[5]

505 25 5
                                    

Ji Won's POV

Omayghad. Dongsaeng?

"Mei! Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit ako tinatanong mo niyan, Kuya? Diba dapat... Siya?" Tinuro niya ako. Aba. Ibang klase ang isang 'to.

"Wag ka nga. Kararating mo lang inaaway mo na ang Noona namin." Pagtataray ni Seungkwan doon kay Mei. Hohoho. May kakampi ako :P Kala niya ha.

"Noona? Anong Noona?! Hindi ako papayag!" She exclaimed at dire-diretsong pumasok sa dorm. Bwisit na bubwit 'to. Walang manners!

At anong di siya papayag? As if naman na may magagawa siya 'no? -.-

Wala siyang magagawa dahil ako talaga ang Noona nila. Hello, ako kaya ang pinakamatanda sa kanila. Except nga lang kay Seungcheol.

"Noona, pag pasensyahan mo na yang kapatid ko. Spoiled brat kasi yan eh." Sabi ni Dino. Oo, kapatid niya yung babaitang walang manners.

"It's okay, I'll know her better." Sabi ko na lang. Dumating na din yung Pizza kaya pumunta na lahat sa dining. Uupo na sana ako sa pwesto ko kanina which is sa kabilang dulo ng table kaso may nauna sakin.

"Diyan si Noona uy." Sita ni Dino sa kapatid. Pero hindi lang siya pinansin nito.

"I'm fine here. Kumain na kayo." Sabi ko sa kanila at kumuha ng isang slice ng Pizza. Di ko na lang papatulan yung bata, baka biglang umiyak eh HAHAHAHA isumbong pa ako sa Nanay nila xD

Matapos kumain ng lahat ay ako na ang naglinis ng mga kalat sa lamesa. Pagkatapos kong mag imis ay pinuntahan ko yung mga bagahe ko sa living room. Nadatnan ko si Hoshi, The8, Jun, at Vernon na nanonood ng TV. Tapos si Wonwoo nasa isang gilid lang at may binabasang libro. Bookworm pala ang isang 'to.

"Nasaan yung iba?" Tanong ko.

"Si Jeonghan Hyung sabi matutulog daw. Si Seungkwan at Seokmin nasa kwarto din nila. Tapos si Dino kinakausap si Mei." Sabi ni Hoshi na hindi inaalis ang tingin sa TV. Lupet ng batang 'to ha.

"Eh si Mingyu, Joshua at Seungcheol?" Tanong ko.

"Si Mingyuling, naglilinis ng kwarto. Si Joshua hyung baka nagpapahinga din tapos si Coups hyung, nasa banyo." Sabi naman ni Jun.

"Ay, si Woozi? Nasaan?"

"Baka nag co-compose, Noona." Si Minghao naman ang sumagot sakin ngayon. Tumango na lang ako at nagpatulong dalhin yung mga bagahe sa kung saan mang lupalop yung kwarto ko.

"Sige, ok na ako dito. Balik na kayo sa baba." Sabi ko sa kanilang tatlo. Si Wonwoo di ko na inistorbo baka kasi ibato sakin yung librong hawak niya. Ang kapal pa naman nun xD

"Take a rest, Noona~" sabi nilang tatlo at umalis na.

Inayos ko na yung mga gamit ko at nagpalit na ng damit. Nawala na bigla yung pagod ko eh. Ayoko naman pilitin sarili ko na matulog.

Ah! Alam ko na!

Kinuha ko yung phone ko at brinowse sa web ang official profile ng seventeen.

Binasa ko lahat ng content nun at syempre madami akong nalaman tungkol sa mga ugok. Nakakatuwa yung mga characteristics nila. At may loveteams pa xD

"Nagugutom ako!"

Ehhh. Kasi naman hindi ako nakakain ng maayos kanina dahil sa Mei na yun. Jusq, sana naman mapagsabihan siya ng maayos ni Baby Dino.

Lumabas ako ng kwarto at may narinig na nagbabangayan. Aso't Pusa.

Bumaba ako at nadatnan si Seungkwan at Mei na nagsisigawan. Anong problema?

"TONGEK KA BA?! PINAGHIRAPAN KONG ILUTO YAN TAPOS KUKUNIN MO LANG?!" Feeling ko puputok na yung ugat ni Seungkwan sa leeg.

"HOTDOG LANG 'TO!!! AT TSAKA GUTOM AKO EH!" Pabalik na sigaw ni Mei.

Napansin kong nakapalibot din yung ibang members pero walang pumipigil sa kanila. Aba't talaga nga naman. Takot sila sa dalawang yan?!

"KASALANAN KO BANG HINDI KA MARUNONG MAG PRITO NG HOTDOG?! IGNORANTE! INUTIL!!"

Bago pa lumala yung sitwasyon eh nagsalita na ako.

"Kayong dalawa, titigil kayo o ano?" Seryoso kong sabi. Napatingin naman silang dalawa sakin.

"Noona, kasala--" pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"I don't need any explanation. Magsi-akyat kayo sa mga kwarto niyo." Sabi ko pero nanatili lang silang nakatayo doon. Si Seungkwan nakayuko lang pero si Mei irap ng irap.

"Gusto mong dukutin ko yang mata mo?" Sabi ko sa kaniya. Umirap pa siya ulit at tuluyan nang umakyat. What a brat.

"Seungkwan, akyat na." Sabi ko.

Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod at hinawakan yung tuhod ko. Hala?

"Noona! Huhuhu. Sorry na, Noona. Wag mo akong paluin huhu." Tae ang drama ng baboy na 'to -.- Hindi naman ako ganon. Ano siya 7 years old na baboy--- este bata?

"Hayss. Di ko gagawin yun. Tayo na diyan." Sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

"Ang iyakin mo naman, Kwan." Nang asar pa 'tong si DK. Tsinelasin ko kaya 'tong kabayo na 'to?

"Anong nangyari, bakit naiyak si Seungkwan?" Napatingin kami lahat kay Seungcheol na nagpupunas ng buhok.

Oh. My. God.

Bakit ang hot niya sa paningin ko?! No, Oppa! Don't me!

Myghad. Ang landi na naman ng utak ko! Erase erase!

"Nag away sila ni Mei." Sabi ko at tumalikod para pumuntang kusina. Pero bago pa man ako makalayo ay narinig kong may sinabi si Seungcheol.

"Binibigyan niyo na agad ng sakit ng ulo si Ji Won."

What can I do? Ito ang trabaho ko eh. Wala akong choice.

Hays, never mind na nga lang. At dahil nag away si Seungkwan at Mei, ipagluluto ko silang lahat ng hotdog. Para fair lahat.

SEVENTEEN's NOONA (Seventeen Fanfiction)Where stories live. Discover now