Chapter 5

12.1K 466 26
                                    

Dwight POV

Napatigil kami sa paglalakad ng may sumigaw. Kasabay ng paglingon namin ang pagkahagis ng isang kahoy. Hindi ko maalis ang tingin ko sa babaeng nakacap. Sayang at hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya.

I examined her body features. Maputi, matangkad, cocacola shape, short hair. Mukhang may laban siya sa mga flavor of the week ko. Pwede!

Nanlaki ang mata ko ng pigilan niya ang atake ng mga studyante. The heck! its the first time that I want to stop the students. Para lang siyang naglalaro sa kakaiwas at salag sa mga atake nila. Is she a gangster? this girl is mysterious.

Inayos niya ang cap niya ng nagsibagsakan na lahat ng mga ginamit nila sa paglaban sa kaniya. Shit! sobrang astig niya.

Tinulungan niya yung babaeng nakatapon ng juice sa damit ni Zero. Diretso lang siyang naglakad na parang hindi kami nakikita. Nang palampas na siya samin hindi ko napigilan ang sarili ko para sana hablutin ang cap niya pero ang bilis ng pangyayari naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko.

***

Rain POV

"Ituro mo sa akin kung saan ang clinic at dadalhin kita dun." Nilingon ko siya ng hindi pa rin siya nagsasalita. Hay mukhang gulat parin siya sa nangyari. Lalo na nung binalibag ko yung isang lalaki. Reflexes ko lang naman yun hindi ko naman sinasadya bigla ba naman kasing sumugod sa likod ko. Kasalanan na niya. Siguradong masakit katawan nun ngayon, hindi ko na kasalanan yun.

"Diyan, liko ka pakanan." Naituro niya pa ito bago siya nawalan ng malay. Hinayaan ko nalang hindi na kasi kinaya ng katawan niya. Pagdating namin hindi ko napigilan mamangha. Ang ganda kasi at ang sosyal.

Agad namang lumapit samin yung nurse.

"What happened Miss?"

"She's been bullied by the students," simpleng sagot ko. Gulat naman siyang napatingin sakin. Tinitigan niya pa akong mabuti. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kaniya.

"Wow! you're the first student here that save someone bullied by the authority of F.G.H."

"Huh? Impossible?" sobrang manghang-mangha kasi siya sakin.

"You're really the first. Every students here never involve their self to what F.G.H victim. They never help."

"What's F.G.H mean?" kanina ko pa kasi yan naririnig hindi
ko naman alam kung anong meaning nun.

"Hindi mo talaga sila kilala Miss?" hindi makapaniwalang nakatingin siya sakin.

"Bakit artista po ba sila?" napatawa naman siya.

"You really don't know them. They are the famous boy band here in the Philippines. And much more they are the heir of the different richest families in Asia" napanganga ako.

"Talaga po? edi patay ako." Naaawang tumingin naman siya sa akin.

"Talagang patay ka." Tumingin ako sa relos ko. Lagot ako.

"Late na po ako sa klase ko pakibantayan nalang po siya."

"Teka!" hindi na'ko lumingon pa at kumaripas na ako ng takbo. Shit! late na'ko.

Hingal na hingal ako pagdating sa room ko. Buti nalang mabilis kong nahanap.

Pinunasan ko muna ang pawis ko saka ako kumatok. Shit! nakalimutan ko pa yung sombrero ko. Siguro babalikan ko nalang mamaya.

"Yes Miss?"

"I'm sorry if I'm late Ma'am." Napayuko ako.

"Oh, so you're the new student."

The Four Guys from Hell  حيث تعيش القصص. اكتشف الآن