Chapter 33

1K 18 0
                                    

Retrograde | Chapter 33

Nagmadali akong mag-impake ng damit. Sabi niya mag-hapon lang naman daw  kami pero mas mabuti na yung handa. Daldalhin ko nalang yung kotse dahil hindi ko alam ang sakayan patungo roon.

Tulog pa sila Mama nang bumaba ako, binilin ko nalang kay Manang na maaga ang pasok ko ngayon. Siya nalang daw ang magsasabi sa kanila. Dumiretso na ako sa sasakyan at nagmadali nang mag-drive.

Kinakabahan ako dahil baka hindi na siya tumuloy at masayang lang ang byahe. But most importantly, I may not see him again. Maybe I will, doon pa rin naman ako pumapasok pero baka iba na ang trato niya sa akin.

Kinumbinsi ko siya kahapon pero wala na siyang kibo at nginitian niya lang ako at tuluyan na siyang umalis. Binilisan ko na ang pagmamaneho dahil baka mahuli ako at hindi ko na siya maabutan doon.

Narinig ko ang ang pagtunog ng aking phone mula sa loob ng aking dalang bag. Kinuha ko iyon nang naging pula ang stoplight. Zeph is calling me. Once again, ang aga-aga niyang tumawag.

I turned on the loud speaker before focusing on the road again. Walang nagsalita sa amin. Hinihintay ko siyang sumagot tutal siya naman ang unang tumawag.

"Everee..."

His tone was cold and snobbish.

"Yup? Ang aga pa, Zeph," puna ko sabay tingin sa orasan. Six fifteen na, shit kailangan ko siyang maabutan.

"Sorry. Nagising ba kita?"

"Nope, I'm actually driving," sabi ko. What's the point of hiding? Alam na naman niya lahat. I can picture his confused face right now.

"Bakit? Saan punta mo?"

Alam niyang masyado pang maaga para umalis ako papuntang trabaho. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela, here goes nothing...

"Sa Ilocos."

He sighed, "Wag mong sabihing..."

How do I explain this? Na kailangan ko siyang habulin at pigilan? I might sound stupid. "Bakasyon lang naman, tsaka babalik din ako mamaya."

"Alam ba ng parents mo?"

"Zeph, I'm twenty five, hindi na nila kailangang malaman lahat ng bahagi ng buhay ko. Besides, tingin mo ba papayagan nila ako?"

"Everee, please naman, wag mo nang dagdagan pa ang mga kasalanan mo sa kanila."

"I'm not! This is me deciding for myself. Wala namang masama sa pagbabakasyon 'di ba?"

"Bakasyon? Talaga lang ha?"

Hindi ko napansing nag-stop na pala kaya agad kong inapakan ang break dahilan para ma-tulak ako paharap. Sinapo ko ang aking dibdib sa kaba. Galit kong kinuha ang phone mula sa dashboard at nilapit ito sa aking bibig.

"Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa atin, he didn't want to cause drama so he's willing to give way. So can you please atleast man up like him, Zeph? The world doesn't revolve around you!"

Binaba ko na agad ang tawag. Ugh! I'm so pissed! Bakit ba siya ganun? Ang sama sama na ba ng tingin niya sa akin? Siya nga 'tong pinapapili ako. How childish!

Umiling nalang ako at binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Matapos ang tatlumpung minuto, malapit na rin ako sa Sangley. I tried calling Sander again but his phone is turned off.

Nag-park na ako at nagmadaling lumabas sa sasakyan habang dala-dala ang aking bag. Pawis na pawis na ako dahil tinakbo ko pa mula parking lot hanggang sa may makita akong lalaki na pwedeng pag-tanungan.

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now