Pangtatlumpu't-dalawa.

1.2K 76 7
                                    

Pangtatlumpu't-dalawa.

Tumahimik na pagkatapos magsalita ni Blake. I think umalis na sila.

Nabuhayan ang loob ko ng malamang hinahanap nila kami.

Umalis sa pagkakatayo yong isang lalaki sa may pinto at sumilip sa loob. Pumasok ito sa loob at makalipas ang ilang sandali ay bumalik din.

"Okay na. Wala na." Sabi nito.

Inalis na ni kuya yong kamay niya sa bibig ko. Nakita kong pinunasan niya pa yong nabasa ng luha.

Nagpunas din ako ng basang pisngi.

Hinila nila kami pabalik sa loob. Wala na nga sila.

Kung hindi lang sana dumating itong mga lalaking ito para itago kami at pigilang magingay baka nalaman nila Blake na nandito lang kami. Edi sana nagkita na kami.

Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa kama. I just looked at the five guys who went out of the room.

Pero napakunot noo ako ng sumunod si Rona pagkalabas nila. I saw her twisting the knob.

"Akala ko bukas." She said.

Mukhang sinubukan niyang buksan ang pinto kung mabubuksan. But I doubt if they will left it open. Lagot sila kay Angelina kapag nakatakas kami.

Napalingon ako kay Dyosa ng pumasok ulit ito sa kwarto na maraming bata.

"Anong gagawin non?" Tanong ni Rona. Nagkibit balikat ako.

Inantay namin itong makabalik. At nang bumalik ay agad tinanong ni Rona.

"Anong ginawa mo doon?"

"Chineck ko kung may pinto ba doon palabas. Waley!"

"Ano ba 'yan hindi talaga tayo makakatakas dito."

"True! Hirap. Kahapon nakalabas nga tayo pero may bantay naman. Kakajinis!"

Nanlumo ako.

Bumalik ako sa pagkakahiga dahil nanghihina ang pakiramdam ko.

"Louie,"

Nilingon ko si Rona ng tawagin niya ako.

"Bakit?"

"Nandito si Rodmar kahapon?" Tanong niya.

"Oo."

"Sayang, dapat kinuha ka na lang niya."

"Hindi keri bakla! Daming bantay sa labas! I wonder paano kaya yon nakapasok."

"Sabagay."

Nanghinayang din ako.

"Kung sana nasa maayos na kalagayan ako kahapon." I said.

"Kung nasa maayos ka malamang kasama ka namin lumabas para kumain di ka niya naabutan kahapon."

"Right. At least blessing in disguise na rin yon pagkakatulaley mo kahapon. Nalaman nilang alive and kicking ka pa. At automatic na yon bakla na buhay din kami!"

"Ano kayang dinahilan nila sa pagkawala mo Dyosa?" Tanong ni Rona dito.

"Naku baka sinabi tegi na ko!" Tawa nito.

"Anong tegi?"

"Tegi! Patay! Dead! Six feet under!"

"Oh okay." Tawa nito pero tumigil din. "Eh si Mark kaya? Baka tegi na siya?"

"Oo nga baks! Ilang araw ng missing in action yong kuya mo!"

"And even Jayjay." Sabi ko.

"Kaloka kawawa naman si Jayjay! Sinetch kaya ang kumuha kay baby boy!"

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon