TZUYU'S POV :Nagawa naming malaman kung saan ang filming location ni Dahyun sa tulong ni Sadness Unnie . Itinext namin siya at sinabi naman niya kung saan kaya nang dumating kami nagulat si Dahyun.
Nawawala siya sa focus kaya naman ini-cheer namin siya . Mukhang effective naman . Nang matapos ang filming para sa ngayong araw , Niyakag siya ni Eunwoo na magcoffee . Aba ! Mukhang may pumo-porma sa Dubu Baby ko . Kung wala kaya ako dito , Sasama kaya siya kay Eunwoo magcoffee ? . Mabuti naman kasi di siya sumama kay Eunwoo . Akala ko ayos na kami , Yun pala lalayuan na naman niya ko .
Iniwanan niya kami . Nagtaxi siya . Saan naman siya pupunta ?! . Nilapitan kami ni Sadness Unnie .
"Nasaan si Dahyun ?" Tanong niya.
"Umalis na . Nakasakay sa Taxi" Sagot ni Jihyo Unnie.
"Huh ?! Bakit nandito pa kayo ? Di niya kayo isinama ? Teka nga , May problema ba ?" Tanong niya.
"Wala naman , Unnie . Nagmamadali siya eh . Baka pagod lang" Sagot ni Jihyo Unnie.
"Ganun ? Sige . Mauna na rin ako . Sasabay ba kayo ?" Tanong niya samin.
"Di na kailangan , Unnie . Wait ! Saan ba tumutuloy si Dahyun ngayon ?" Tanong ko.
"Di niyo alam ? Di niya sinabi sa inyo ? Magkakaaway ba kayo ?" Tanong niya samin.
"No , Unnie . Nakalimutan naming tanungin eh" Sagot ko.
"Di niya sinabi ? Sa hotel siya ngayon nakatira . Sabi niya para malapit sa Filming Location" Sagot niya samin.
"Unnie , Pwedeng dalhin mo kami dun ?" Tanong ko.
"Oh Sige , Halika na . Sumakay na kayo sa Van" Sagot niya kaya nagmadali na kami .
Nang dumating sa Hotel , Nabigyan kami ng permission na malaman ang Room niya kasi kasama namin si Manager Unnie .
Nagmadali na kaming pumunta sa Room niya . Agad nang kinatok ni Manager Sadness Unnie ang pintuan .
"Dahyun , Si Sadness Unnie mo 'to" Sabi ni Sadness Unnie.
"Ano na naman , Unnie ?" Tanong ni Dahyun sabay bukas ng pintuan. Nagulat siya nang makita kami ni Jihyo Unnie .
"Ihinatid ko lang sila" Sagot ni Sadness Unnie sa kanya.
"Annyeong Dahyun ~ Paano ba yan ? May gagawin pa pala ko . Tara na , Sadness Unnie . Si Tzu na lang muna ang sasama diyan kay Dubu" Sabi ni Jihyo Unnie kay Sadness Unnie sabay hila na kay Sadness Unnie paalis .
Umalis na si Jihyo Unnie at Sadness Unnie . Naiwanan kami ni Dahyun . She looked at me seriously .
"Da...Dahyun , I'm So Sorry" Sabi ko sa kanya.
"Sorry , Madami pa kong gagawin . Bye" Sabi niya . Akma niyang sasaraduhan ang pintuan pero pinigilan ko siya . Agad akong nagpumilit na pumasok sa loob . Isinarado ko ang pintuan. Humarang ako sa pintuan kung sakaling magwo-walkout siya .
"Ano ba kasing gusto mong mangyari ?" Tanong niya.
"Gusto kong magkaayos na tayo" Sagot ko.
"Tzu , Kailangan ko ng Space!" Sambit niya.
"Pero hanggang kailan ? Namimiss na kita nang sobra-sobra . Narealized ko na yung mga pagkakamali ko . Sige , Masyado kong nagiging selosa . Masyado kitang nasasakal . Sorry na" Sabi ko sa kanya.
"Please Tzuyu , Leave me alone" Sambit niya with teary eyes .
"Dubu Baby , Please . Ayusin na natin 'to . Bumalik ka na sa dorm" Sabi ko sa kanya.
"Para Ano ? Para magkagulo ulit ? Para magsimula na naman kayong magtalo ni Sana Unnie ? Para kwestyuhin mo na naman yung nararamdaman ko para sayo ? Para pag-isipan mo na naman kami nang masama ni Sana Unnie ?" Tanong niya.
"Sorry . I'm really really Sorry" Sagot ko sabay hawak sa kamay niya .
"Pagod na pagod na kong mag-explain , Tzuyu" Naiiyak niyang sabi sakin sabay bitaw sa kamay ko.
Agad ko naman siyang niyakap nang mahigpit . Bigla na siyang umiyak habang kayakap ako . Hindi ko na rin napigilang maluha . Miss na miss ko na siya . Ayoko nang magkagulo pa kami . Ayokong dumating yung panahon na sukuan na niya ko . Ayokong mabaling sa iba yung pagmamahal niya dahil sa kabaliwan ko.
"Kim Dahyun , Nangangako akong hindi ka na pagiisipan ng masama . Hindi na kita sasakalin ng pagmamahal ko" Sambit ko.
"Tzuyu , Ayoko lang namang nagkakagulo tayong lahat . Oo , Mahal ako ni Sana Unnie . Pero , Ano ba ang mahalaga ? Yung nararamdaman niya o yung nararamdaman ko ? Kahit na mahal niya ko , Sino ba ang mahal ko ? Diba't ikaw" Umiiyak niyang sabi sakin.
"Sorry talaga , Dahyun . Hindi na mauulit . Please , Be with Me . Bumalik ka na sa dorm" Sabi ko sa kanya .
"Tzuyu , Sorry din dahil minsan naipararamdam ko din sayo yung selos . Sorry kung nasasaktan ka dahil special din yung treatment ko sa ibang members" Sabi niya.
"It's not your fault . Kahit na anong mangyari , Ikaw padin yung Dahyun na nagmamahal saming lahat" Sabi ko.
Pinunasan ko na ang luha niya . She hugged me tightly .
"Please , Bumalik ka na sa dorm" Sambit ko.
She smiled at me . Hinawakan ko siya sa kamay.
"Please" Sambit ko ulit.
"Okay , Babalik na ko sa dorm" Sabi niya kaya naman natuwa ako nang sobra.
"Yes ! I love you , Dahyun" Sabi ko sa kanya.
"I Love You Too" Sabi niya sakin sabay smile.
Inayos na namin ang gamit niya at magkasamang umalis ng dorm . Sumakay na kami ng taxi pabalik sa dorm pero bigla niyang iniba ang pupuntahan namin.
"Manong , Sa pinakamalapit na Park po" Sabi niya . I looked at her confusedly.
"Iko-continue natin yung di natin natapos" Sabi niya sabay smile. Napangiti na din ako sa kanya .
To Be Continued ......................
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
VOTE.COMMENT.SHARE
FIGHTING !
YOU ARE READING
Precious Love (WOKDH II)
FanfictionThis story is for all the people who wants Happiness , Peace , Forgiveness , Love etc. This story will teach you how to set your negative feelings away and will teach you how to give Second Chance and to forgive . Gaano mo kamahal ang taong mahal m...