Pangsiyam.

1.3K 85 3
                                    

Pangsiyam.

We rest for hours. When I woke up narealized kong ako ang huling nagising. Nagkwekwentuhan na kasi yung lima.

"Gising ka na pala!" Rona said.

"Hindi. Tulog pa!"

"Baliw." Tinawanan lang ako nito.

"Bangon na teh! Iniinvite tayis ni Angelina not Jolie sa dinner! Kaya magayos ka na!" Dyosa said.

"Pumunta dito?" Kunot-noo kong tanong at bumangon na.

"Oo. Kanina daw kinausap sila sa baba. Tas umakyat dito kanina si Logan para sabihin sa atin." Si Kat na nagsusuklay ng buhok.

Napasuklay din ako ng buhok gamit ang kamay pero napangiwi ako ng sumabit yung buhok ko. Shit! Kailangan ko ng maligo at magshampoo. Dati may pa sunsilk sunsilk smooth and manageable pa ako ngayon what is smooth? At manageable? Lol. Kapag naglugay ako at lumingon sa kanan susunod lahat ng buhok ko sa paglingon na yun. Hindi dahil sobrang ganda. Dahil sobrang tigas. Iyong may sarili silang paninindigan. Kaya kailangan ko na rin maligo.

"May tubig kaya dito?" Tanong ko.

"Meron! Naligo na nga kami eh!" Turo ni Ana sa pinto malapit sa pintuan palabas ng kwarto.

Tiningnan ko sila. Doon ko lang napansin na basa pa ang mga buhok nila.

"May damit sa mga cabinet Louie. Ikaw na lang pumili ng susuotin mo." Sabi ni Mikaela at naglakad ito papunta sa may cabinet sa kwarto at binuksan iyon. May mga damit ngang nakatupi doon.

"Kanino kaya yan?" Tanong ko habang tumatayo at lumapit doon.

"Ewan. Mukhang walang may-ari amoy bago pa eh tsaka may mga tag price pa." Pinakita sa akin ni Rona yung mga papel na maliliit.

Napatango ako at agad ng humugot ng pants at puting T-shirt. Pati new under wears na maayos pang nakalagay sa isang bag.

Agad akong pumasok sa banyo at naligo.

Natawa na lang ako ng makita ang agos ng tubig. Marumi at maitim. Kaloka.

Nang matapos nagbihis na ako at agad humarap sa salamin na naroon at nagsuklay. Natawa na lang ako ng mabungi yung dalawang ngipin ng suklay sa tigas ng buhok ko. Ang sakit pati ng anit ko.

Habang nagsusuklay o kinakalbo ang sarili buhok, ang daming nalagas na buhok eh. Tiningnan ko yung repleksyon ko sa salamin at napailing. May sariling eyebag na yung mga eyebags ko na mas malaki pa nong mga panahong nagpupuyat ako para sa school works pero shit lang ganda ko pa rin!

Nakita ko mula sa salamin ang pagpasok ni Michael na agad nagdive sa kama padapa.

"Gising na lahat?" Tanong nito.

"Hindi tulog pa." At humarap ako dito.

Bumangon ito at umupo at nilibot kami ng tingin.

"Ha? Sino pa tulog?" Takang tanong nito.

"May nakikita ka pa?"

"Wala na."

"Edi wala na! Obvius naman diba!"

"Bwisit ka!"

"Mas bwisit ka!"

"Ang baho mo!"

Humalakhak ako.

"Gago mas mabaho ka!" I flipped my newly shampooed wet hair.

"Uy naligo ka?" Tanong nito.

"Obvious ba? Naligo kami!" Tinuro ko pa sila na nag flipped hair din dito.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon