Chapter 35 - Ethereal

304 13 4
                                    

Chapter 35 - Ethereal

"Moja moja, napilay po ba si Miss Ganda kaya buhat-buhat siya palagi ni Mr. O?" Rinig kong tanong ni Swindell habang papalapit kami ni Gabu sa hapag-kainan.

"Oo nga binibini, noong isang linggo pa siya palaging bitbit ni Mr. O. Okay lang po ba siya? Moja moja." Segunda naman ni Winslett.

Maingat akong ibinaba ni Gabu sa tapat ng malawak na mesa saka pinaghila ng upuan. Natahimik bigla ang dalawang makulit na panay ang sulyap sa akin at bigla namang yuyuko kapag binalingan ko ng tingin.

Now, I smell something 'kasutilan' again with this two.

Akmang magsasalita ako nang biglang tumayo si Swindell at inihampas ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. Lumikha iyon ng malakas na ingay na gumulat sa aming lahat.

"Moja moja hindi ko na kaya." Umpisa nitong sabi na nagpakunot ng husto sa noo ko. "Sidekick mo kami Mr. O pero hindi namin kayang tiisin ang ginagawa mong pananakit kay Miss Ganda!"

My jaw automatically dropped upon hearing that.

"What the hell are you talking Swindell? When did I ever intentionally hurt my Darl?"

Gabu had the same look of surprise and confuse as mine.

Ano na naman ba'ng tumatakbo sa isip ng dalawang ito?

Sa halip na sagutin ni Swindell si Gabu ay tumayo na rin si Winslett at ginaya ang kaninang ginawa ng kapatid.

"Tama si Swindell moja moja."

Litong-litong nagkatinginan na lamang kami ni Gabu. Binigyan ko rin ng nagtatanong na tingin si Mary na siya namang ikina-kibit balikat lamang nito. She seemed clueless too of what's happening.

"Noong isang araw napadaan kami ni Swindell sa tapat ng kuwarto niyo ni Miss Ganda...tapos--"

"Moja moja narinig naming dumadaing sa sakit si Miss Ganda! Paano niyo nagawa iyon Mr. O? Akala namin mahal mo siya, bakit mo siya sinasakta--aray!"

Nahinto ang sinasabi ni Swindell nang lumipad sa mukha nito ang isang kutsara.

"Kayong dalawa, maupo na kayo at maghapunan kung ayaw niyong itong lamesa naman ang lumipad sa mukha niyo."

Dulot ng takot na hatid ng banta ni Mary ay agad namang sumunod ang dalawa.

My face heat up and all I could to is to scratch my temple while glancing on Gabu's direction.

"Oh, that? Ahmm.." Hindi nito halos maapuhap ang sasabihin.

Maski ako hindi ko rin alam kung saan kukuha ng paliwanag.

Anak ka naman talaga ng umuungol na pagong oh.

Isang linggo matapos ng unang beses na may nangyari sa amin ni Gabu at heto't ligayang-ligaya naman ang magaling kaya araw-araw kung ako'y tuhugin - echos! Syempre gustong-gusto ko namang magpatuhog din.

Napaka landi mo kaya iyan halos hindi ka na makalakad! Tuya ng isip ko.

Eh ano namang magagawa ko, eh mesherep. Saka kung tutuusin kaya ko namang maglakad. Ito lang si Gabu eh, masiyado akong bini-baby. Kung noon ay inaalagaan niya na ko, ngayon tatlong beses na mas yata ang ginagawa niyang pag-aalaga sa'kin pero sa totoo lang simula ng mag-isa ang katawan namin masasabi kong mas naging malapit at bukas kami sa isa't-isa ni Gabu. Lalo pa kaming naging clingy sa isa't-isa at higit sa lahat, ramdam kong mas tumibay ang pagmamahal namin sa bawat isa.

PSYCHO HEART: OCTOBER HEARTFEELIAМесто, где живут истории. Откройте их для себя