Pangtatlumpu't-apat.
Nang may magpasukang lalaki sa kulungan namin matapos ang mahabang oras. Alam ko na gabi na at tulad kahapon ipupunta ulit kami sa may cage. Mag-aabang na naman sa mga taong makakaligtas na isinabak niya sa tangina challenge chenes niya.
Napailing na lang ako ng pahirapan pa silang nakapasok dahil sa mga lefters na ikinalat nila. Ayan buti nga sa inyo kayo lang din ang nahirapan. Mga epal kayo! May paganyan ganyan pa kasi.
Nilabas ulit kami sa kulungan at dinala sa cage. Ngayon kaharap na naman namin ang cage na walang laman. Mamaya may laman na 'yan hindi ko lang sigurado kung buhay o patay tulad kahapon ang makakapasok diyan.
Napahinga na lang ako ng malalim. Alam ko kasi na isa na naman sa mga kaibigan namin ang malamang na isinabak diyan. We won't be here if hindi. Of course Angelina wants us to be sad and all negative feelings na mararamdaman. Malamang gusto ako 'non na makaramdam ng pagsisisi kaya niya ginagawa 'to. That I should be blaming myself dahil sa ginawa ko sa kanya, that I did. Pero sabi nga nila Ron I shouldn't. Kasi hindi naman talaga maibabalik ng pagsisi ko sa sarili ko ang mga buhay ng mga kaibigan naming nawala.
I'm just waiting for the people who will enter the cage. I can feel my heart beating fastly.
I just wish that whoever from our friend na isinabak diyan makaligtas.
Napatingin ako kay Rona ng hawakan nito ang kamay ko.
"Kinakabahan ako." Sabi niya.
"Bakla 'wag kang kabahan!" Tapik ni Dyosa dito.
"Hindi ko maiwasan. Paano kung si Jeremy-"
"Ano ka ba bakla! Lakas lakas ni fafa Jeremy hindi siya mapapano! Kayo nga ni Louie nakalabas there babae kayo! Si fafa pa kaya. Tyaka kung sinetch man ijoinlalo ni Angelina sa challenge chenes niya alam ko kakayanin nila. Baka hindi lang lucky me si Ana kaya ganon ang nangyari sa kanya. Basta dapat isipin natin na makekeri nila itech!"
Napatango ako at pinisil ang kamay ni Rona. Hindi ko naman kasi siya mapipigilang magalala kasi maski ako nagaalala. Pero tama naman si Dyosa kung kami nakalabas sila din oo. Mahirap yes kasi kami ni Rona nahirapan pero nakaya namin kasi dalawa kami. Kaya alam ko na hindi rin ginusto ni Ana na matapos sa ganon ang buhay niya. Alam ko lumaban siya hindi niya nga lang kinaya. Kaya sana kung sino man sa kanila ang isinabak kayanin nila. I could only pray for them to make it.
Nagulat ako ng mamatay ang ilaw. Sobrang dilim na tuloy. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkapit ni Rona sa kamay ko.
Bakit pinatay ang ilaw?
Naalala ko tuloy ng pasukin namin ang cage madilim iyon. At bumukas lang ng nasa loob na kami.
Nanlaki ang mga mata ko ng may maisip. Hindi kaya may nakaligtas? At papasok na ngayon dito?
At tama nga ako ng maaninag ko ang pagbukas ng pinto. Isang silhouette ng lalaki ang naglakad papasok pa sa cage. Kita rin na may hawak itong espada.
Sino kaya 'to?
Shit! 'Wag naman isa sa kanila please.
Pero di nasagot ang gusto ko ng bumukas ang ilaw at makilala ko ang pumasok.
"Alec." Usal ko.
"Fafa Alec!" Tili ni Dyosa. Tatayo sana ito pero pinigilan ng kuyang bantay na nasa likod nito. May mga bantay kasi kami na nasa likod namin. Bale anim kami lahat dito, ngayon pito na kabilang si Alec.
I looked at Alec. Nakatingin na sa amin ito halatang gulat ng makita kami.
"Buhay kayo." Hindi makapaniwalang sambit nito.
BINABASA MO ANG
Left (Season 3): Despair.
Science FictionThey're left, They're returned. They've been surviving. But now it was so hard. Despair! We're living in a despair island. No one can save us. Only ourselves! What will happen to them when all that left is despair? *SEASON THREE* --- *Season one: Le...