin? Magdradrama?" Ngumisi lang siya sa akin.

"Tsk, ipinabibigay ni Great Master." Aba't suplado talaga. Tinanggap ko nalang ang isang makapal na sobre.

"Wala ka talagang balak magpaalam 'no?" Nang-uuyam kong tanong sa kaniya.

"Bye Ulan." Walang kabuhay-buhay niyang sabi. Sinimangutan ko lang siya at saka ako tumalikod para sumakay na sana sa bangka nang bigla niya akong hinatak sabay yakap nang mahigpit.

"Rain, always be safe. Don't ever involve yourself in any trouble and remember stay away with boys get it?" Wala sa sariling napatango na lang ako.

"Good!" Ginulo niya pa ang buhok ko.

"Bye abo! Ingatan mo si Master!" Ngumiti siya at gumanti rin nang kaway sakin.

Kaway lang ako nang kaway sa kanila habang papalayo ang bangka hanggang sa tuluyan ko na silang hindi matanaw. Hays! This is it Rain! Kaya mo 'to.

Goodbye Green Island. I promise I will be a better person when I comeback.
Hindi ko maiwasang hindi mamangha pagkababa ko sa isla. Ang daming mga bagay na dating sa magazine at libro ko lang nakikita noon. Agad akong pumara ng taxi para ihatid ako sa airport.

I am going to the Philippines. Ang Green Island kasi ay islang nasa pagitan ng Taiwan and Philippines. This is a hidden island that only few knows. Even in the map, it is nowhere to be found.

Isang oras pa naman bago ang flight ko kaya naisipan kong maglibot-libot muna. Para akong timang na ang laki ng ngiti habang pinagmamasdan ang bawat bagay na bago sa paningin ko. Mga high-tech na bagay na dating sa laptop ko lang nakikita. Kumuha muna ako ng mga ilang pictures.

"Calling all the passengers going to Philippines with flight 7am please be ready." Agad kong hinawakan ang maleta ko at dali-daling tumakbo. Naenjoy ko kasi masyadong maglibot-libot.

"Thanks god!" Parang nabunutan ako ng tinik pagkaupo ko sa eroplano. Muntik na talaga akong maiwanan. Tinanaw ko lang ang labas ng eroplano. Ang ganda, hanggang ngayon hindi pa rin maproseso ng utak ko na talagang nakasakay ako ngayon dito.

Bigla namang pumasok sa utak ko 'yung binigay ni Greiy na sobre sa 'kin galing kay Master. Ano kayang laman ‘non? Mabuksan nga muna.

Hinalungkat ko ang bag ko at saka hinanap. Agad akong napangiti pagkakita, hand writing nga ito ni Master pero bakit may ganito?

May kasama kasing malilit na pirasong tela. Hayaan na nga babasahin ko muna itong sulat ni Master.

Dear Rain,

I know you're sad that you're now gonna leave the place where you grow up. I'm sorry because I can't even say goodbye. You're my favorite student since then. I taught you everything I've known because I have this feeling that your'e not ordinary, that you need it so much. I just wish you find your own self as you go with your journey. For the last time, I have the three great rules that you need to remember always.

First: "Control your temper" alam kong padalos-dalos ka na minsan hindi mo na naiisip kung anong pwedeng maging resulta kaya sana pilitin mo itong kontrolin hanggang kaya mo.

Second:"Don't show your strength" kung pwede magpanggap kang mahina. Mas maproprotektahan mo ang sarili mo kung gagawin mo ito. Iwasan mo ang gulo, at huwag ikaw mismo ang lumapit dito.

Third:"Protect your heart" alam kong inosente ka pa at wala ka palang alam dito pero ayaw kitang masaktan. Ito lang ang masasabi ko protektahan mo ang puso mo sa sino man dahil kahit gaano kalakas ang katawan kung nasugatan ang puso babagsak ka ng tuluyan.

I wish you keep in mind all what I've said.

Loving you always,
Grand Master

Pinunasan ko ang mga luha ko. Hindi ko napansing kanina pa pala ako umiiyak. Shit! Bakit kasi ganun si Master? Parang gusto ko tuloy bumalik sa isla.

I promise I will seek answers.

***

PLS. VOTE, COMMENT, SHARE

Shels<3

The Four Guys from Hell  Where stories live. Discover now