Chapter 49

1K 14 0
                                    

Retrograde | Chapter 49

Hinahabol ko ang aking hininga pagkalabas na pagkalabas ko ng taxi. Dumiretso ako sa departure area na ngayon ay punong-puno ng tao. Dahil siguro December at maraming aalis o babalik ng bansa. Nakakabangga na nga ako ng ilang mga pasahero nang dahil sa pagmamadali.

Napahinto ako nang harangin ako ng guard. Bawal nga palang pumasok ang walang passport at ticket. Kinuha ko ang aking phone para subukang tawagan si Papa. Cannot be reached, patay ba ang phone nya?

"Please po Manong guard, kailangan ko po talagang maabutan yung Papa ko. Kahit saglit lang," pakiusap ko. Umiling lang ang guard at sinabing hindi raw talaga ako pwedeng pumasok sa loob.

Nakasimangot kong pinapanood ang mga byaherong pumapasok sa terminal. I should've bought a ticket! Para kahit papaano ay makapasok ako rito. Mabigat ang paghinga ko dahil sa pagkadismaya. As much as I want to call him and convince him not to go, I know how important this project is. And it's not like I could even contact him!

"Excuse me, miss?" May lumapit sa aking pilotoㅡassuming he is a pilot since he's wearing a uniform. Nag-angat ako ng tingin. Ito yung piloto sa may Sangley! Nanlaki ang mga mata ko, "Sir Axel, right?"

He nodded, "Yup. Namukhaan kasi kita. Naalala kong ikaw yung girl na tumatakbo sa may runway. I just wanted to say hi, sorry for bothering you."

Lumiwanag ang mukha mo, baka matulungan niya ako. Pwedeng magpasok ng tao rito ang piloto. Yun yung ginawa sa akin ni Sander dati nang paalis si Sier. "It's fine. Actually, if you don't mind Sir, I want to ask for a simple favor."

Sinuot niya ang kanyang cap, "Sure. Ano yun?" Napangiti ako dahil sa pag-asang makakapasok ako sa loob. Bumuntong-hininga ako, "Pwede nyo po ba akong papasukin sa loob ng terminal? Hinahabol ko po kasi yung Papa ko, alis niya po ngayon. Di pa ako nakakapagpaalam. Please, Sir."

Ngumisi lang siya, "Yun lang pala eh. Ofcourse, c'mon I'll help you."

Tinulungan niya na nga akong makapasok sa loob. Ngiting-ngiti ako dahil atleast maabutan ko na si Papa. Papasok na rin pala sya kaya sabay nalang kaming naglakad. Tinuro nya rin sa akin kung saan yung departure gate ng flight na hinahanap ko.

"What's with you always running after people?" he joked. Napangisi ako, coincidentally ganun ang lagi nyang naabutan sa akin. Tumawa nalang ako at hindi na sumagot. Di ko rin naman alam kung bakit.

"Sander is an excellent pilot, you know. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya nag-resign." Nanlaki ang mata ko. Sander resigned? Well, I don't know the regulations with aviation. Baka dahil sa mga hearing nya. "I'm certain that he could've easily passed for an early captaincy. Alam mo ba kung bakit siya nag-resign? You're his friend, right?"

Tumango ako, "Opo pero hindi ko sigurado kung bakit siya nag-resign." Kahit alam ko naman, ayoko lang ipagsabi ang mga nangyayari sa kanya. Miski nga sa akin ay matagal nya yung tinago.

"Oh by the way, kung gusto mong mag-out of town or even visit nearby countries like Singapore and Taiwan, you could always charter a plane from us," he offered. That would be so cool. But I don't think I could afford such luxury. Lalo na kung ako lang naman mag-isa.

"I don't think I can afford that," biro ko at tumawa nalang. Kumunot ang noo niya at tinaas ang kanyang palad para humindi. "No, actually, Sander paid for your expenses. Pwede mong isama ang pamilya mo, kahit saan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sander paid for me? For a private plane ride? He is so unexpected. I think my mouth was left open for a couple of minutes.

"Totoo po?"

"Ofcourse. Oh, he even made a special request to let you always ride in the cockpit if you want to," aniya. Nakakatawa na siguro ang gulat na gulat kong ekspresyon. Sino ba naman kasi ang hindi?

Retrograde (Completed)Where stories live. Discover now