Chapter 40

996 18 0
                                    

Retrograde | Chapter 40

"Wait lang ha! Give me a minute to comprehend everything." Dinikit ko ang tenga ko sa dingding para mas marinig pa sila. Kakagising ko lang kaya dapat didiretso na ako sa labas nang makarinig ako ng pamilyar na mga boses. Kanina pa nga ako nag-titiis na dumikit dito eh.

Sobrang sakit ng ulo ko, wala na kong maalala sa mga nangyari kagabi. Ang alam ko lang, nagpaka-lasing ako kasama si Zeph. Medyo hilo pa kong bumangon pero nakilala ko agad kung sino ang nasa labas. It's Sierra and Zeph.

"Gosh! Why is life so complicated? Di ko naman inasahang aabot sa ganito yan. Edi sanaㅡ"

"Edi sana pinigilan mo? I knew it! Alam mo rin itong lahat, at ikaw pa siguro ang nagkunsinti. Sierra naman kasi! You promised me you'll take care of her." Di ko na napigilan na buksan ang pinto, gumawa ako ng maliit na uwang para lang makita sila. They're arguing.

"Excuse me? Yes, I know all of it! Pero wala naman atang masama roon. I just supported her, Zeph. At inilagaan ko siyang mabuti, fyi!" Mataray na nakahalukipkip si Sierra habang nag-papaliwanag. Zeph undeniably looks frustrated. "Hinayaan mo siya sa Sander na yun?"

"Look, wala namang masama dun ah! Tinulungan lang siya ni San, kaya bakit naman ako kokontra?" His jaw clenched, he's trying hard to control his temper. Humigpit ang hawak ko sa doorknob. Ito ang dinulot ng mga ginawa ko. Everything is falling apart.

"Yun na nga yung point! Dapat una pa lang, noong nago-offer pa lang ng tulong, pinigilan mo na," pagalit ni Zeph.

"Duh? I don't have anything against Sander so why should I? Kung ukol to sa cheating part, then fine, baka nga may pagkukulang ako. Eh malay ko ba namang wala na pala yung girl!"

Minsan ko nang na-kwento yung pagkamatay ni Kylene kay Sier, pag-tapos naming pumunta sa cemetery ay siya agad ang pinagsabihan ko.

"Tignan mo ang nangyayari ngayon! Everything is shit!" reklamo ni Zeph at sinipa ang isang foot rest. Sierra remained unfazed. "Naging shit lang naman simula noong umalis ka..."

"So ako na yung sinisisi mo ganun?"

"No, just stating a fact." Alam kong nag-kakainisan na sila. Pareho silang matapang, may strong personality. Kaya wala talagang magpapatalo sa dalawang ito. "Don't blame it on me, Sier. Nasa inyo yun, kung sinabi nyo agad sa akin. Sana napigilan ko pa. Sana hindi na umabot sa ganito."

"C'mon, Zeph! Don't use that excuse against us. Oo, tinago namin. But he's harmless!"

"Harmless? Pagtapos ng lahat nang sinabi ko sayo yun ba yung meaning harmless?" Pinanliitan niya ng mata si Sierra. Malamang pagod siya sa byahe pero kinailangan niya pang makipag-sagutan ng ganito. What's happening? We're all friends here.

"Does he look like a drug addict to you?" Sierra protested. Like what I explained before, Sier knows San as much as I know him. Kaya malaki rin siguro ang tiwala niya rito. "I don't know, people change..."

"Tama na. Tama na please."

Sabay silang lumingon sa akin, halos matunaw sa pag-aalala ang mukha ni Sier nang makita niya ako. Tumakbo siya palapit at niyakap ako. "Please guys. Ayokong masira rin ang tanging maayos na bagay sa buhay ko ngayon."

Tinakwil na ako nila mama, pinaalis na nila ako sa bahay. Yung trabaho ko, nag-resign na rin ako roon. Kay Sander, wala pa akong lakas ng loob na kausapin siya. This is the only thing I haveㅡmy friends.

"Shh, sorry Eve. Okay ka lang ba? Zeph told me everything," puno ng pag-aalala ang boses niya. Tumango ako at tinignan naman si Zeph. Naka-yuko siya, nahihiya rin sa nangyari.

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now