Chapter 44

5K 82 0
                                    

Chapter 44

Hindi na kita kaibigan!

-------

Daniel's Pov.

Dumaan ang isang linggo na hindi kami naguusap ni Bea, tinitignan ko lang yung mga bagong upload na pictures niya sa official fan page niya sa facebook. Lamyang lamya ako ng isang linggo sobrang wala ako sa sarili, Lagi ako umiinom mag isa ng nakakulong sa kwarto, nagwawala, sinasaktan sarili ko, umiiyak..yan ang routine ko araw araw. Hindi ko alam kung anong mangyayari sakin pag nawala si Bea, nandito ang mommy niya ngayon at gusto daw ako makausap, Sabi kasi ni mommy hindi niya daw alam ang gagawin sakin kaya ipinaalam na sa mommy ni Bea ang nangyayari sakin, Tsk! si mommy naman inistorbo pa mommy ni Bea eh! 

"Daniel what happened?" -Tita Leah

"Nasaktan ko po si Bea Tita, ang sakit sakit sakin na marinig siyang umiyak, sobrang tagal ko siyang inalagaan at iningatan na wag masaktan tapos ito ang mangyayari kung kelan engage pa kami tsaka pa nagkaganito" -Ako

"Daniel anak, kilala namin si Bea mahal ka niya she trust you alot, nakwento sakin ni Megan ang nang yari at may kutob siyang may nilagay na drug si Trisha sa inumin mo para magkaganun ka" -Tita Leah

Nang marinig ko yun kay tita agad kong naalala yung oras na pinashot ako ng isang shot ng tequila ni Trisha, hindi kaya dun niya nilagay yung drug na sinasabi ni Tita at Megan? kaya ba nawalan ako ng malay at ganun ang nangyari?! bullshit! baliw ka talaga Trisha! sira na ang ulo mo! 

"tita anong drug daw po yung sinasabi ni Megan?" -Ako

"Ewan ko anak anong details nung drugs na yun pero ang sabi niya Dox daw yung pangalan nung drug na yon" -Tita Leah

"Dox?! what the...sobrang lakas ng tama nun tita..kaya siguro ako nagkaganun at walang maalala" -Ako

"Thats possible anak, siguro nga tama ang sinabi ni Megan na may nilagay na Dox si Trisha sa inumin ko kaya ganun ang naging reaction ng katawan mo, dont worry anak tutulungan ka namin kay Bea alam namin na magkakaayos pa kayo, for now iayos mo ang sarili mo at isang linggo nalang babalik na si Bea" -Tita Leah

"Tita maraming salamat po talaga napaka laking tulong po ng sinabi niyo" -Ako

Niyakap ako ni Tita Leah at umalis na siya dahil may tumawag sakaniya at kinailangan niyang pumunta sa opisina nila. Tinawagan ko ang barkada pati narin si Trisha, pinapunta ko sila sa Coffee Univ. kaylangan komprontahin ko na ulit si Trisha para matapos na to!

"Pre anong balita? salamat naman at lumabas ka rin ng kwarto mo sobrang nagaalala kami sayo" -Brix

"Oo nga pre akala namin nabaliw ka na ok ka lang ba? "-Jason

"Ok lang ako pre, asan si Trisha at Ark? " -Ako

"On the way na daw si Ark at si Trisha, malay ko dun bakit kasi pinapunta mo pa dito yun?"-Brix

"Pre salamat kay Megan napakatalino talaga ng girlfriend mo, nalaman ko kay tita Leah na may drug pala na Dox na nakakapag pa active ng sex hormones ng tao lalo na pag hinalo sa alak may posibilidad na yung tequila na pinashot sakin ni Trisha nilagyan niya non" -Ako

"Tang ina pre Dox?! hindi nakakagulat na nagkaganun ka pre kung may dox yung ininum mo, hinalo pa sa alak? durog ka pre" -Jason

"Oo nga noh pre? bakit di agad natin naisip na si Trisha laging may dalang ganung drugs yun, di natin naisip na posible nga na nilagyan ng dox ni Trisha yung pinashot niya kay Daniel!" -Brix

"pre sorry late ako ha dinaanan ko pa to si Trisha eh along the way naman siya eh kaya sumabay siya sakin" -Ark

"Hello guys, hello Dear whats up?" -Trisha

Bakit ba iba nalang kutob ko dito sa dalawang to.. una si Ark nagpapunta samin sa club na yun, at sakto nandun si Trisha at siya daw tong nag video nung ginawa ko kay Trisha. ano to magkasabwat sila? pero bakit? kaibigan ko si Ark at hindi magagawa ni Ark na taksilin ako.

"Trisha totoo bang nilagyan mo ng Dox yung tequila na pinashot mo sakin?!" -Ako

"ABA! tumatalino ka na dear haha! akala ko ba wala kang alam sa drugs na yan?" -Trisha

"WHAT THE HELL ARE YOU THINKING TRISHA!" -Ako

Tumayo ako at balak suntukin tong si Trisha pero napigilan agad ako ni Ark at Brix.

 
"Pre babae yan. Umalis ka na nga Trisha wala kang mapapala dito!" -Brix

"Psh pano pag sinabi kong may anak kami ni Daniel ha?! kaya ako nagkakaganito makuha lang siya?!"-Trisha

Natahimik kaming lahat at nagkatinginan, Nagpapatawa ba tong si Trisha? kahit isang beses hindi ko siya ginalaw dahil kung sino sino nakakagalaw sakaniya tapos sasabihin niya ngayon may anak kami?! Baliw na talaga tong babaeng to ehh!

"Trisha sa buong pagsasama natin walang nangyari satin kahit isang beses kaya tigilan mo yang kahibangan mo!" -Ako

"Tara na nga sayang oras natin dito!" -Brix

Hinila ako ni Brix at Jason at si Ark naman yumuko na at parang nanahimik.

"Patawarin mo ko Daniel! hindi ko alam na ganito ang gagawin niya!" -Ark

"Ano bang sinasabi mo?! Tara na nga! "-Ako

"Ako nag lagay ng Dox sa tequila na pinainom ni Trisha sayo! Patawarin mo ko Daniel!"-Ark

Walang pumasok sa isip ko nag blangko ang lahat sobrang gulo, Sinapak ko si Ark at napatumba siya nakita kong dumugo ang labi niya at mapaupo siya.

Hindi ko inaakala na magagawa niya yon sakin! Tinuring ko siyang kapatid,Kaibigan ko siya at pinagkatiwalaan ko siya!

"HINDI NA KITA KAIBIGAN! WAG NA WAG KA NANG MAGPAPAKITA SAKIN! TAKSIL KA GAGO KA!" -ako

Tumalikod na ko at pumasok ng sasakyan ko pinaharurot ko to hindi na nila ko nasundan at dumiretso ako sa 7eleven para bumili ng alak at umuwi.

Nagkulong ulit ako at uminom ng uminom. Tang.!na mo Ark! hindi ko inaasahan na tumulong ka pa kay Trisha gaguhin ako! magsama kayo!! Nasira ang pagsasama at tiwala ni Bea sakin dahil sa pang gagago niyo! Wala na kong kilalang Ark simula ngayon!

I Feel Love.[COMPLETE] unedited.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora