Chapter 14 - November

1K 31 0
                                    

CHAPTER 14 - November

October

"What? That's insanity ama! Bakit si October? Mas nauna akong magtrabago sa syringe society kaysa sa kaniya!"

That was Novem's reaction after Ama finally announced that he chose me to inherit his position as the new Lord of Syringe Society a year from now. Lahat ay napatayo mula sa pagkakaupo dahil sa komusyong sinimulan nito.

"Don't you dare shout on our father Novem! Kailan ka pa nawalan ng galang kay Ama!"

Si Ate Janry ang sumita rito na lalo naman ikinaputok ng butse ni Novem.

"Ayan! Diyan kayo magaling, ang magkampi-kampihan! Akala niyo ba hindi ko napapansin na pinagtutulungan niyo ko? Since then mga mali ko lang naman ang nakikita niyo! You never see my achievements because all of you are insicure to my greatest advantage! Hindi niyo lang kasi matanggap na mas magaling ako sa inyo at higit sa'ting labing-dalawa ako ang may pinaka maraming kliyente!"

Half of what she said is true and the other half is just her prediction.

Totoo na siya nga ang may pinaka maraming kliyente sa'ming lahat ngunit hindi totoo na mga mali lang niya ang nakikita namin at insecure kami sa kaniya.

"Enough! Sa harapan ko ba mismo kayo mag-aaway away?"

Pagbasag ni Ama sa kaniyang pananahimik.

"Ngunit Ama----"

Hindi na tinapos pa ni Ama ang apela ni Novem.

"Buo na ang desisyon ko November! Si October ang napili ko! Tapos ang usapan!"

Our father's final judgment silenced everyone.

Biglang humugot ng baril si Novem at akmang itututok ito sa akin. Mabilis naman itong nasalag ni Ate June dahilan para mabitawan nito ang baril.

Isang solido at matigas sa sampal ang binitawan ni Ama sa pisnge niya matapos nitong tunguhin ang aming kinatatayuan.

"Kailan pa kita tinuruang gamitin iyang baril mo sa sarili mong kapatid ha anak? At sa harap ko pa mismo?"

May diin sa bawat salita ni Ama at bakas sa tono nito ang pagpipigil na higit na masaktan ang ikalawa sa bunso niyang anak.

"Anak? Anak niyo ho pala ko? Hindi ko kasi ramdam dahil sa buong buhay kong pagpapapansin sa inyo, palagi na lang sila ate ang napupuri niyo. Si Ate Janry ang magaling, si Ate Feb ang maganda, si Ate March ang matapang, si Ate April ang nakakatuwa, si Ate May ang marunong, si Ate June ang malakas, si Ate July ang maparaan, si Ate August ang matalino, si Ate September ang mabilis, si December ang kaaya-aya. Noon pa man sila lang ang napapansin niyo! Palagi na lang akong invisible diyan sa mga mata niyo! Hanggang sa dumating itong October na 'to! Na para sayo, siyang pinaka mahusay at pinaka sa lahat ng anak mo! Simula ng dumating iyan, mas lalo na akong nawalan ng lugar sa pamilyang ito! Palagi na lang kayong si October! Si October! Siya na lang ang palaging bukambibig niyo! Eh ako, kailan niyo ba nakita lahat ng ginawa ko? Kailan niyo ba napansin lahat ng tagumpay ko? Kailan niyo ba ko pinuri sa lahat ng tama ko? Ni minsan hindi di'ba? Wala, dahil para sa'yo labing-isa lang ang anak m---"

Napapikit  ako ng mariin ng muling dumapo ang palad ni Ama sa kaniya.

"Iyan ba ang tingin mo? Puwes sige. Simula ngayon, labing-isa na lang ang kikilalanin kong anak ko. Malaya ka ng makakaalis sa poder ko at sa organisasyong ito. Hindi ko kailangan ng isang suwail na anak gaya mo!"

Matapos noon ay wala ng lingon pang umalis si Ama. Dere-deretso nitong tinahak ang daan palabas ng bulwagan. Living us dumbfounded and unbelieving. Tuso, istrikto at matigas lamang si Ama ngunit ni minsan...hindi niya kami pinag buhatan ng kamay. Ito ang unang beses na ginawa niya ito at ito rin ang unang boses na nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Baon ang walang reaksyon ngunit may galit na mga mata at puot sa dibdib, mabilis na umalis si Novem.

Lahat kami ay nagulat at hindi makapaniwala sa biglaang naging desisyon ni Ama. Saglit kaming hindi nakaimik at nakakilos. Nang mahimasmasan ay nagsalita na si Decem.

"Susundan ko lang muna si Ate Novem. Susubukan ko siyang kausapin para humingi ng tawad kay Ama."

Pagkasabi noon ay binaybay na rin nito ang daan kung saan patungo si Novem.

"Everybody can go now! The meeting is now adjourned!"

Anunsyo ni Ate Janry dahilan upang umalis na ang mga miyembro ng samahan maliban sa aming sampu.

"What's the plan now?"

Tanong ni Ate May.

"Kailangang mapilit ni Decem si Novem, kapag hindi siya nagtagumpay saka na tayo mag-isip ng susunod na hakbang."

Si Ate August na ang naglatag ng sagot.

"Well, balitaan niyo na lang ako kung anong magiging resulta. I have to go now. Masiyado ng napatagal ang supposedly, three hours assembly lang sanang ito."

Una na ngang nagpaalam si Ate March na sinundan na ng iba pa naming kapatid. It was only me and Ate Janry na nagpaiwan.

"Kahit i-tilt mo ng one hundred degrees iyang utak mo, hindi mo puwedeng basta ilabas na lang 'yang nasa isip mo."

I believe she knows what's running inside my head now. Sa lahat ng mga kapatid ko, si Ate Janry ang pinaka malapit sa'kin. Ako kasi ang palagi nitong pinagdidiskitahan at pinipeste.

"You know that it wasn't my plan from the very beginning. Ni sa hinagap hindi ko inisip na palitan si Ama sa posisyon niya. This will only be another hindrance that will deprive me of being with my Darl! Wala akong pake sa posisyon na 'yan maski sa karagdagang perang mamanahin ko kung ang kapalit naman noon ay mawawala sa'kin ang nag-iisang babaeng rason ng buhay ko! Hindi ko habang buhay na maitatago si Milky. Darating at darating ang araw na hahanapin siya ng pamilya niya, ng Sanbuenaventura at ng buong Emperyo nila! At kapag dumating ang araw na 'yon at malalaman nilang ang pinuno ng kalaban nilang angkan ang kasama ng tagapagmana nila, nasisiguro kong gagawin nila lahat mailayo lang siya sakin! Iyon ang bangungot na noon ko pa iniiwasan Ate Janry."

Everything wasn't in my control now. Mas naging komplikado pa ito kaysa sa iniisip ko.

"Anong gagawin mo? Tatanggihan mo si Ama? Kapag ginawa mo ang kahibangang iyan, baka siya na mismo ang gumawa ng paraan para mabura sa landas mo ang pumipigil sayong akuin ang iniaatang niyang posisyon. You know him better. Sa atin lang siya mabait. Hindi siya tumatanggap ng tao lalo na kung nagmula ito sa angkan na naging rason kung bakit humantong sa ganito ang angkan ng mga Heartfeelia. You don't want him to do anything bad to your Darl, don't you?"

I will never ever risk the safety of my precious darling. Not even in my dreams.

"I have decided now. This should be done as soon as possible."

Nanlalaki ang mga matang napatitig sakin si Ate Janry.

"Fantastic! I can't wait to that dear brother!"

Tsk! Hindi niya ba kayang umakto na ayon sa edad niya? Masiyado na siyang matanda para mag-asal bata. Kahit na ganiyan ang itsura niya hindi niya pa rin maiaalis ang katotohanang gurang na siya.

Buo na ang pasya ko. Ito lamang ang nakikita kong paraan para mabigyan ng pansamantalang remedyo ang kinasasangkutan kong aberya ngayon.

Mabilis akong umuwi sa isla matapos ng naging pag-uusap namin ni Ate Janry, only to find out..na wala roon ang darl ko! Bullshit!

Sagad sa buto akong inabot ng kaba at nerbyos ng makita ko sa sala ang dalawang bag na mojaco.

Nang pumasok ako sa kusina ay nadatnan ko na nakatali na ng duck tape ang mga paa, kamay at bibig ni Mary.

"What the fuck Mary! Where's Milky?"

Tanong ko matapos kong tanggalin ang duck tape sa bibig nito.

"Itinakas siya nina Winslett at Swindell, Mr. O."

Pucha!

Vote please..

PSYCHO HEART: OCTOBER HEARTFEELIAWhere stories live. Discover now